III

4 0 0
                                    

What you get by achieving your goals is not as important as what you become by achieving your goals.
-Zig Ziglar
...

Kinabukasan ay maaga akong nagising para tumulong sa tubuhan. Anihan ngayon at kailangan ng maraming tao para tumabas ng mga tubo, nag ayos na ako at nagsuot ng long sleeve, jogging pants at sumbrero para bawas sa bilad at sikat ng araw.

Sumabay ako kay Itay pagpunta ng tubuhan at pagdating namin doon ay may mga kasamahan na kaming nagsisimula. Dalawang linggo pa naman bago magsimula ang pasukan kaya makakatulong pa ako ng malaki sa bahay.

Sinimulan na namin ang gagawin para matapos kami agad, may mga dumating din na truck para kunin ang mga naani namin at dalhin sa factory na gumagawa ng asukal. Isa ito sa mga pinakamalaking supplier ng tubo sa bansa kaya mas mabuti na marami ang trabahador.

"Lora, andito ka pala." Bati sa akin ni Aling Rosa, isa sa mga nagtatrabaho sa tubuhan.

"Magandang umaga ho, Aling Rosa." Sabi ko naman sa kanya.

"Kamusta ka na? Balita ko isa ka sa nakakuha ng scholarship na binigay ni Mr. Tuazon." Sabi nito na halatang masayang masaya para sa akin. Kasama din kasi ang anak niyang so Jorge (pronounce at Horhe) sa mga nakakuha ng scholarship.

"Opo Aling Rosa, malaking pasasalamat ko nga din ho dahil dito sa oportunidad." Sabi ko naman habang nagtatabas ng mga tubo.

"Oo, ganun din kami ng pamilya namin. Hanggat maaari ay ayoko din na tumanda ang anak ko na nagtatabas ng tubo." Sagot ni Aling Rosa na tumatawa. Alam ko naman ang nais niyang sabihin, hindi naman masamang mangarap ng ikauunlad ng pamilya eh.

...

Nakalipas ang dalawang linggo ay pasukan namin sa kolehiyo. Ang simula kasi ng semester sa Lowell ay kagaya sa ibang bansa, kaya kapag pasukan ng mga ibang eskwelahan dito at siya namang bakasyon sa kanila.

Nahanap ko din agad ang aking classroom at pansin kong may nga tao na sa loob. Pagpasok ko ay siya namang tinginan ng mga ito sa akin, ngumiti na lang ako bago umupo sa bandang likod na upuan. Halatang mayayaman ang mga tao dito. Maya maya pa ay napansin kong may umupo sa bakanteng upuan na katabi ko. Isa itong babae, maganda ito at may pagka kulay berde ang mga mata, mukhang may lahing foreigner ito.

"Hi." Bati nito sa akin.

"Hello." Bati ko rin sa kanya at ngumiti.

"I'm Aurelia Mitchell San Pablo." Pagpapakilala niya at nilahad ang kamay para maki pag shale hands.

"Aelora Tañez" Sabi ko at kinuha ang kamay nito.

"Nice to meet you Aelora." Sabi nito ng nakangiti sa akin.

"So, can we be friends? I know it's my kinda odd but I like you." Sabi pa nito sa akin.

"Oo naman. Tutal bago ako dito at walang kakilala." Sabi ko pa.

"Same here." Sabi nito na halatang may accent ang ingles.

Nagkuwentuhan kami ng mga simpleng bagay kagaya ng kung taga saan ako at bakit photography ang kinuha kong kurso. Maya maya pa ay natahimik ang lahat at napansin ko na isang babae ang pumasok sa silid.

Dirediretso ito sa podium at nagsulat ng pangalan sa white board. Prof. Elowyn Eleanor Tuazon, MA.

"Good morning everyone. I'm Professor Elowyn Eleanor Tuazon. You can address me as Prof. Tuazon inside the school premises and classroom. I will be your professor in the subject Introduction to Photography." Sabi nito na may kalamigan ang boses. Nakasuot siya ng white long sleeve sa loob ng kanyang light blue coat, na pinairsan niya ng light blue pencil skirt at white high heels. Maganda siya at sopistikada sa kanyang pananamit at pagsasalita. Mukha siyang pamilyar sa akin, at pinakatitigan ko siya. Napansin ko na tumingin din siya sa direksyon ko at may kaunting ngiti sa kanyang labi, ngunit agad din itong nawala. Tuazon din ang apelyido niya. Kaano-ano kaya siya ni Mr. Tuazon?

Loving Professor TuazonWhere stories live. Discover now