From: ThisLazyGirl13, 16, Antipolo, Rizal
Confession: Hi DJ Brie, I want to share my story about my boyfriend, nagmeet kami nung high school kami. First year high school ako noon tapos siya 3rd year high school, ang PBB Teens ko noh, 13 years old ako nung time na iyon. We've met in a very sweet condition and then finally kinilig ako sa kanya hanggang sa sinagot ko siya, ang saya saya namin, siya na yata yung the best boyfriend and I'm so proud of it. 2 years ago, nakatanggap yung boyfriend ko ng isang e-mail, it is about leaving in our province and transfering to Manila dahil may scholarship siya doon. Then ayun sobrang nalungkot ako kasi hindi ko na siya makakasama at makakapiling sa araw araw pero nagpromise siya sa akin na uuwi naman siya palagi rito at palagi pa rin niya ako maaalala, I wiss miss him so much, before leaving Manila, nagdate kami at nag advance na rin kami ng pagcelebrate ng anniversary namin.
THE FOLLOWING DAY
Birthday niya noon at gusto ko siyang batiin, tumawag ako sa kanya pero busy ang phone niya. Naisip ko siguro busy lang talaga siya then nagtry ako for the second time, "out of coverage" naman. bago matapos ang araw na yun, nagtry ulit akong tawagan siya pero wala din, nung time na iyon, kinakabahan talaga ako baka kasi kung may nangyari sa kanya at bakit hindi siya tumatawag sa akin lalo na't birthday niya. Then nung sumapit yung monthsary namin, I saw him na online sa Facebook then ginreet ko siya ng "Happy Monthsary babe, I love you, miss you so much" pero wala siyang reply, mga ilang minuto, nag pop up yung chat ko at ang nadatnan ko lang ay isang "smiley face". Wala man lang ba siyang sasabihin? Maski "babe miss na din kita, i love you" or "Thank you babe, i love you" wala? Nung time na iyon doon ko na-realize na para bang nawalan na ng halaga sa akin ang boyfriend ko, sa tingin ko hindi na niya ako mahal. Do you think he's still love me? May pagtingin pa ba siya sakin or sawa na siya? Please help me DJ brie.
DJ Brie's Advice:
Hello ThisLazyGirl13
I think hindi naman siya sawa sayo, hindi rin siya workaholic. The reason behind that is mahirap pagsabayin ang isang relationship at pag aaral lalo na kapag magkalayo kayo ng landas. Hindi mo ba naiisip na baka busy lang talaga siya, sa studies? sa ibang babae? o para sa kapakanan ng relasyon ninyo. Huwag kang masyadong atat ate, bata ka pa, Enjoy your life, mag aral ka na lang din muna, di porket na seenzone ka lang ay magiging miserable na ang lovelife niyo, hindi ganun iyon. Siguro kaya lang ginagawa niya yan para sa inyong dalawa rin yan to prove na hindi siya pabigat para sa ibang tao, you're so lucky to have that kind of guy kung tutuosin. Maghintay ka na lang ng tamang time, maiintindihan mo rin siya balang araw.
Dedicated Song: Seenzoned by Yeng Constantino
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions
Literatura faktuSingle ka ba at naghahanap ng iyong "meant to be"? bitter dahil hindi ka naniniwala sa "Forever"?, na busted ni crush or certified NBSB or NGSB ka lang talaga o kaya ayaw lang talaga sayo ni Kupido and many others. Its your time to post your confess...