"It's a cliche, an attorney at law falling to her criminal client. But being its slave is not!" natatawang saad ni Maxine habang nasa bahay kami at nagmemeryenda.
"I don't know what to do anymore. Sabi ko pa man din ay kalilimutan ko na siya but here I am, keeps on coming back to him. Nagpapatira pa talaga sa loob ng kulungan." Napasabunot ako sa sarili kong buhok.
It's been months since Simon and I started to do miracles inside his cell. Wala man lang nakakahuli sa aming dalawa.
"He is really serious about getting you pregnant. You know Simon Ferrer, he gets what he wants. Are you taking pills?" tanong niya.
Umiling ako.
"Ay sus, gusto rin naman pa lang mabuntis!" tukso niya at saka tumawa nang malakas.
"He told me not to!" Paniguradong pulang-pula na ang mukha ko.
"Hindi mo ako maloloko rito, Yvette. Kapag gusto, may paraan. Kapag ayaw, may dahilan. May mata at galamay man si Simon sa labas ng kulungan pero hindi ka naman niya minu-minutong mamamatyagan." Inirapan pa niya ako pero nanunukso naman ang mga ngiti.
Am I really doing the things Simon wanted me to do because I am his slave? Or I am doing this because I want to be with him?
"You are still into him, kahit hindi mo maamin dahil takot ka," pinal na sabi ni Maxine. "I know it is hard. Hindi normal ang setup niyo ni Simon. Isa pa, mukhang galit pa siya sa 'yo. Sana maayos niyo ang gusot niyo bago lumobo 'yang tiyan mo."
Mariin akong pumikit at tumango. For the first time, I will admit to myself that I am in love with Simon Ferrer simula pa noong una. I have six years to forget him an be with another man but I chose not to because of him. Hindi na lang tungkol sa kontrata ang lahat, I am really committed to him kahit wala pang kontratang namamagitan sa amin. I love him kahit pa napakahirap niyang mahalin, I still love him even though he is evil.
"I want us to talk seriously," I said to him when I went inside his cell.
Nagtaas siya ng kilay. "Ano naman ang pag-uusapan natin."
Huminga ako nang malalim at tumingin sa mata niya nang diretso. "I'm so sorry, Simon."
Halatang nagulat siya pero ngumiwi rin kaagad. "Iiwan mo ulit ako? Hindi mo na ba kaya ang mga ginagawa ko? Am I too evil for you again?"
Mabilis akong umiling. "Please, listen to me first. I'm so sorry for leaving you behind without a word. Natakot ako, natakot ako para sa sarili ko. Wala pa akong napapatunayan noong mga panahong iyon at natatakot ako na baka masira ako dahil sa 'yo, dahil sa mga masasamang ginawa mo. Ayokong maging talunan habang buhay at hindi ko pa kayang ipagtanggol ang sarili ko, paano na lang ikaw." My tears fell after realizing how uncourageous I was before.
"You still left me," mahina niyang usal.
"I know, kaya nga humihingi ako ng tawad. Kung ako man ang dahilan kung bakit nagawa mo ang mga bagay na iyon, patawarin mo ako. I'm sorry for not listening to you, I'm so sorry for losing faith in you. Ako dapat ang unang magtitiwala sa 'yo pero iniwan kita. Hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat pero sana mapatawad mo pa rin ako. I just want you to know that I am not doing all of these just because I am your slave in the contract. I know many ways to terminate it and free myself from you but I didn't do anything." Hinawakan ko ang kamay niyang nakaposas pa. "I am in love with you, Simon Ferrer. Kahit gaano ka pa kasama, mamahalin pa rin kita."
Nanatili siyang tahimik pero panay naman ang tulo ng mga luha sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.
"Naniniwala pa rin ako na kaya mong magbago. I still believe in your heart." I cupped his face and gave him a sweet light kiss on the lips. "I love you," I whispered between our kisses.
Ang akala ko ay itutulak niya ako palayo nang gumalaw siya. Niyakap niya ako nang mahigpit at paulit-ulit na hinalikan ang buong mukha ko.
"Are you really in love with me?" tanong niya pa nang matigil siya sa pag-iyak.
Tumango ako. "I am. Huwag ka ng iiyak, ha?" Pinunasan ko ang mukha niya.
"I didn't cry, napuwing lang ako." Nakuha pa niyang umirap.
"Ewan ko sa 'yo," natatawang sabi ko.
Nilabas ko mga dala kong dokumento para sa kaso niya. Nagbabaka sakali kasi ako na mapapaiksi sa sintensya niya pero wala na talagang pag-asa.
"I tried reviewing your case. Wala na akong magawa sa ibang kasong nakasampa sa 'yo. But if Lucianna Cabrini can forgive you--"
He cut my words. "No hope for that. She will not forgive me. I did too many horrible things to her."
"Nothing is impossible, Simon. We just have to try and try. I will try talking with them, and pray that it will do something. They don't have to change their mind, a change of heart can do a miracle." I smiled sweetly giving him hope. "Ayaw mo bang lumaya nang mas maaga?"
"Pinagbabayaran ko lang ang mga kasalanan ko. Tama lang ito sa akin. If you can convince them, then that's good. And if you can't, I will be fine." Humiga siya sa kama niya at pinikit ang mga mata.
Hinayaan ko na lang siya. Talagang tinanggap na niya na dito na siya mamamatay sa loob ng kulungan. Inaya ko na lang siyang kumain, I brought his favorite snacks and food para kahit papaano ay gumaan ang loob niya.
"Thank you," he suddenly uttered.
Napahinto ako at napatingin sa kanya. "Ha?"
Isang napakatamis at totoong ngiti ang binigay niya sa akin. My heart instantly melted.
"Thank you for all the things you did for me. Thank you for loving me even if I am evil. And...thank you for staying this time. I need you and I will need you for the rest of my life here inside this cell." He held my hand and kissed it just like he did when we first met.
"You're welcome. Don't lose hope, okay?" I kissed his forehead and whispered a little prayer for him. That's all he needs.
I left the jail when the sun was already setting. Ayaw daw niya akong gabihin sa daan.
"Buhay pa rin kaya ang RedCollar Organization?" bulong ko sa sarili ko habang nagmamaneho.
I need to talk with the Cabrini Brothers. I want to talk to Lucianna Cabrini. It will open a lot of wounds but I want to try.
Tinabi ko ang kotse sa gilid ng kalsada nang makaramdam ng pagkahilo. Ito na naman, umaatake na naman.
"Need ko na talagang magpa-check-up, baka low blood na naman ako." I checked my under-eye. Maputla naman.
Magmamaneho na sana ako nang bigla naman akong naduwal kaya napalabas ako ng sasakyan at sumuko sa may damuhan. What is happening to me?
"Shit naman!" Kumuha ako ng tissue sa pouch ko. Sira na yata ang kinain namin ni Simon.
Napasanda ako sa sasakyan para pakalmahin ang sarili. Nang maramdaman ko ang palad ko sa may puson ko ay bigla akong may napagtanto.
"Fuck!" sigaw ko at napatayo nang tuwid.
How can I forget the possibility?!
"Fuck you, Simon Ferrer!" nasambit ko na lang habang patuloy na tumatakbo sa isipan ko ang posibilidad na buntis na ako.
BINABASA MO ANG
RedCollar Series #1: Simon Ferrer
RomanceWarning: R18🔞 "It's a cliche, an attorney at law falling to her criminal client. But being its slave is not!" Si Yvette Villa Rico ay matalino, sa sobrang talino ay naging top 1 sa board exam sa abogasya, nakatapos ng tatlong kurso, at higit sa lah...