"Mommy, what's happening?"
Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at marahas na hinila ang kamay ko.
"Galing ka sa kriminal na 'yon?! My goodness, Yvette! Manang-mana ka nga sa daddy mong tanga. Law student ka pa man din pero nakikipagrelasyon ka sa kriminal." Dinuro niya ako at binalingan naman niya si daddy na akala mo ay pinitpit na lata. "At ikaw, pinapasok mo pa talaga sa kompanya natin. Haven't you done any background check on your investors or nabulag ka na lang sa pera?"
"Why are you calling him a criminal, mommy?" Pinipigilan kong umiyak dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Sanay na ako sa pang-iinsulto niya pero ang matahin niya si Simon na wala namang ibang ginawa kung hindi ang maging mabait sa akin ay nadudurog ang puso ko.
Marahas na bumuga ng hangin si mommy at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. "He is a famous drug dealer in the black market. Halos lahat ng kriminal na nakukulong sa droga ay kilala siya pero magaling siyang tumakip ng mga bakas niya, walang sapat na ebidensya para ikulong siya. He wasn't using drugs but he was selling them. Dati rin ay minsan na siyang nakasuhan dahil sa human trafficking, he is also a sex offender pero hindi man lang siya nakukulong dahil sa lakas ng koneksyon niya. He is a rapist, a drug pusher, a criminal in all ways. Sinong matinong tao ang gugustuhing lumapit at makipagrelasyon sa ganoong klaseng tao? You are a law student, Yvette! You will become an attorney-at-law soon. Kasiraan mo si Simon Ferrer kapag nagkataon."
Hindi ko alam kung saan nakuha ni mommy ang mga impormasyon na 'yon pero kailangan pa talagang manggaling sa kanya para lang matanggap sa sarili ko na Simon wasn't the man I expected him to be. Akala ko kakayanin ko pero mali ako, mahina pa ang loob ko.
"It's okay." Mommy hugged me when I cried in front of her. "He's just another man you can forget." She caressed my hair.
I did not say a word. She knows nothing about our relationship. Hindi ako makakaalis kay Simon kahit pa gusto ko siyang hiwalayan. Tama sila, I should have known better. Kahit kailan ay tanga ako pagdating sa pagpili ng lalake.
"I can't, mommy. I can't leave him." Umiling-iling ako.
"Why?" Kumalas siya sa akin. She was frowning and I knew she would burst into anger once she found out that I agreed to be Simon Ferrer's sex slave.
"Mommy, I'm sorry." I am such a failure. Lahat ng ginawa ko para sa sarili ko ay hindi tama. Kailangang si mommy pa ang magdesisyon para sa akin para lang maging maayos ako.
"What did you do, Yvette?" Humarap siya kay daddy. "Ano ang ginawa ni Simon Ferrer sa anak mo?"
"I don't know," mahinahong usal ni daddy kahit pa gulong-gulo na rin sa mga nangyayari.
"I just want to go far from here, mommy. Gusto kong lumayo," bulong ko sa kanya.
Nagulat si mommy sinabi ko ganoon din si daddy. Ayokong sabihin sa kanila ang lahat pero kung hindi ako makakalayo ay hindi ako titigilan ni Simon Ferrer.
"Please, hindi ako titigilan ni Simon kahit pa sabihin kong ayaw ko na." Pinunasan ko ang luha ko.
God knows how much I wanted to stay with him pero hindi pwede. Staying with him means destroying my life forever. Even if I finished Law School and became an attorney, no one would trust me because of his background. Ang kagustuhan kong may mapatunayan sa mga magulang ko at sa sarili ko ay maglalaho na lang habang buhay. Paniguradong hindi rin ako matatanggap ni mommy kung pipiliin ko si Simon.
"Okay, we will leave the country like I always wanted since the day you were born. Ang daddy mo lang talaga ang kontra-bida sa buhay ko. Ngayon ako na naman ang aayos sa gulong ginawa niyong mag-ama." Mommy sighed.
"Sorry, mommy." I should have listened to everyone that warned me about him.
"Pack your things. I'll book our flight for tomorrow. Hayaan mo na ang ama mong matigas ang ulo ang maiwan dito." She tapped my shoulders. "Stop crying. A lawyer doesn't cry when he or she loses a case." She helped wipe my tears.
"Thank you, mom." Mabuti na lang talaga at may mommy pa ako.
Habang nag-iimpake ako ay binabasa ko ang mga legal document na binigay sa akin ni mommy. They were the cases filed against Simon Ferrer. Ang dami at hindi ko yata kayang basahin lahat dahil nakakapanlumo lang.
Nang gabi ring 'yon, I emailed the school my dropping form and deleted his number. I threw away my sim card and bought another one to text Maxine.
"What happened? Noong isang araw lang ang saya mo pa?" sabi niya sa kabilang linya.
"I already bumped my head on the wall. I am leaving the country, don't tell anyone including him." Bumuntonghininga ako.
"I will. Pero alam mong magagalit siya sa gagawin mong 'yan. He will hunt you forever for sure."
I know that. Babalik na lang ako. Babalikan ko siya kapag kaya ko na pero ngayon, hindi pa pwede. Marami pa akong kailangang patunayan. Hindi ko kaya ang buhay na mayroon. But I will be forever committed to him.
Mabilis na naasikaso ni mommy ang mga kailangan naming dokumento. We need to hurry bago pa makatunog si Simon dahil kung maabutan niya ako rito ay paniguradong hindi niya ako paaalisin.
"Na-enroll na kita sa isang university doon sa malapit sa bahay ng lola mo. Doon mo tatapusin mo ang law at doon ka na rin mag-take ng exam. Hindi ka uuwi ng Pilipinas hanggang hindi ka natatapos," usal ni mommy habang pasakay kami ng eroplano.
Hindi pa ako makapaniwalang aalis na kami at iiwan ko si Simon dito. Hanggang ngayon ay parang panaginip pa rin ang lahat ng nangyari. Ang puso ko ay hindi pa rin lubusang naniniwala na gaanong tao si Simon. Ang mga ngiti niya sa akin at kung paano niya ako ingatan ang humaharang sa pagtanggap ko sa tunay niyang katauhan.
I spent my six years abroad. Pinagbutihan ko ang pag-aaral ko, hindi na ako lumingon sa kahit kanino pang lalake na lumalapit sa akin. I don't know, I still feel committed to him, after all these years.
Until...
"Nakulong na si Simon Ferrer," bungad sa akin ni Maxine nang mag-video call kami.
"What?" Halos masamid pa ako sa iniinom kong tubig.
"Pinakulong siya ng mga Cabrini. Ni-rape niya daw yata yung asawa ng bunso nilang kapatid. Tapos marami pa siyang naging kaso dahil matagal na pala siyang iniipunan ng mga ebidensya ni Attorney Christian Cabrini," paliwanag niya.
Doon ako tuluyang natauhan. Umasa ako na magbabago pa si Simon. Malaki pa ang pag-asa ko noong una dahil nakita ko iyon sa kanya noong mga panahong magkasama kami pero hindi pala. Mas lumala pa siya. Pinatunayan lang niya sa akin na tunay siyang demonyo kagaya ng mga sinasabi sa kanya ng mga tao.
I will forget him. Kalilimutan ko na siya, ayoko nang bumalik. Hindi na ako babalik sa kanya kahit kailan.
Pero totoo nga ang sinabi akin ni Maxine, he will hunt me for the rest of my life. A call from him changed the course of my plan.
"Come back here, little one. Help your master get out of jail or I will destroy your parents' business."
I had no choice but to face him once again. Kahit pa nasa loob siya ng kulungan, walang makakapigil sa isang Simon Ferrer.

BINABASA MO ANG
RedCollar Series #1: Simon Ferrer
RomantizmWarning: R18🔞 "It's a cliche, an attorney at law falling to her criminal client. But being its slave is not!" Si Yvette Villa Rico ay matalino, sa sobrang talino ay naging top 1 sa board exam sa abogasya, nakatapos ng tatlong kurso, at higit sa lah...