Friends ?

9 1 0
                                    

Hanna's POV

We're now on our way to 4th floor for our next subject, sumabay narin ako kela Grasyl at Kim dahil halata naman na gusto nila ako maging kaibigan. Hahahaha ! totoo naman eh, at gusto ko din naman since wala pakong kakilala dito, besides, i think theye're nice at higit sa lahat, para hindi narin ako mahirapan humanap ng magiging buddy dahil most of the time, people think na suplada, maarte, o masungit ako, kaya naman ilag ang mga tao sakin. Psh! i just hope na totoo sila.

*poke*

Tinignan ko si Grasyl na kinalabit ako.

"why?" i asked.

"you okay ? akala ko ba walang hiya-hiya ?" –Grasyl

"ah, hehehe, hindi naman ako nahihiya eh."

"eh bat dika nagsasalita?" tinignan ko lang si Kim at ngumiti, yung boses nya malumanay, halatang mahinhin. Si Grasyl naman ay parang natural lang yung boses kahit matining.

Ang totoo, hindi ako nagsasalita dahil tinitignan ko yung bawat kilos nila. Kinikilala. Iniisip ko din kung makakasundo ko kaya sila ? totoo ba tong mga pinapakita nila? I mean, 'y know, bagong magkakakilala, baka pakitang tao lang sila, ......gaya ko.

Pumasok na kami sa assigned room para sa amin, wala pang prof. At wala pa din ang iba naming blockmates. Naglakad ako papunta sa mga upuan sa harapan upang doon pumwesto, ganun din ang ginawa nila Grasyl. Magkakatabi kame, at panigurado, pati narin sa mga susunod pang mga subjects.

"so, ahmmm, bat ito ang napili nyong course?" pambabasag ko sa katahimikan, medyo nabo-bore na ko eh.

Una kong tinignan si Grasyl at mukha namang naintindihan nya ang tingin ko na yun at sya ang naunang sumagot.

"ako kasi gusto kong maging reporter. I know na dapat Journalism ang kinuha ko, pero kasi parang feeling ko andito sa CommArts ang excitement at thrill. Satisfaction ba. Gusto kong matutunang umarte, makipaghalubilo, at madiscover ang kung ano man at kung meron man akong tinatagong talento, hahahaha !"

Napangiti ako kay Grasyl, yung totoong ngiti. Halos pareho kasi kame ng gustong tahakin na career. Pareho din kaya ang persepsyon namin tungkol sa buhay? Na ang buhay ay isang malaking entablado lamang?

Naputol ang pagiisip ko nang si Kim naman ang sumagot.

"gusto ko maging Direktor. At ito ang gagawin kong stepping stone."

Medyo seryoso sya kaya naman tinanguhan ko sya bilang pag-sang-ayon at pagsasabi na maganda ang ideya nya.

Ibig sabihin, halos pare-pareho kami ng gustong tahakin na daan sa hinaharap. Naisip ko tuloy ang future kung saan years from now, si Grasyl ay isa nang ganap na reporter, si Kim bialng Direktor, at ako bilang Artista.

"ikaw?" tanong sakin ni Grasyl.

"Gusto kong maging artista, gusto kong gumawa ng sariling pangalan sa industriya na pangarap kong pasukan, gusto kong patunayan sa lahat na may talento ako at hindi ko kailangan ng koneksyon at sisikat ako hindi dahil isa akong anak ng artista," tuloy-tuloy kong sabi sa kanila.

"WHAT?!"  w(*0*)w  sabay nilang tanong, nabigla ata.

Wrong moved Hanna, dapat di mo sinabing anak ka ng artista. -_____-

"talaga?"- Grasyl

"Sino? Both parents mo ba?" halatang interesadong tanong ni Kim.

"nope, si Mommy lang, my father died when i was 4 years old. Amanda Rivera."

"OH EM GEE ! Really?" napatayong tanong pa ni Kim.

Hinawakan sya ni Grasyl sa braso at pinaupo.

"ang o.a mo girl. Hahahaha!"

"i'm sorry, nagulat lang ako. Imagine, nasa harap natin ang anak ni Amanda Rivera? One of the most in demand prestigious actress in Philippines ! 34 years old yet fabulous !" 

.

.

"Nice! Just nice! Nakakita pa tuloy ako ng fan ni mommy dito >,< fan nga ba? Baka mamaya pinapakita nya lang sakin na gusto nya si mommy dahil nalaman nyang anak ako nito." Bulong ng tamang hinala kong isip.

"oh stop it Hanna! Hindi porket mapagkunwari ka, mapagkunwari narin lahat ng tao sa paligid mo" kontra naman ng konsensya ko .

"talaga naman, Hanna, don't trust them yet. Kakakilala mo pa lang sa kanila, and now na nalaman nilang anak ka ng sikat na artista, hindi malayong gamitin ka nila"

*tango tango* oo nga naman....

"Ang T.H mo talaga! Dahil dyan wala kang magiging tunay na kaibigan!" –konsensya

.

.

"Aishhhh!" ginulo ko pa ang buhok ko dahil sa gulo ng iniisip ko.

(OvO)  <- Grasyl

(o_O) <- Kim

"I-im sorry! hehehe" Y(^.^)Y

"you okay?" -Kim

"ahhh, yeah. Naiinip na kasi ako. Kanina pa tayo naghihintay ng prof. eh" Pagdadahilan ko. Bumenta ka pleeeaaaassse !

"first day of shool be like.... tara! Canteen! Di na darating yun. Maski mga blockmates natin di na dumating eh." Sabay tayo ni Grasyl, nag-inat-inat pa sya. \(^0^)/

"kaya nga, hihihi. Excited narin ako makihalubilo sa iba eh."

"naks! di na sya nahihiya oh! tara! :)" tumayo ako at inayos ang sarili ko.

Habang pababa papuntang canteen, tuloy parin si Grasyl at Kim sa pagke-kwento. Or should i say si Grasyl lang ang nagkekwento? Panay tango at ngiti lang kasi si Kim. Nagtataka tuloy ako, asan na kaya ang energy na ipinakita nya kanina nung malaman nyang anak ako ng isang Amanda Rivera? Tss. Ayoko na ngang isipin. Ang dapat iniintindi ko ay kung paano ko ba malalaman kung tunay na gustong makipag-kaibigan ng dalawang to. Kay Grasyl, mukha naman syang natural umarte, in fact madaldal sya at maligalig. Unlike Kim na kahit hindi masyadong maingay, eh hindi din naman ganun katahimik. Gets nyo ba? Hahahaha! Parang kasi ang gulo. Aiiissssst! Gusto ko naman talaga sila maging kaibigan, kaya lang natatakot ako, pano kung hindi totoo yung mga pinapakita ni Grasyl? Pano kung totoo din yung kutob ko kay Kim na nagkukunyari lang syang mahinhin? Pano kung gustuhin ko ng maging super Close friend sila tapos classmate lang pala tingin nila sakin?

*iling-iling*

"ikaw ang aarte dito Hanna, hindi mo dapat hayaan na madala ka kung sakali ngang nagkukunyari lang sila" pagpapaalala ko sa sarili ko.

"friend, anong kakainin mo for Lunch?" tanong ni Grasyl.

Napatingin ako kay Kim na nakangiti lang at parang hinihintay din ang sagot ko.

"kung ano na lang din ang sa inyo" sagot ko, sila na ang nag-order at pinahanap na nila ako ng table.

Dito sa sulok at kalapit bintana ang napili ko. Hindi maingay, hindi magulo at maaliwalas.

"friend huh..." yun na lang ang nabanggit ko nang maalala ang pagtawag sakin ni Grasyl at pagngiti ni Kim.



Author's Note:

Sa mga naghihintay po ng LOVELIFE ni Hanna, easy-han nyo lang. Hahaha. Hindi pwedeng wala of course  thanks !

VOTE!

COMMENT!

SPREAD!

FOLLOW!

Thanks ! mwuuuaaaahugggs !


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lights, Camera, Action! (Take 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon