Ano kayang feeling ng malayo ka sa mahal mo? Yun bang di kayo nagkikita regularly. Siguro ang hirap nun.
Tipong miss na miss mo siya kaso wala kayong magagawa. Tipong hanggang call at text nalang kayo, facebook at skype. Tipong di mo alam baka may umaaligid aligid na sakanya. Tipong.. Tipong di mo alam kung ikaw parin mahal niya. Lalo na.. Lalo na't malayo ka sakanya. Di mo siya maprotektahan.
Hanggang salita ka nalang. Hanggang sabi ka nalang ng, "Mag-iingat ka dyan ha? Nag-aalala ako." Hanggang ganyan ka nalang.
Nakakamiss siguro para sa part mo yung ngiti niya, mata niya, buhok niya. Yung mga yakap niya, yung mga haplos niya sa buhok mo, yung boses niya.
Haaay.. Teka, bat ba ko nag-iisip ng ganto? O__O Fyi lang readers ha! Hindi ko yan pinagdadaanan. Napaisip lang naman. >3<
"Boo!" sigaw niya.
"EEEEEEEEEEKK!" tili ko din naman.
"Ano ba yan," sabi niya, "Sakit sa tenga." =__=
"Ikaw naman kasi eh! Sino ba nagsabing manggulat ka?" sabi ko sabay palo sa braso niya.
"Aray. Sino ba nagsabing ginulat kita? Ang ingay ng tili mo. Pfft." >3<
"Hala. Uy, sweetie. Sorry na. Nagulat ako eh. Sorry. Masakit ba?" tanong ko at hinaplos-haplos yung bandang tenga niya. =__=
"Ikaw naman kasi eh." >3< "Ano bang ginagawa mo? Ang lalim lalim ng iniisip mo. Ano, sinasabayan mo ba yung weather? Porket cloudy at medyo mahangin at nasa field tayo ngayon, ang lalim lalim na ng iniisip mo," sabi niya at nagpout nanaman. >3<
Si Josef Guevarra. Siya ang boyfriend ko. Hihi. <3 Kayumanggi at matangkad siya. Aaminin ko na rin na he has his flaws. Hindi siya ganun kagwapo pero marami parin nagkakagusto sakanya. At syempre, sa kinadami-dami ng nagkagusto sakanya, sakin siya nainlove. Haynako, nakakakilig talaga! =////=
Ako si Jena Imee Salvador. Magtutwo years na kami sa February 12 which is bukas na. :"> Hehehe kulit noh! Mas nauna ko pang ipakilala boyfriend ko kesa sa sarili ko. Sensya naman. >3<
4th year na kami. Nag-aaral kami sa St. Francis Academy. Eto kami ngayon.. Nasa field lang, nagpapahangin. Sakto, mga 4:30 pm na. Sarap ng simoy ng hangin.
"Uyyyy.." >3<
"Ay, sorry sweetie." =__=
"Ano ba kasing iniisip mo?" >3<
"Sorry, sorry," tumayo ako at pinagpag yung mga damo damong kumapit sa palda ko, "Naantok lang ako kaya napapaisip ng ganun. Uwi na kaya tayo? Sorry sweetie!" >3<
"Psh. Lika nga dito! Sweetie ko.." hinila niya ulit ako at napaupo ako, "Kung anuman yang gumugulo sayo, wag mo na isipin ok? Nandito lang ako kung kailangan mo ko. Hmm? Mahal na mahal kita, Imee," seryosong sabi niya at niyakap ako ng sooobrang higpit.
"Salamat, Sef. Lagi kang nandyan para sakin." =////=
"Oh bat namumula ka?" :D
"Pano kasi, ang sweet sweet sweet ng sweetie ko!" sabay kurot ko sa magkabilang cheeks niya.
"Uh.." =////= "Inaantok ka na diba? Uwi na tayo. Tara."
"Hahahaha! Ikaw naman namumula ngayon! Cute mo!" ^__^
Naglakad na kami papuntang bahay. Walking distance lang naman. Ganto kami araw-araw. Sabay umuwi. Magkahawak kamay with matching sway sway pa. Opo, hatid sundo ako dito kay Sef. Eh sa kabilang kanto nga lang bahay nila mula samin eh. We're meant for each other talaga! ^__^
BINABASA MO ANG
Maling Akala *insert facepalm here* (one shot)
Teen FictionMaraming natutuwa, nadedepress, nahihimatay, nagugulat at sari-sari pang emosyon dahil sa mga akala nila. What more could happen if.. MALING AKALA pala?