Umalingawngaw ang lakas ng sigawan at hiyawan sa buong gym dahil panalo ang department namin.
Pinuntahan ko agad si Eliana na nakaupo sa bleachers. Agad ko siyang hinalikan sa noo ag naghiyawan naman ang mga kaibigan ko.
"Ang lakas ng tama mo, Silver!" Tukso ni Jap sa akin.
"Inggit ka lang," humalakhak ako. "Wala ka kasing insipirasyon."
Inulan pa kami ng tukso. Dinumog din ang mga kasama ko. Hindi sila makalapit sa akin dahil alam nilang off-limits ako.
Kasama ko ba naman si Eliana na nakabusangot ang mukha. Tignan ko na lang talaga kung may lumapit sa akin. Baka sapakin lang sila ni Eliana.
"Master! Tara, celebrate daw!" Untag sa akin ni Carlo.
Umiling ako at sinenyasan na may kasama ako. Agad naman nilang nakuha 'yon at lumabas sa gym. Kinuha ko na ang gamit ko at tumayo na din si Eliana.
"Tara na," sabi ko. "Ligo lang ako sa locker. Samahan mo muna ako bago tayo pumunta sa practice."
Hinila ko ang kamay niya at naglakad kami patungo sa locker area. Pagdating namin doon ay pinaupo ko siya sa isang mahabang bangko at inilapag ang bag ko doon sa tabi niya.
"Bakit mo pa ako sinama dito?" Tanong niya sa akin.
I glance at her.
"Baka pagkaguluhan ka lang sa labas... ayaw kong mangyari 'yon," sagot ko sa kaniya.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Bakit naman ako pagkakaguluhan?"
Napakamot ako sa aking batok at niyuko siya bago ilapit ang mukha ko sa kaniya.
Tinitigan ko siya sa mata at inilayo niya ang kaniyang mukha.
"Kasi baka makita ka noong captain ng kabilang department," ani ko. "Ay hindi ako papayag na lapitan ka niya..." Umiiling na sabi ko.
She smirked at me.
"Wala namang tayo at wala naman magagalit kahit pa makipag-usap ako sa kaniya," aniya at tinaasan ako ng kilay.
Sinimangutan ko siya. Pero hinaplos ko ang pisngi niya at inilapit sa akin.
"Ako..." Mahinang sambit ko. "Ako ang magagalit, Eliana. Pero hindi sa iyo... At hindi ko kaya na magalit sa'yo."
Matalim niya akong tinignan. Muling tinapik ang kamay ko.
"Maligo ka na nga doon! Ang dami mo pang sinabi," iritadong usal niya.
I chuckled one bit. Damn, she's cute tho.
"Opo. Wait mo lang ako, mabilis lang ako maligo..." Kinindatan ko siya.
Umalis na ako sa harap niya at nagtungo sa shower area. Binilisan kong maligo at pagkatapos doon na din ako nagbihis.
Nakakahiya naman kung ipapakita ko sa kaniya ang matigas kong abs. Baka lalo siyang ma-inlove sa akin.
Lumabas na ako sa shower room. Lumapit ako sa kaniya.
"Tapos na po," mariing sabi ko.
Inayos ko lang ang gamit ko. Tinignan ko siya, nakahalukikip lang ito.
"Tara na, Eliana ko..." Anyaya ko.
Padabog siyang tumayo. Nilampasan niya ako. Napailing ako at sumipol.
"Eliana Sy," tawag ko sa kaniya bago pa siya makalabas sa locker room, natigilan siya.
"Ano?" Tanong niya at hindi man lang lumingon sa akin.
BINABASA MO ANG
Playboy's Confession
Teen FictionEntitled as the University Playboy, Silver A. Aquillo, an engineering student and a leader of the student council president sees dating like switching clothes and going over girls without a second thought not until his thoughts changes when he meets...