CHAPTER 21

32 22 22
                                    

"Anong masama? Nag I love you ka lang namroblema ka na?"

Kahit hindi ko nakikita si Sierra alam ko na iniirapan na nya ako. Sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyari nung nakaraang gabi, she laughed at me like I did something really funny.

"Sinong hindi? Araw-araw---no, minu-minuto gusto nya akong mag I love you sa kanya."

Noong gabing iyon hindi nya pinaniwalaan ang sinabi ko kaya kinaumagahan nang magkaroon ako ng pagkakataon sinabihan ko ulit sya ng I love you. He's so happy, really, really happy. Tumalon talon pa sya at binuhat ako para iikot sa ere. Simula noon gusto nya palagi akong mag I love you sa kanya, kapag nag I love you sya sa'kin gusto nya sasabihin ko rin 'yon pabalik sa kanya.

Nakakainis sya kasi paulit-ulit pero hindi ko magawang pagtaasan sya ng boses kasi ang cute nya.

"Yaan mo na, naglalambing lang ang asawa mo, pagbigyan mo na."

"Ano pa nga ba. Anyway, how are you? Hindi ba talaga kita pwedeng puntahan?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya, hindi agad sya nakasagot. "A-ayos lang ako, wag mo na akong puntahan hindi mo na kailangang malaman. Ang mahalaga nakakausap mo ako. Friends pa rin naman tayo kahit hindi mo ako nakikita 'di ba?"

"Oo naman hindi 'yon magbabago. Miss ka na namin nila Caiden at Ashron."

"Sabihin mo kay Caiden, ayaw ko sa kanya, 'di ko sya miss, kasawa sya."

Natawa ako, kahit hindi ko sya nakikita alam ko na nakaismid sya.

"Nga pala pupunta kaming Mindoro sa isang araw, bakasyon kami doon."

I'm excited but I'm also nervous to meet the other members of the Velez family. Kapag natuloy kami, iyon ang unang beses na makikita nila ako. Natatakot ako na baka hindi nila ako tanggap. Paano pala kung hindi sila kasing bait ng magulang ni Callen. Isipin ko palang na hindi nila ako tanggap, nalulungkot na ako.

"Hala, balita ko masungit ang lola nya, kapag ayaw nya sa isang tao sinasabunutan nya."

Namilog ang mata ko. "Talaga? Paano mo nalaman?"

Tumawa sya. "Bombits! Joke lang! Sige na ibababa ko na 'to may gagawin ako. Bibilang ako ng tatlo papatayin ko na ang tawag. One, two---"

Sumimangot ako. Hindi pa naabot ng tatlo binabaan na nya ako ng tawag.

Wala si Callen ngayon nasa hospital sya kaya mag isa lang ako dito sa bahay walang ibang ginagawa kungdi manood at kumain kaya naisipan ko syang puntahan sa Clinic. Nag prepare ako ng pagkain para sa kanya first time kong magluto ng kare-kare at gusto ko sya ang unang titikim.

"Masarap?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya bago uminom ng tubig. "M-masarap kaso---"

"Great! Kain ka pa. I prepare this for you, mabuti naman nagustuhan mo. Niluto ko 'to ng puno ng pagmamahal kaya masarap."

"Sa sobrang pagmamahal nito para akong sinasakal." bulong nya.

"What?" nagtaas ako ng kilay. Hindi ko sya naiintindihan dahil may pinapanuod ako sa cellphone tapos ang hina pa ng boses nya.

"W-wala, sabi ko I love you. Tanggap kita kahit ganyan ka," alanganin syang ngumiti. Bumuka ang bibig nya pero agad ding tinikom, parang may gusto syang sabihin.

"Sabihin mo na, ano yon?"

Napakamot sya sa kanyang batok pagkatapos ay muling uminom ng tubig. "Love, ahm, ano kasi...uhm maalat 'yong luto mo, parang hindi ko kayang lunukin. Sorry, wag kang magalit." nakayukong aniya.

Captivating Deception (Affection Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon