note: nagsasawa na ba kayo sa kilig? (¬_¬)ノ
wait lang kayo.. ahehehehe “ψ(`∇´)ψ
Mira's POV
December 9, 2008
Lunch time
Ooooh yummy! Pork chopi ulit baon ko! Hihi..
Baon style ako kaya di ko na kailangan bumaba sa canteen. Pero nababa ako kasi sa baba nakaen mga kaklase ko. Sarap kasi kumaen nang may kasabay eh ^__^
Pero since last week..
Hindi na ko bumababa sa canteen.
Baka kasi andun si kuya Arvie -__-
alam ko galit na siya sakin..
Pero kailangan ko siyang iwasan eh. Hay, kasi naman eh.. Panu kung naging kame nga? Iiwan din naman niya ko kasi magka college na siya next school year. Ako yung kawawa diba..
Haay, sawi ako sa first love ko.
(isasawsaw sa ketchup yung kapiraso ng porkchop gamit ang tinidor, isusubo ang porkchop pagkatapos ay sasandok ng konting kanin gamit ang kutsara at isusubo ito. Kailangan gawin to ng paulit-ulit nang may poise hanggang maubos na ang kanin at ulam)
Mmmmmm chomp chomp, sarap (ngumunguya dahan dahan)
Sarap talaga ng porkchop ni inang reyna ^__^
ay wait.. Malungkot pala ko, huhu.. T_____T
"Psst! Mira!",
tuloy parin ako sa pagkain ko, nadala kasi ako ng emotions ko, pati na rin ng sarap ng kinakain ko
"Mira!!!",
Sinundot na ko sa tagiliran ni Hannah.
Eeek!! Ugh! My weak spot!
"Hannayopak ka?!",
pag nagaasaran kasi kame ni Hannah, Hannayopak na tawag ko sa kaniya. At napipikon na siya nun haha.
"ansama mo!!"
"bakit ba kasi? Ine enjoy ko eating session ko eh"
"di mo kasi ako pinapansin eh! Anu ba yan? Uuuuy porkchop!! Penge!",
kumurot na siya ng mabilisan sa porkchop ko, huhu yung porkchop kooo!! Hinabol ko yung kamay niya, pero ang bilis, nasubo agad, huhu!!
"hey! That's mine!"
"damut nito, konti lang eh!!"
"joke lang hehe, masarap ba?"
"oo naman!! Porkchop mo yan ih!"
"^___^ so bakit mo ko tinawag kanina? Porkchop lang pakay mo?",
Kukurot pa sana siya ulit pero pinalo ko ng tinidor kamay niya, ngumiti siya, tumawa ako, nagtawanan kame :D
"hahaha hindi nu! Di naman ako ganun kapatay gutom. Siya nga pala, may nag-aabang sayo sa labas ng room",
Tinuro niya kamay niya sa labas, at napatingin naman ako. May lalaking nakatayo. Parang kilala ko yun ah..
Si.. Si...
Arviiieee!!!(゚д゚lll)
Bakit? Bakit siya andun? At nakatingin siya sakin. Tawag ba niya ko? Waaaaaah!!
"uy! Wag mo lang siya tingnan, puntahan mo naaa!!",
tinutulak ako ni Hannah para tumayo, pero ang gusto lang naman niya ay ang papakin porkchop ko..