CHAPTER 11 - The Disclosure

7 1 0
                                    

-Angelou's POV-

It's been a month since I discovered that Suho had his other girl. Ngayon na ang araw ng kasal namin pero di niya pa rin sinasabi sa'kin lahat about that Krystal. Everytime I asked him lagi siyang umiiwas. Nagdadalawang isip tuloy ako kung gusto ko pa bang ikasal sa isang sinungaling na tulad niya.

"Angelou!!!" nagulat ako nang may biglang tumawag sa'kin. Ang mga kaibigan ko lang pala.

"Grabe, Gel. Ikakasal ka na!" masayang tugon sa'kin ni Apple.

"Oo nga. Eh bakit malungkot ka? Sayang ang make-up." sabi naman ni Chrizzel.

"Smile, Angel. You should be the most beautiful girl today." nakangiting sabi ni Kyla.

Umupo sila sa tabi ko. Mas masaya pa sila sa'kin. Masaya din naman ako dahil nga ikakasal na ako, but the fact na may tinatago pa rin sa'kin si Suho kahit ikakasal na kami… *sigh*

"Tigilan mo na nga ang kakaisip ng kung anu-ano, Angel." -Kyla

"Tama. Ikaw ang papakasalan niya so that means ikaw ang pinili niya. Sasabihin niya rin lahat sa'yo. Maghintay ka lang." -Chrizzel

"Okay girls, stop the bad vibes. Today should be the most special day for our dearest Angel. I think it's time for a groupie." biglang sabi naman ni Apple sabay labas ng kanyang phone. These girls never fail to make me smile.

We took some pictures before they get out of my room. Ilang minuto na lang at pupunta na ako ng simbahan.

I sat down in front of my boudoir. Inayos ko lang sandali ang make-up ko when suddenly someone knocked on my door.

"Come in." tugon ko sabay harap sa may pintuan.

Bumukas ang pinto at isang babae ang pumasok.

"Krystal?"

"Yes, ako nga. So how's the bride and the soon-to-be Mrs.Kim?" tanong niya sa'kin.

"What are you doing here?" mataray na sagot ko.

"I don't have plans to argue with you. I'm just here to---"

"To what? To ruin my wedding?"

"Nope. I'm here to ask you kung sinabi na ba sa'yo ni Suho lahat."

"What do you mean?" takang tanong ko.

"So wala pa siyang sinasabi sa'yo? Gusto mo bang malaman kung sino ako sa buhay ng magiging asawa mo?" sagot niya sa'kin. I just looked at her.

"I know who you are." sabi ko at tsaka humarap ulit sa salamin. "You're his ex-girlfriend." patuloy ko.

Lumapit siya sa may pinto at ni-lock ito. "We have to talk." she said. She sat down on the couch.

"Magpapakasal ka kahit hindi mo pa alam lahat?" biglang tanong niya.

I just looked down. Naaawa ako sa sarili ko. Oo, magpapakasal ako kahit di niya pa sinasabi lahat.

"Now I know how much you really love him." pagpapatuloy niya.

"Ano bang gusto mong sabihin ha?"

Umupo siya sa isang couch malapit sa pwesto ko at nagsalita, "After your wedding, pupunta na kami ni Suho sa America."

What?!

"A-ano namang gagawin niyo doon?" tanong ko.

"Magpapakasal." maikling sagot niya. Yung mga luha sa mata ko gusto ng bumagsak.

"Hindi totoo ang magiging kasal niyo dito sa Pilipinas. Hindi talaga ikaw ang gusto niyang pakasalan, kundi ako." patuloy niya. Pinakita niya ang kamay niya, nakasuot siya ng singsing. "This is our engagement ring." dagdag niya. Hindi ko namalayan na tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.

××

-Krystal's POV-

Hindi ako pwedeng maawa sa kanya. Kailangan akong panagutan ni Suho… ako at ang magiging anak namin. Oo, I'm one month pregnant so Suho decided to marry me para sa magiging anak namin.

"Bakit?" yan lang ang tanging nasabi niya.

"I'm pregnant." sagot ko. Tinignan niya lang ako.

"I'm sorry. Bago ka pa niya makilala naging kami na. When we were together, he promised to marry me, at ngayon niya tutuparin yun." huling sabi ko at umalis na.

Kontrabida na ang itawag niyo sa'kin, pero hindi ko gustong sumira ng buhay ng iba.

Aaminin ko, mahal ko pa rin talaga si Suho hanggang ngayon. My love for him never died. Nakipagbalikan lang ako kay Minho dahil mas nauna ang galit na nararamdaman ko kay Suho. Nang malaman ko na magpapakasal na siya sa iba, I promised myself that I will bring his life to hell. But then I realized, katangahan lang ang inisip ko. Hinayaan ko ang sarili kong lamunin ng galit at paghihiganti, and this is so wrong.

Si Minho talaga ang puno't dulo ng lahat, the reason why I decided to break-up with him. Two weeks before this wedding day nangyari ang break-up namin. Nagalit siya nang sabihin ko ang tungkol sa nangyari sa'min ni Suho, another reason for us to end our non-sense relationship, a relationship that is full of revenge.

Sinabi ko ito kay Suho, pati na rin ang tungkol sa pagbubuntis ko. Dahil kailangan niya akong panagutan, he had his wedding proposal to me last week. Hindi niya pa nasasabi sa pamilya niya ang tungkol dito kaya titira muna kami sa America for the mean time. After I give birth, tsaka kami babalik para ayusin lahat.

--

A/N: Last two chapters na lang yata frens on Earth xD

My Angel's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon