"Baby, are you okay? Kanina ka pa tulala," puna ni Simon sa akin.
It's been 30 minutes since we had sex. Hindi ko alam kung pagod lang ba ito o dahil sa panlalambot sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya nitong mga nakaraang araw. Kung kailan naman nagiging maayos na ako sa setup namin ni Simon ay tsaka naman nagkakaganito ang mga bagay.
"I'm okay, master. Just a little tired. You have a good stamina." I forced myself to smile.
"Do you want me to buy you vitamins?" he jokingly asked which made me slap his face playfully.
"Crazy ka talaga, master." Ngumuso ako at tinaas ang kumot na tumatakip sa hubad kong katawan.
"Crazy for you, baby Ivy." Kinindatan pa niya ako at humalik sa balikat ko. "You should rest. Ang sabi mo ay magre-review ka pa and gagawa ng reports. I'll help you with your lectures."
Tumango ako at ngumiti. "Thank you, master." Pinikit ko ang mga mata ko.
Ilang segundo na akong nakapikit nang maramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Marahan din ang paghaplos niya sa buhok ko kaya mas lalo pa akong dinadalaw ng antok.
"I love you, baby," he whispered and kissed my forehead again.
My heart suddenly swells in pain. Gusto kong ipagwalang-bahala na lang ang mga nalalaman kong hindi maganda sa kanya but for sure, it will destroy my integrity and credibility as a future attorney-at-law. Ang hirap timbangin, ang hirap mamili dahil pareho kong mahal ang mga pinagpipilian ko.
Ano pa ba ang kailangan kong malaman para tuluyan ko ng maiwan si Simon. Kasi kahit anong gawin kong pag-iisip ay si Simon pa rin ang pinipili ng puso at isip ko. Para bang may nagsasabi sa loob ko na huwag ko siyang iwanan.
Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip ng bagay na iyon at nagising akong may suot ng pantulog. It's 9:50 pm and I need to do my report for tomorrow. Hindi pa rin pala ako nagpapaalam sa mga magulang ko.
I looked for Simon in the entire room and I didn't find him. Pati mga gamit ko sa school ay nangawala na!
Lumabas ako ng kwarto at unang sinilip ang office niya rito sa mansyon niya. Pagbukas ko ng pinto ay hindi nga ako nagkamali, he was here. Tutok na tutok ang mga mata niya sa computer niya. He was so hot just by sitting there on his swivel chair wearing a simple red shirt and eyeglasses. I bit my lower lip while entering his office.
"I am looking for you," sabi ko nang makalapit ako. Gusto ko pa sanang tanungin kung nasaan ang mga gamit ko pero nakita ko na ang mga iyon.
"I am almost done with your powerpoint presentation, baby. And the documentation is already printing, you just have to read them all para hindi ka mag-fail sa reporting," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.
Mabilis akong nagtungo sa likuran niya at tingnan ang ginagawa niya. Malapit na nga siyang matapos base sa mga nilalagay na niyang info.
"Thank you, Simon. Ang sipag mo talaga sa lahat ng bagay." Marahan kong sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko.
Walang imik niya akong hinila at pinaupo sa kadungan niya. "Dito ka lang para mas lalo akong ganahan, my future attorney." He sniffed my scent while typing the information. Magaling talaga, multi-tasker.
Ang hirap tuloy magdesisyon kapag ganito.
"Did you sleep well? Sorry for making you tired. Sana sinabi mo sa akin na may gagawin ka pa bukas, hindi na sana tayo naglaro sa kama." He continued typing.
"I slept very well, nainis lang ako ng kaunti dahil hindi kita pagkagising ko." Yumakap ako sa kanya at inamoy ang natural scent niyang nakaka-adik.
Isa sa mga napansin ko kay Simon ay talagang masipag siya. He can always make time for things kahit pa sobrang hectic ng schedule niya. Minsan nga ay kapag wala akong dalang sasakyan ay sinusundo pa niya ako kahit pa may meeting pa siyang dadaluhan.
Many can misinterpret him. Baka may nangyari noon that tainted his reputation kaya lahat ng tao ay tingin sa kanya ay masama na. Kahit anong gawin niya ay bibigyan ng masamang kahulugan ng mga tao sa paligid niya. He needs someone who will only listen to him and will not judge or leave him immediately after hearing all those accusations.
Kaya siguro isang slave ang hanap niya. His slave will not only be his sex slave, but his companion, listener, and comfort.
Hinaplos ko ang malapad niyang dibdib. "What will you do if one of those doms you presented to me actually chooses me?"
"Kung hindi ko pa alam ang gusto mong mangyari ay ibibigay kita sa makakapili sa 'yo. Iyon ang pangako ko sa 'yo, I don't like breaking promises. Masakit para sa akin pero alam ko namang mas magiginga maayos ka sa kanya." Bumuntonghininga siya.
"Hahanap ka ba ng slave kung ganoon ang nangyari?" Tinigala ko siya.
Umiling siya at pilyong ngumiti. "Susulutin kita pabalik." Hindi na niya napigilan ang pahalakhak.
"Sira ka talaga!" Kahit ako ay natawa sa sinabi niya.
"Bakit? Ikaw nga ang gusto ko, eh. Baka hindi lang din ako makuntento sa iba at masaktan ko pa. Mabuti na lang talaga at umamin ka na gusto mong kuhanin na kita." He pasted the last words to the presentation.
Sobrang nagbago rin siya. Hindi katulad noon na sobrang seryoso at parang mananakit anumang oras, ang Simon ngayon ay palagi ng nakangiti. Good catch na nga kaya maraming babae ang naiinggit sa akin.
"Are you willing to change for the sake of your family and significant one?" I asked him.
Umiling siya. "I am willing to change, Yvette. Kahit mahirap ay gagawin ko. I do not fear for my life anymore, I am worried about you."
Kaya bakit ako makikinig sa ibang tao kung ngayon pa lang ay kayang-kaya ng magbago ni Simon. I will not judge him. I will be his friend, his love, and his comfort. Hindi magiging madali dahil sa mga taong nakapaligid sa amin pero kakayanin ko para sa kanya.
Ilang sandali pa ay natapos na niya ang niluluto niya.
"Thank you for finishing my report. It means a lot to me." Tuwang-tuwa talaga ako dahil hirap pa man din akong gumawa ng mga presentation.
"Anything for my baby." He kissed me on the lips and then my forehead. "Uuwi ka pa ba or you will stay here for tonight?"
Ngumuso ako. "I want to stay pero pagagalitan na ako ni mommy dahil lagi niya akong naabutan na umuuwi na ng kinabukasan. Hatid mo ako please, master."
He chuckled and readied himself for the ride. Ilang beses na niya akong nahatid kaya memoryado na niya ang daan. Wala pang sampung minuto ay nasa tapat na kami ng bahay ko.
"Kailan ba tayo magde-date ulit?" tanong ko habang inaalis ang seatbelt sa katawan ko.
"Pwede naman bukas kung free ka na. Sabihin mo lang sa akin kung kailan ang gusto mo. I can make some arrangements to my schedule." He gave me the sweetest smile I ever seen.
"Okay, bye. See you." I gave him a light kiss on the lips and waved goodbye.
Nang makapasok ako sa bahay ay kaagad na sumalubong sa akin ang galit na galit na si mommy.
"From now on, you are not allowed to be with Simon Ferrer. Break up with him already," mariin niyang sambit.

BINABASA MO ANG
RedCollar Series #1: Simon Ferrer
RomanceWarning: R18🔞 "It's a cliche, an attorney at law falling to her criminal client. But being its slave is not!" Si Yvette Villa Rico ay matalino, sa sobrang talino ay naging top 1 sa board exam sa abogasya, nakatapos ng tatlong kurso, at higit sa lah...