Chapter 6

1.7K 37 2
                                    

Elizabeth

T-Tinulungan ko si Tatay mag decorate ng Christmas decor sa loob ng bahay. Hindi na kasi ito maasikaso ni Nanay dahil masyado siya busy sa Palengke. Tinayo ko ang Christmas tree bago ko sinabitan ng Christmas ball at iba pa decoration. Si Tatay naman kinabit niya ang mga Christmas light sa labas ng bahay. Amoy pasko na talaga. Ang lamig ng simoy ng hangin. Paskong-pasko na talaga.

Mamaya gabi mag simba ulit ako. Kasama ko si Inigo. Madalang nalang kami mag-usap sa Phone ni Ezekiel dahil busy siya sa trabaho dahil naka duty siya. Minsan nalang kami mag video call dahil puyat siya sa gabi. Kawawa naman ang boyfriend ko.

Kahit short na siya sa oras ay Nagagawa pa niya tumawag sakin kahit ilan minuto at hindi niya na nakakalimutan ang salita I love you kapag nagpapaalam na siya akin na matutulog na.

I miss him so much!

"Wow ate perfect na perfect ang pag decorate mo ng Christmas tree" Saad ni Inigo.

"Maganda ba Inigo?" Tanong ko sa kaniya. Kinagat ko ang labi ko.

"Yes ate magandang-maganda, malapit na talaga ang araw ng pasko ate nu, Busy ang mga kaibigan ko sa pangangaroling." Sabi niya.

"Oh bakit hindi ka sumama sa kanila mangaroling, masaya kaya mangaroling may pera kapa" sabi ko.

"Next time nalang ate. Tinatamad kasi ako sumama" sabi niya. Ginulo ko ang buhok niya.

"Sige pairalin mo yan katamaran mo, walang mangyayare sayo" sabi ko.

"Hindi naman ate. Tinatamad lang talaga ako sumama, alam mo ate masaya sana ang pasko mo kapag kasama mo si Kuya Ezekiel, ate nakakamiss si kuya nu?" Saad niya.

Bigla ako nalungkot. Nauunawaan ko naman may trabaho siya. Nasa Duty siya. Kahit araw-araw kami nag-uusap sa Phone, iba parin yun nakakasama ko talaga siya. Nakikita ko siya at nakakasama ko talaga.

Pumunta ako sa Palengke pagkatapos ng gawain sa bahay. Nalulungkot lang ako kapag nasa bahay ako.

"Oh mabuti naman pumunta ka dito Elizabeth" Sabi ni Nanay.

"Nalulungkot ako Nay, kapag nasa bahay lang ako. Na alala ko siya" sabi ko sa kaniya.

"Alam mo Elizabeth, napakabait ng bata yan si Ezekiel. Napakabuti ng puso niya. Alam ko mahal mo siya anak, may relasyon kayo dalawa" aniya.

"Oo Nanay, mahal na mahal ko Ezekiel." Sabi ko.

"Huwag ka na makungkot Elizabeth, alam ko babalikan ka ni Ezekiel. Maghintay kalang" sabi niya.

Ang dami ng tao ngayon sa Palengke, ang dami bumibili sa amin ng gulay kasi sariwang-sariwa pa. Bago dating galing sa Tacloban.

"Miss magkano ang kilo dito sa Carrots mo?" Tanong ng isang matanda babae.

"Three hundred fifty pesos po, Ale mahal ang gulay ngayon" sabi ko sa kaniya.

"Ganun ba, sige bibili ako ng isang kilong Carrots" Aniya.

"Sige po Ale" Kinilo ko ang Carrots at binigay ko sa kaniya. Inabot niya ang bayad sakin.

Sunod-sunod ang mga customers na bumibili sa tini-tinda ko gulay. Malapit ko na talaga maubos. Mamaya babalik ako sa bahay dahil maliligo ako para magsimba gabi.

"Ate Elizabeth tapos na ako maligo,ikaw naman" Umalingawngaw ang boses ni Inigo habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang tuwalya. Tumutulo ang tubig galing sa buhok niya.

"Ah sige maliligo na ako" Pumasok ako sa banyo. Hinubad ko ang saplot sa katawan ko. Binuhusan ko ang buong katawan ko bago nilagyan ng shampoo ang buhok ko. Sinabon ko ang buong katawan tsaka binanlawan. Nag toothbrush muna ako bago lumabas sa Banyo. Dress ang susuotin ko para kumportable ako magsimba mamaya. Sabay kami ni Inigo pumunta sa simbahan. Medyo marami na tao sa loob pero nakahanap parin ng mauupuan. Napako ang mata ko sa harapan ng Altar.

"Ate miss muna siya nu?" Tanong ni Inigo sakin.

Tumingin ako sa kaniya.

"S-Sobra" Mahina sabi ko.

"Ilan buwan na pala ate na huli kayo magkasama dalawa ni Kuya Ezekiel?" Seryoso tanong niya sakin.

"Seven Months"

"Ang tagal na pala ate. Ngayon pasko anong wish mo ate?"

Napabuntong hininga ako.

"Ang wish ko ngayon pasko, Sana bumalik na siya dito sa Davao De Oro, Sana makasama ko na siya." Saad ko. Hindi ko binibitiwan ang salita niya babalikan niya ako dito. Patuloy ko panghahawakan ang pangako niya yun.

Kilala ko si Ezekiel may isa siya salita.

Magsisimula na ang ikalawang gabi ng simba gabi. Nakikinig ako sa Sermon delivery ng Pari. Ang ganda ng mensahe ngayon gabi about forgiveness.

Kahit ilan beses pa ang magkamali ang tao sayo ay Kailangan mo patawarin. Kasi ang diwa ng pasko ay pagmamahalan at marunong magpatawad sa kapwa. Kapag sinampal ang isang pisngi mo ay iharap mo pa ang isa at huwag gumanti kahit gawan kapa ng masama. May napulot na naman ako aral ngayon gabi. Maraming salamat kay Father Crisostomo dahil marami siya tinuturo na maganda aral lalo na sa kabataan. Ang nagustuhan ko sa Tinuro niya ay igalang ang magulang para humaba ang buhay.

Yun ang sagrado kautusan ng Diyos na dapat sundin.

Ang bilis-bilis talaga ng araw ngayon. December twenty four ngayon. Mamaya sasalubungin namin ng buong pamilya ko ang Pasko. Excited na ako, kaunti handa lang ang niluto ko dahil apat lang kami.

"Ate Elizabeth may bisita ka" Umalingawngaw ang boses ni Inigo sa loob ng kusina. Naghuhugas kasi ako ng mga pinaggamitan ko Kaldero. Tumingin ako sa kaniya. Pinunasan ko ang kamay ko.

"Sino ang bisita ko Inigo?" Tanong ko, hindi ko naman aakalain na may parating ako bisita.

"Hi honey ko" Natigilan ako bigla.

Bumalik siya.

"Ezekiel" Napaawang ang bibig ko.

Niyakap niya ako at yumakap ako ng mahigpit sa kaniya.

"M-My heart is hollow, my days are empty, my life is devoid of any joy while away from you. Oh, how much I miss you!Honey, I want you to know that I feel lost without you. I miss your smile, your kind and gentle touch, your sweet kiss, your loving presence. I miss you to the point of going crazy." Saad niya.

"Miss na kita, sana naman aware ka. Sana namimiss mo din ako. Oras-oras kong chinicheck ang phone ko kasi baka nagtext ka, pero wala. Siguro nga busy ka, pero sana naman magkaroon ka ng kahit isang minuto lang para itext ako. Kanina pa kita tinitext pero wala kang reply. Namimiss ko na yung pangungulit mo, yung pang-aasar mo, yung pangbibwiset mo. Lahat yun namimiss ko na, mas lalo na ikaw. Hindi ko alam kung paano ko malalampasan ang isang araw na hindi ka nakakausap, para bang hindi makokompleto ang araw ko kapag di kita nakakausap. Gusto ko lang namang iparating sayo na.. Miss na kita" sabi ko.

"I'm sorry honey kung wala ako text at tawag sayo few days ago, Busy ako e, marami ginawa sa Kampo. Miss na miss kita." Hinagod niya ang buhok ko sa tagiliran ng tenga ko."Wait may pasalubong ako sayo" may dinukot siya sa bulsa niya.

"Hairclip!"

Ngumisi siya."Binili ko yan sa Davao, Pumunta ako sa bayan ng Davao. Unang kita ko yan, ikaw ang naisip ko agad kaya binilhan kita. Bagay na bagay sayo may hairclip sa buhok" kinabit niya ang Hairclip sa buhok ko.

"Thank you Ezekiel"

Hinawakan niya ang baba ko" Na miss kita" Kinindatan niya ako.

"Na miss din kita Ezekiel" sabi ko.

"Bagay na bagay sayo ang hairclip na binili ko. Gusto ko makita na palagi sinusuot mo yan" Saad niya.

"Oo na po" Ang sweet talaga ng boyfriend ko. Kahit malayo kami sa isat-isa, Naglaan talaga siya ng oras para makapunta sa Davao De Oro. Para makita ako.

"Good"

HMS #1 A Soldier Heart (R-18) Complete Where stories live. Discover now