"You are communicating with that Ferrer again? Talagang sisirain mo ang buhay mo!" sermon sa akin ni mommy nang malaman niyang abogado na ako ni Simon Ferrer.
"Mommy, can we not talk about that? I'm tired and I want to have a peaceful rest," I calmly said hoping she would let it go.
"No, we have to talk about this now! Ito lang pala ang dahila ng pag-uwi mo ng Pilipinas, para lang maging sunud-sunuran naman sa kriminal na 'yon!" sigaw niya na ikinairita ko.
"Mom!" I screamed making her stop talking. "You know nothing," mariin kong sabi na ikinagulat niya.
Totoo naman na wala siyang alam na naiipit na ako sitwasyon ko ngayon. Hindi ko naman gustong lumapit ulit kay Simon pero kung hindi naman susunod sa gusto niya ay masisira lahat ng pinaghirapan ng mga magulang ko.
Iniwan ko si mommy sa living room, hindi pa rin siya makapaniwalang sinigawan ko siya. Hindi rin kasi siya sanay na lumalaban ako sa kanya. Feeling niya ay kayang-kaya niya pa rin akong hawakan at kontrolin. Dahil sa pangingialam niya sa emosyon ko noon, ito ngayon ako, ipit na ipit.
"What is this?" tanong ko sa secretary ni Simon kinabukasan nang magpunta ako sa building niya.
"I don't know, ma'am." Pinahawak niya sa akin ang isang paper bag na hindi naman ganoon kabigat. "Ang bilin ni boss ay ipadala 'yan sa 'yo ngayong pupunta ka sa kulungan para bisitahin siya." Binigay niya pa sa akin ang ilang folders na nasa office table. "Ito na rin po ang mga progress report na paniguradong hihingin niya sa 'yo." Ngumiti siya pagkatapos.
Bumuntonghininga ako. "Thank you."
Hindi naman kasi dapat ako bibisita sa kanya ngayon pero nandito na, eh. Ramdam na ramdam ko talaga ang kapangyarihan ng lalakeng iyon kahit nasa piitan na. Araw-araw pwedeng dumalaw at kahit anong oras pa pwede. Paano niya kaya nagagawa ang ganitong mga bagay?
"Ferrer," I told the policeman.
"Pasok kayo rito, ma'am," sagot niya sa akin at giniya ako kung nasaan ang mga selda na may metal doors.
"Nasaan si Simon Ferrer?" tanong ko habang sinundan siya.
"Gusto niya kayo sa loob ng selda niya," sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Bawal 'yon, 'di ba?"
"Huwag ka na lang magulo, ma'am. Boyfriend mo naman si Simon Ferrer, hindi ba? Baka gusto lang um-score!" natatawang usal niya at saka binuksan ang isang metal door.
Bumungad sa akin si Simon na walang suot na pang-itaas, nakaposas ang isang kamay na ang kabilang dulo ay nasa kama niya na gawa sa bakal.
"Ferrer, bisita mo. Kalahating oras lang, ayokong matanggalan ng lisensya," sabi ng pulis at marahan akong tinulak papasok.
"Ako ang bahala sa 'yo," mayabang ma us ni Simon at tumango pa.
Ni-lock ng pulis ang selda habang ako naman ay pigil na pigil ang pagkilos. Nilapag ko sa isang lamesa na may mga pagkain pa ang mga dala ko. Pinagmasdan ko ang selda niya. This can pass as a hotel room. Hindi ako makapaniwalang ganito rin karapa ang buhay ni Simon dito sa loob.
"Did you like my space, baby?" tanong niya.
We are back with his endearment once again.
Humarap ako sa kanya. "You are mad at me, aren't you?"
Umiling siya at ngumiti. "Not anymore. Come here." Nilahad niya ang kamay niyang walang posas.
Hindi ko iyon pinansin. "Why did you bring me here?"
Binaba niya ang kamay niya at ngumisi. "Because I will start getting you pregnant now."
Umiling ako. "Wala akong natatandaang pumayag ako."
BINABASA MO ANG
RedCollar Series #1: Simon Ferrer
RomanceWarning: R18🔞 "It's a cliche, an attorney at law falling to her criminal client. But being its slave is not!" Si Yvette Villa Rico ay matalino, sa sobrang talino ay naging top 1 sa board exam sa abogasya, nakatapos ng tatlong kurso, at higit sa lah...