"However . . . " he trailed off "this video is not enough crucial evidence to accuse someone."
Lumipat ang tingin niya kay Janna sabay hawak sa hamba ng mesa ni ma'am kaya para kong napagitna sa pagitan nilang dalawa.
"This so-called evidence of yours could backfire against you," he said with conviction. May diin at awtoridad sa tono ng boses niya.
"It clearly shows on the video na nakalukot na yung papel habang inaayos niya ito para tingnan, bakit kaya?" Lumipat ang tingin niya sa akin.
"Did you scramble it twice?" he asked. Mabilis akong umiling. Tumango siya saka muli binalik ang tingin kay Janna.
"How did you know that it was your paper, nasa labas ka ng classroom diba habang vinibidyuhan siya? Kaya paano mo nalaman?" Napatingin na rin ako kay Janna habang hinihintay siyang sumagot. Maski si ma'am ay mukhang napaisip na rin sa paraan ng pag-iinterrogate ni Del Reyes. Para siyang nasa isang korte at abogado siya na denepensahan ang akusado. Plano niya bang mag-take ng law?"M-malamang! Papel ko yun! Kilala ko ang itsura ng papel ko!" Pasigaw niyang sagot habang hindi makatingin ng deretyo kay del Reyes. "k-kahit tanungin niyo pa siya! Papel ko yun. . . At l-lukot na talaga yun bago ko pa ipasa diba?" Tumingin sa'kin si Janna. What the hell? Wag niya sabihin nung binato niya sa'kin yung papel ay ang paraan niya ng pag-pasa.
Matapang ko siyang hinarap.
"Oo papel mo yun!" Pag-amin ko.
"Oh diba!" Aniya na para bang ang galing niya.
"As I said before, papel mo 'yun na nilukot mo at binato sa'kin. Dinampot ko lang para tingnan at itapon nang tama sa basurahan. I don't get the point of taking a video of me para pagmukhaing masama ako. Insecure ka ba dahil top 2 ako at wala kang kaibigang katulad ni Prince?" Sunod-sunod kong sinabi.
"Tama" Sang-ayon ni del Reyes.
Hindi nakasagot si Janna. Tanging hikbi niya nalang ang maririnig sa kabuuhan ng silid. Nakuyom ko ang kamao at hindi inalis ang tingin sa kaniya. I don't really get kung bakit kami humantong sa ganito. Kung may galit siya sa'kin ay puwede niya naman akong kausapin nalang or sadyang gusto niya lang talaga kong hilain pababa.
"P-palibhasa kase maganda ka, m-matalino ka, kaya sayo agad ang kampi ni Jamie! Oh ano? Masaya kana? Ede ikaw ng Tama! Kahit ano namang paliwanag ako hindi naman kayo maniniwala sakin eh!"
Umiiyak niyang sumbat sabay tulak sakin saka takbo. Muntik pa'kong matumba pero agad na sumalo sa likod ko si del Reyes."My god!" Napatayo si ma'am at problemadong napatingin sa nilabasang pinto ni Janna. Mahaba siyang napabuntong hininga sabay hilot sa kaniyang sintido.
"Hindi ko na kukwestyunin kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo" tumingin sa'kin si ma'am. "But I want to meet both of your parents, bukas din Vacenciou"
"Opo ma'am"
Tumango ako."God! Ang sakit-sakit niyo sa ulo! Isa kapa del Reyes!" Nadamay si del Reyes sa galit niya. Pero mukhang hindi naman siya nasindak, bagkus ay napakamot lang ng ulo sabay ngiti sa'kin.
"Oh ano pang tinatayo-tayo niyo dyan? Makakaalis na kayo!" Dali-dali na kaming umalis dahil baka hindi na lang sermon ang abutin namin kay ma'am.
Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makalabas kami, although napatawag parin ang magulang ko ay hindi naman na ganun kabigat sa dibdib. Binilisan ko ang paglalakad para hindi ako masabayan ni Del Reyes. Ayokong isipin niyang para akong tangang ngumingiti sa kilig. Kagat-kagat ko ang likod ng pisnge ko, trying hard to stop my lips from forming a smile. Alam kong ginawa lang ni Del Reyes 'yon para ma-improve daw ang solving skills niya. Hindi ko alam kung para saan, pero ang galing niya kanina.
"Ballpen"
Napahinto ako sa pagtawag niya."Bakit ang bilis mo mag lakad?" Agad niya kong pinantayan.
BINABASA MO ANG
Bestow Your Affections On (Highschool Series #1)
Dla nastolatkówBallpen believes that her feelings for her long-time crush, Jamie Loyd del Reyes, are just admiration. She thinks that a crush is merely idolizing a famous artist or K-pop idol, and that these feelings can fade away, allowing you to find someone new...