Carmela's POV
Papasok na ako ng classroom ng may sumigaw ng pangalan ko.
"Carmela!Carmela! Si Allan! Si allan nakikipag away sa gym!" sigaw ni Ara
Marahas akong napalingon sa sinabi niya.Hinila niya ako sa kamay at dinala sa gym.
Doon nakita ko ang grupo ni allan at ang grupo nila Jericho.Nagsusuntukan silang lahat!
Wala akong inaksayang panahon.Tinakbo ko ang gym at lumapit ako sa kanila.
"Tumigil kayo! Ano ba!?Tigil!" saka ko inawat sila Jericho at hinila ko sa kamay si Allan ng ayaw pa niyang bitawan si Jericho
"Ano ba! Para kayong mga bata ah!" sabi ko at binigyan ko sila ng tig-isang pitik sa tenga
"Masakit yoon!" angal ni jericho
"Talaga!" sabi ko
"Bakit ba kasi kayo nag-aaway! Ano nanaman ba ang pinag-aawayan nyo ha!?" naiinis kong tanong
--suus! Kunwari ka pa!May masabi lang---
"Ikaw lang naman ang pinag-aawayan namin." sabi ni Allan sabay nakangising ngumiti sa akin si Allan
Namula naman ako...Tsk.Alam talaga niya na mamumula ako sa sinabi niya..
"Ano ba!Nakakainis ka naman eh!" sabi ko sabay hawak sa magkabilang pisngi ko na namumula.
"Haha!Ang ganda mo talaga!" sabi niya sabay yakap sa akin
Papaalis na kami ng biglang magsalita si Jericho.
"Huh! Wag mo siya masyadong paasahin Allan.Alam mong hindi na.pwede." sabi nito sabay ngisi
Liningon ko si Allan ng may nagtatakang mukha.
"Ano ang sinasabi niya?" tanong ko
He just gave me a smile and said..
"Don't mind him..Nababaliw na yan." sabi niya sabay higpit ng hawak sa bewang ko
Tumango na lamang ako habang nakatingin kay Jericho na umiiling iling sabay ngisi.
****
Pagtapos ng klase namin ay hindi ko alam pero nahihilo ako at hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Jericho kanina.
"I need to find him and ask him para hindi sumasakit ang ulo ko kakaisip kung ano ba yung sinabi niya." sabi ko sa sarili ko habang inaayos ko ang sarili ko sa loob ng CR
Lumabas ako kahit nahihilo hindi ko alam pero feeling ko babagsak talaga ako.tsk.Magkakasakit nanaman yata ako.
Binalewala ko iyon at naglakad sa corridor kung saan ang classroom nila Jericho agad kong tinungo ang pintuan nila at nakaharap ko kaagad si Jullian ang pinsan ni Jericho.
Hindi ko alam pero parang habang tumatagal ay parang nagb-blurred na ang paningin ko.
"Oh Carmela! Sinong hanap mo" tanong ni Jullian
Ngumiti ako ng alanganin dahil bumabagsak na talaga ang paningin ko.Habang patagal ng patagal na nakatayo ako mas lalong lumalala ang pagkahilo ko.
"S-s-si... S-si J-jericho..." sabi ko
Napahawak na ako sa ulo ko..
"Carmela ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Jericho habang nakahawak sa balikat ko
Tumango ako kahit sobrang nanghihina na ako.
"S-si J-jericho m-m-may t-tan-nong a-ako s-sa k-k-kan---"
"Jericho tawag ka ni carmela!Bilisan mo pare!" sabi ni Jullian
Nakita ko ang pagkataranta ni Jericho at pagkapatid-patid niya dahil sa sinabi ni Jullian.
Naramdaman ko na lang ang mainit na hawak niya sa akin.
"Ano yun? Ayos ka lang ba?" tanong niya ng nagaalala
Tumango ako...dapat kong maitanong sa kanya yung sinabi niya...
"A-ano y-yung ....T-tungko-l d-dun sa s-sin-nab-bi mo k-k-kay Allan k-kanina----"
Hindi ko natapos dahil biglang hindi ko kinaya at bumagsak na ako..
"CARMELA!" ---- Jericho
***
Jericho's POVSinalo ko siya ng bumagsak siya bigla.
"Oh! Anong nangyari?!" tanong nila Jullian matapos nilang makita ang biglaang pagbagsak ni Carmela
"Dadalhin ko lang sa clinic!" sabi ko sabay buhat sa kanya at patakbo ko siyang dinala sa clinic
"Ano ba ang nangyari pare?" tanong ni Kline
"Tinanong niya sa akin yung ibig sabihin ng sinabi ko kanina kay Allan." sabi ko
Hinawakan ni Jullian ang balikat ko.
"Sasabihin mo ba?" tanong niya
Napayuko ako..
Napailing ako dahil ang totoo hindi ko talaga alam ang gagawin ko.
Masasaktan siya.Iiyak at wala nanaman akong magagawa para sa kanya.
"Hindi ko alam pare.Masasaktan siya pagnalaman niya ang totoo." sabi ko
"Inlababo ka na talaga pare." sabi ni Kline sa akin
Nakayuko lang ako ...
"Pare kahit saang angulo mo tignan masasaktan pa rin siya.Mas magandang malaman niya ng mas maaga kesa sa malaman niya ng late.Masakit yun." sabi ni Jullian
"Alam ko pero pare...Ayokong maging dahilan kung bakit siya nasasaktan." sabi ko
"Hindi ikaw ang dahilan.Si Allan.Siya ang nagpapaasa sa babaeng yun na pwede pang maging sila.Na pwede pang maitama yung pagkakamali niya kahit alam ni Allan na hindi na." sabi ni Jullian
"Paano niya itatama ang isang pagkakamali kung susundan pa niya iyon ng isa pang pagkakamali? Paano niya mamahalin ng perpekto si Carmela kung pinipilit niyang hingiin kay Carmela ang pagmamahal na hindi na para sa kanya.Kung lahat pinipilit niyang itama paano ang mga mali na hindi na maitatama kunng hindi masasaktan si Carmela?." sabi ni Kline
Napatingin ako sa mga lalaking mayayabang na naglalakad.Ang grupo ni Allan.
"Anong ginawa mo sa kanya?Bakit siya nasa classroom mo!?Sumagot ka!" sabi ni Allan sa may matapang na boses
Tinignan ko siya ng matalim.
"Tinanong niya kung ano ang ibig kong sabihin tungkol dun sa sinabi ko sayo kanina.Hinimatay siya dahil sa stress at nilalagnat siya dahil sa kakaisip." sabi ko
Sinamaan niya ako ng tingin..
"Ako ang magsasabi sa kanya! Wag mo kong pangunahan!" sabi niya ng matigas
"Kelan mo sasabihin ? Pag masasaktan nanaman siya ng SOBRA!?" sabi ko saka mayabang siyang tinignan
"Gago ka ah!" sabi niya at akmang sasapakin ako pero pinigilan siya ng mga kasama niya
"Bakit? Totoo naman ah.Sasaktan mo lang siya habang tumatagal na hindi mo sinasabi sa kanya iyan mas lumalaki ang posibilidad na sobra siyang masaktan sa ginagawa mo!" sabi ko
"Jericho..." nagulat kami sa tumawag sa akin
Paglingon ko ay si Carmela.Nakahawak sa ulo nito habang nakapikit
"Andyan na..." sabi ko habang nakatingin kay Allan
"Hindi mo na maibabalik yung noon pero maitatama mo iyon."" sabi ko at pinuntahan si Carmela doon sa loob ng clinic