Chapter 35

50 5 2
                                    

Sa pinakabagong ulat, isang malagim na aksidente ang naganap sa kahabaan ng kalsada sa Ilocos Norte. Ayon sa mga awtoridad, isang dalagitang babae ang nasawi nang masagasaan sya ng isang SUV. Ang biktima ay nakilalang si Camille Arriene Evangelista, ang bunsong anak ng dating congresista na si Franklin Jose Evangelista, isang labing apat na taong gulang na residente ng lugar. Ayon sa mga nakasaksi, nasagasaan ang biktima habang tumatawid sa kalsada.

Ayon sa initial investigation, tila hindi na muling nakahinga si Camille pagdating sa ospital, at mabilis na idineklara ng mga doktor ang kanyang pagkamatay. Nagluluksa ang pamilya ni Camille sa nangyaring trahedya, at nananawagan sila ng katarungan para sa kanilang yumaong anak. Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong dahilan ng aksidente, at mabigyan ng hustisya ang nasawi sa pangyayaring ito. Manatili sa ABS-CBN News para sa mga karagdagang updates hinggil sa kaganapan.

"It's all my fault!" I cried as I watched the news and I saw my sister's dead body in the middle of the road that triggered my sorrow to overflow. Sandro held me tightly, his presence a beacon of comfort amidst the storm of my emotions.

"Lorraine, wala kang kasalanan sa nangyari." Sandro insisted, his voice filled with conviction. "You couldn't have known this would happen." He wiped my tears as I watch the latest news on tv, until now I still blame myself to what happened to Camille even if I also blamed my parents for their negligence.

But his words fell on deaf ears as guilt continued to consume me. The image of Camille's lifeless body on the news replayed in my mind like a haunting refrain, each frame a painful reminder of the tragedy that had befallen our family.

"Ako dapat ang nandyan" I whispered, tears streaming down my cheeks. "Ako dapat ang magpoprotekta sakanya."

Sandro's embrace tightened around me, his silent support a testament to his unwavering commitment. "Alam mo sa sarili mo na hindi mo ginusto ang nangyari, kaya tahan na Lorraine, payapa na si Camille." Sandro hugged me tightly and he turned off the television, I poured all of my heart into him because I cannot accept her death, nasa ilalim na ko ngayon ng pangangalaga ni Sandro at naiiwan akong mag isa kasama ng aso nyang si Charlie mag isa sa bahay tuwing umaalis sya, nag iingat kami ng mabuti para walang makaalam na nakatira ako sa pamamahay nya. 

Sa puntong iyon, kahit gaano ako magpumilit, alam ko sa kaibuturan ng puso ko na wala nang babalik. Wala nang Camille na yayakapin ko o tatawagin kong kapatid. Iniwan ako ng lungkot na tila walang katapusan, at si Sandro na lang ang tanging sandalan ko.

"Matulog ka na muna Lorraine, alam kong kailangan mo yan and watching tv will only trigger your emotions." Wika ni Sandro as he lead me to the bedroom he gave me when he knew that I had to stay away from our house dahil hindi lang ako malulunod sa kalungkutan don, kundi mas lalong titindi ang awayan namin nila mama at papa, at sana lang talaga ay nasamahan ko sya para kampante ako na magiging safe sya, pero hindi na yon maibabalik, yon ang masakit don.

Nang maihiga ako ni Sandro sa kama ay iniharap ko sya while he's tucking me to bed. "Please Sandro promise me, hindi mo ko itataboy, even if you knew what I already feel for you and I don't know when it'll fade, please wag mo kong itataboy, I always need your help, dahil kahit ako ay hindi ko narin matulungan ang sarili ko, dahil kung hindi mo kayang tanggapin ang nararamdaman ko para sayo, please just accept me fully and wait until my feelings fade completely." A tear fell in my eye while Sandro was looking at me with care and understanding, kahit na alam ko sa sarili ko na ayaw nyang may mamagitan samin, mas pinili nya parin akong tulungan dahil alam nya na sya lang ang mahihingan ko ng tulong, at hindi ang mga magulang ko.

Hinawakan ni Sandro ang kamay ko. "Lorraine, hindi kita itataboy. Kahit ano pa ang nararamdaman mo, nandito ako. Hindi kita iiwan sa ganitong kalagayan," sagot niya, at ramdam ko ang sincerity sa bawat salita.

The Gap Between Us (Under Revision)Where stories live. Discover now