Present Time...
It was heartbreaking to see the situation of the Strawberry Farm. Napabayaan na at wala ng mga tanim na strawberry. Wala na rin ang mga caretakers at mga farmers. Abandonado na ang dating napakagandang taniman. Ang dami kong magagandang memories dito na hindi ko yata kayang malimutan.
"What happened here?" tanong ko sa lalakeng secretary ni Simon na kasama ko ngayon. Bilib din ako sa isang 'to, ang loyal sa amo.
"Hindi naman po siya nalugi, ma'am. Napabayaan lang talaga," malungkot niyang sabi habang nakatanaw sa farm. "Ayaw namang ibenta ni boss dahil may sentimental value raw ang lugar na 'to sa kanya. Mahal na mahal daw niya ang lugar na ito."
Another pain strikes in my heart, naalala ko na naman ang araw na una kaming nag-date at dito ko rin nalaman na mahal niya ako. Iyon ba ang tinutukoy niyang sentimental sa kanya? Mahalaga rin sa akin iyon. Ang hirap alisin sa buhay ko.
"Let's revive this place," sabi ko at nginitian siya. Yeah, that was the right thing to do. May pag-asa pa ito, hindi kagaya ni Simon na habang buhay na yatang halimaw.
"Talaga po, ma'am?" Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Ang laki ng ngiti niya at gusto pa yatang magtatalon sa tuwa.
Tumango ako. I don't want to lose this place either. I hate Simon Ferrer, I hate the person he became. But... I love who he was to me back then. Sana maibalik pa iyon kahit alam kong malabo na.
The secretary found the former caretakers and farmers and then hired them once again. Nagulat pa sila nang makita ako at natuwa dahil sa wakas ay magkakaroon na ulit sila ng trabaho.
"I am reviving your Strawberry Farm," balita ko kay Simon Ferrer nang bisitahin ko siya sa kulungan.
Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya. "That's good to hear. What else?"
Huminga ako nang malalim. "Good thing that you got rid of all your illegal businesses. Masarap bang makulong?"
Nagkibit-balikat siya. "I'm fine here. Do you want to see my cell?"
Umiling ako at bahagyang natawa. "No, thanks." Baka kung ano na naman ang maisipan niyang ipagawa sa akin. I know Simon very well.
"Talaga ba? Ayaw mong makita kung gaano kasarap ang buhay ko rito. I have nothing to worry about because I don't have to run my business, I can sleep whenever I want. I can eat the food I like, and most of all, I have to see you every single time I want to see your face." Ngumisi siya at binasa ang labi gamit ng dila.
Sinasabi ko na nga ba. "You should worry about your future. Tandaan mo na habang buhay kang nandirito. I can run your businesses until I can but who's gonna take care of it once we get old and you are still inside?" Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay.
Mas lalong lumaki ang pagngisi niya. "I already have a solution to that."
"Ano naman? Mag-aampon ka?" Sabagay, magandang option din naman ang adoption pero sayang talaga ang lahi nitong si Simon Ferrer. Siraulo lang talaga.
"No, ayoko ng ampon. I want to have my own flesh and blood...inside you," sabi niya na ikinagulat ko.
Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap pa. "You don't have the right to force me to do things that I don't want."
"I will not force you, baby. Just like before, you will voluntarily surrender yourself to me. Can you remember how much you begged for me to take you? I can still your voice begging me to fuck you hard and fast. Didn't you miss that?" Lumaki ang ngiti niya at dumilim ang mga mata.
"Hindi mo na ako mauuto, Simon Ferrer! Ayoko sa isang kriminal. I want to have a normal life without you in the picture. Sa isang bagay na lang ako sa 'yo magmamakaawa ngayon, palayain mo na ako."
Gusto ko pa sanang magsalita pero malakas niyang hinampas ang mesa na pumapagitan sa amin.
"This is all your fault, Yvette. You left me, I was willing to change for you and our future. I was willing to give up all of my wrongdoings and clear my name para mapanatag ang loob mo. I thought you were different from them, I thought you would listen to me. I loved you and it was changing my life. Pero ano ang ginawa mo? Iniwan mo ako dahil mas pinili mong makinig sa mga putanginang taong walang ginawa kung hindi halungkatin ang mga kamalian ko noon!" Suminghal siya at tumayo.
"Don't blame me for who you really are, Simon!" sigaw ko.
"Then, who should I blame? Sana maramdaman mo kung paano iwanan nang wala man lang pasabi. I texted you every single day and night, hindi ako makatulog dahil inaalala ko kung ano na ang kalagayan mo. Hinanap kita, pinagtanong-tanong sa mga kaibigan mo. Ilang beses akong nagtanong sa sarili ko kung ano ba ang nagawa kong ikinagalit mo. I was blaming myself, but then I learned that you left because you found out about my past. Hindi mo man lang akong naisipang tanungin." Umiling siya. "Putangina talaga!" sigaw niya at hinampas pa ang pader bago lumapit sa mga pulis.
Wala namang humpay sa pagtulo ang luha ko at wala ng lumabas na salita sa bibig ko. Ako pa pala ang mali ngayon. Ginusto ko lang namang iligtas ang sarili ko dahil takot akong walang mapatunayan.
"Okay ka lang, ma'am?" tanong ng pulis na babae.
Tumango ako at pinunasan ang mga luha ko. "Thank you."
Umalis ako sa presinto nang mabigat ang loob. Did I create the most evil version of Simon Ferrer? Ako ba ang dahilan kaya niya nagawa ang mga bagay na iyon? Kasalanan ko ba kasi pinili ko siyang iwanan?
I called Maxine to meet me at a restaurant. Gusto kong magkuwento dahil sasabog ako kung hindi ako makakapagsabi ng saloobin sa iba.
"So, Simon Ferrer is blaming you for how evil he was?" Parang nandidiri pa ang itsura niya habang sinasabi iyon.
"Yes, and it kinda makes sense to me kasi mas lumala siya nang iwanan ko siya." Yumuko ako at pinagmasdan ang pagkain ko na hindi pa nagagalaw.
"That's not how it works, Yvette. Pinapaikot ka na naman ni Simon Ferrer dahil alam niyang madali kang makonsensya. He was evil even before you met him at kahit pa sabihin niyang nagbabago na siya noong mga panahong nakilala ka niya, still, he is a monster just trying to ignore his nature. Huwag kang magpaapekto sa mga sinasabi niya," sabi niya at hinaplos ang malaki niyang tiyan.
Napangiti ako. "Manganganak ka na naman. Dalawa na ang baby mo n'yan."
Humalakhak siya. "Wala pa nga kami sa kalahati ni Dominic sa gusto niyang bilang ng anak namin. Gusto raw niya anim para marami ang lahi."
Sa totoo lang ay naiinggit talaga ako rito kay Maxine. Asawa na niya ngayon si Dominic at magdadalawa na ang anak nila. I want to have kids too pero sino naman ang bubuntis sa akin?
Nag-init ang pisngi ko nang maalala ang sinabi ni Simon.
"Ayos ka lang, girl?" tanong ni Maxine na malamang ay napansin ang pamumula ko.
"A-ah, oo. Medyo naiinitan lang talaga ako," palusot ko.
"Iba talaga kapag tumira na sa ibang bansa, kahit naka-aircon na, naiinitan pa rin," biro niya at pinagpatuloy ang pagkain.
Paano naman kaya ako bubuntisin ni Simon Ferrer?
BINABASA MO ANG
RedCollar Series #1: Simon Ferrer
RomansaWarning: R18🔞 "It's a cliche, an attorney at law falling to her criminal client. But being its slave is not!" Si Yvette Villa Rico ay matalino, sa sobrang talino ay naging top 1 sa board exam sa abogasya, nakatapos ng tatlong kurso, at higit sa lah...