..
Daniel
"Pa! May kasama pala ako! Naga-apply raw po kahit taga hugas o taga deliver lang daw!" Sigaw ni Kyleen pagkapasok palang ng restaurant nila.
Masasabi ko lang sa pwesto nila ay tama naman dahil mas expose sila sa public kaso ang di maganda ay may competitor sila, pero di naman maiiwasan yung ganiyan ang kailangan mo lang ay diskarte.
Pumasok kami ni Kyleen habang nagti-tingin tingin ako sa paligid ng restaurant nila. Masasabi ko namang malinis at yung mga animated na manok na design nila sa bawat paligid ay nakakatuwa.
"Ano!? Kyleen, alam mo namang magbubukas palang tayo nakuha ka na agad ng empleyado! OA mo masyado!" Sigaw naman ng isang lalaking may kalaliman ang boses.
Nagmumula ito sa kusina at mukhang nagluluto ito. Napatingin naman sa akin si Kyleen na natatawa dahil sa sagot ng tatay niya na ikinangiti ko lang dahil di ko alam ang masasabi dahil tama naman ang tatay niya, kakabukas lang nila hindi pa malaki ang restaurant nila.
Maya maya lang ay lumabas ang isang lalaking matangkad na moreno at may apron pa itong suot. Kakakitaan na nasa mid 40s na ito pero hindi naman papatalo yung pagiging gwapo niya.
"Ikaw talagang bata ka. Pag-pasensyahan mo na itong si Maria ha? Hindi marunong sa negosyo yan." Pambungad sa amin nitong tatay ni Kyleen.
"Pa! Anong Maria!? Kadiri!" Angil ni Kyleen na ikinatawa ko ng bahagya dahil doon.
"Walang anuman po, ako naman po ang nagpumilit dahil kailangan ko lang po talaga nang mapagkukuhanan ng income." Saad ko naman sa tatay ni Kyleen na napatitig sa akin.
"Sa nakikita ko ay bata ka pa, hindi ka ba napasok?" Tanong ng tatay ni Kyleen, "Zachario nga pala, Mang Karo o Mang Zach na lang itawag mo sa akin." Pakilala naman niya kaya napangiti ako.
"Ako naman po si Daniel, Dan for short—uhm about naman po sa akin hehe hindi na po ako bata, bente cuatro na po ako." Ngiwi kong sambit na ikinatingin nila pareho sa akin.
"Gagi, totoo!?" Gulat na tanong ni Kyleen na tinanguan ko naman, "Akala ko freshman ka." Natatawang saad ni Kyleen kaya natawa na rin ako.
"Hindi ko naman maitatanggi na mukha talaga akong bata para sa edad ko." Aniko at tumingin kay Mang Karo, "Mang Karo, may suggest po sana ako sa inyong restaurant." Sambit ko at napakunot noo naman siya sa akin.
"Ano yun?" Tanong nito at kakikitaan ng curiosity ang mata nito.
"Kung maaari po sana ay lagyan niyo ng promo ang restaurant niyo para sa opening para ma-enganyo ang mga customer. Pwede pong kapag nakabili ng 5 box na friend chicken, may free 1 box! Pwede niyo rin po iyan i-promote sa social media gaya ng paggawa ng social media page ng restaurant niyo. Kailangan niyo po talaga mag-effort para makilala ang negosyo niyo ng madla, sa una lang naman po ang promo na ilalagay niyo since nagsisimula palang po kayo." Mahabang paliwanag ko at nakita kong nakanganga lang sa akin si Kyleen habang si mang Karo ay nakangiting nakikinig sa akin.
"Mukhang ang daming mong alam sa pagne-negosyo, Dan?" Aniya na ikinangiti ko.
"ABM po kasi kinuha ko noong Senior High School kaya medyo maalam po ako sa ganito, saka gusto ko po talaga ang pagh-handle ng negosyo." Sagot ko at napatango sa akin si Mang Karo.
"Kung ABM ang kinuha mo noong Senior High, nag Business Administration ka ba nung College?" Tanong ulit ni mang Karo na ikinawala ng ngiti ko.
Matagal pa bago ako nakabawi at maliit ang ngiting tumingin sa kanila ni Kyleen, "Uhm... Hindi na po kasi ako nakatuloy ng college dahil sa hirap ng buhay." Sagot ko na ikinatigil naman nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
AcciónMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...