Napangiti ako habang yakap-yakap ang aking unan. Bahagya ko pang iniangat ang aking kumot at kinumutan ang aking sarili.
I want to sleep more.
Gusto ko pang matulog. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong karamdaman. Ayoko nang umalis sa higaan. Bakit parang ang sarap sa katawan ang lambot ng kama ko? God I wish hindi pa umaga.
"Mariin akong napapikit nang lumapit sa akin si Zeus."
Agad na nagsalubong ang kilay ko ng marinig ang isang pamilyar na boses. I cover my ears using my pillow, ngunit rinig na rinig ko parin ang pamilyar na boses.
"I don't know what to do. Wala akong nagawa kundi ang umatras na lamang na pinagsisihan ko."
Wika nito.
I try to recognize her voice. Bakit parang pamilyar ang boses nang babaeng 'to? Sino kaya siya?
"Hindi ko namalayan na wala na pala akong maaatrasan. And damnit it. Zeus is already smiling ear to ear."
Gusto ko pang matulog, pero dahil sa kung sino man ang bruhang nagbabasa ngayon hindi ko magawang matulog ulit. Inis akong napakamot sa ulo at ibinaling ang katawan sa kabilang bahagi ng kama. I cover my ears again at ngayon ay ikinumot na talaga ang kumot sa buong katawan ko.
"Do you really think you can run away from me Stacy? He asked while grinning. I looked at him. Wala akong nagawa kundi ang tignan lang ang nakakatakot niyang mga mata."
I deeply sighed nang mapagtanto na hindi ko man lang magawang maka-adjust, kahit ako na ang mag-adjust sa bruha. Instead of going back to sleep, I decided to listen to her.
"Sinong nagsasabing tatakas ako? Matapang kong sabi. I was just looking at the beautiful sunset Zeus. Dagdag ko pa."
I find it a bit interesting, ano kaya ang susunod na mangyayari?
"He shook his head in disbelief. Sino ba naman ang maniniwala kung nakita niya akong nakahawak ng isang lubid."
Tanga naman pala si Ante ghurl.
"Really Stacy? Nagbibiro ka ba? Sarkastiko niyang sabi. I look away. Wala akong laban sa lalaking ito. Ano pa ba ang maaasahan ko sa susunod na mangyayari. Yet it's still the same."
Ba't ang tagal?
"Well, he said in hoarse voice. I think you know your punishment? Giit nito at inangat ang ulo ko upang makatingin sa kaniyang namumungay na mata. I slowly nodded and can't help but to look at his lustful lips."
Anak ng tokwa! Spg?!
"Ganon din ang ginawa niya. Nakatitig lamang siya sa mga labi ko at dahan-dahang inilapit ang mukha sa aking mukha. Wala akong nagawa kundi ang pumikit na lamang dahil alam kong wala akong laban sa kanya."
Spg nga! Anak ng tokwa sino tung nagbabasa?!
"His lips found mine and move it slowly. But later on aggressiveness are visible than caring. Marahas niyang tinanggal ang suot kong damit at sa dimalamang dahilan ay napaungo—"
"ANAK NG TOKWA ATE CLARISSE!"
"Putek kang bata ka!"
Sigaw ko at mabilis na napabalikwas sa kinahihigaan. Gulat na gulat siyang nakatingin sa akin at napahawak pa sa dibdib. Mabuti na lang at agad kong nakilala ang nagbabasa dahil sa temang binasa niya.