Chapter 7

8 3 0
                                    

Si Draze nga ang 'Sir' na tinutukoy ng waiter sa labas. Kung ganoon ay siya ang manager ng resto bar na sana ay papasukan ko?

Pwedeng umatras na lang?

“So, ikaw ang manager dito?” malakas ang loob na tanong ko kahit halata naman.

Napailing-iling ito na tila disappointed.

“Paano—”

Bago pa tuluyang bumuka ang bibig ko ay tumunog na ang cellphone ko hudyat na may dumating na text message.

Nagulat pa ako nang makitang unknown number iyon. Pero sa tono palang ng mensahe ay alam ko na kung saan galing.

From: +639*********

What are you doing here?

“Anong kaartehan na naman ito, Daven Franzier?”

Hinintay kong bumaba ang tingin niya sa cellphone para magtipa pero hindi niya ginawa.

Mariin lang tingin niya na parang ginigilitan na ang leeg ko sa isip niya.

“I said, what are you doing here, Alzhierie Xenith?” madiing ulit nito sa tanong.

Halos manlamig ako sa tono ng boses niya. Bukod sa hindi ako sanay na naririnig siyang magsalita ay hindi rin maikakaila na talagang malamig ang boses niya.

Ang hindi ko talaga maintindihan ay bakit kailangan niya pang magpanggap na hindi siya nakakapagsalita.

“Mag-a-apply ako ng trabaho. Pero tutal ikaw naman ang manager nito, baka naman may free pass sa interview?” walang halong biro na usal ko.

Aba! Hindi dapat ako mahihiya o matatakot na siya ang manager dito. Masuwerte pa nga dapat ako.

Tumaas ang kilay niya. “Oh? Is that how you approach your future boss? What if I told you that I'm not hiring you here, hmm?”

Walang paligoy-ligoy na tumayo ako. Ganyanan pala?

“Hmm, okay. Marami pa namang pwedeng ma-applyan. But I can't promise you na hindi ito makakarating sa Mommy at Daddy mo.”

Hindi naman talaga siya pinapayagang lumabas-labas, mag manage pa kaya ng sarili niyang resto bar?

Ngisi-ngisi akong tumalikod. Akmang pipihitin ko na ang seradura ng pinto nang may pumigil sa kamay ko.

“Don't you dare, Alexis.” Mariin ang hawak niya sa kamay ko. May pagbabanta ang tingin niya na parang handa nang sakmalin ang mukha ko kapag di pa ako tumigil.

“Grounded ka, hindi ba? Pero may gana ka pang tumakas at magtayo ng sarili mong resto bar? Anong sunod nito? Lalabas ka ng bansa at tatakasan ang Mommy mo?” nakangising saad ko na parang alam na alam ang lahat pero ang totoo ay hindi naman talaga ako sigurado kung grounded ba talaga siya o ano.

Trip ko lang mang-asar kasi nakakapikon siya.

Pero mas napikon pa ako nang bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya.

Pinagtatawanan niya ako?!

“You don't know anything, little lady.” Nakangising wika nito.

He sighed. “Fine. You're hired, but in one condition—”

“Hired. H-i-r-e-d. Hired. Past tense means tapos na. Nasabi mo na, kaya anong condition pa 'yan?”

Tumaas na naman ang sulok ng labi niya. Ngumingiti na naman ang damuho.

“Okay, but please don't tell Dionela about this. In exchange, I won't also tell her about you having a work outside the mansion. Deal?”

I smiled. “Deal!”

*-*-*-*-*

“Anong mukha na naman 'yan, Alexis?” tanong ni Ate Lizzy.

Napansin na niya siguro na kanina pa ako parang tangang nakangiti mag-isa.

“Ate naman!”

“Hoy, bata ka! Alam ko na 'yang mga ganiyanan mo! Ano na namang kalokohan ang nagawa mo?”

“Bawal ba akong ngumiti, 'te? 'To naman si Ateng, ngumingiti lang iyong tao eh.”

“Ano nga? May boyfriend ka na? May asawa ka na? Hoy! Bata ka—”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Luh! Si OA!”

“Kung ganoon ay bakit kanina ka pa parang tikbalang na nakangiti? Nangingilabot na ako sa iyo ah!” giit nito.

Kung makasabi naman ng nangingilabot itong si Ate Lizzy. Ngayon lang ba siya nakakita ng taong nakangiti?

                                 ****

“Good afternoon!” Masiglang bati ko pagpasok pa lang ng resto. Aligaga ang lahat ng kasamahan ko habang ako ay kararating lang galing sa school. Ito at nadatnan kong dinudumog ang resto at hindi ko pa alam kung bakit.

Pagdating ko ay nagbihis na ako agad ng uniform for employee. Si Myles ang naabutan ko sa loob na mukhang magpapalit ng bagong damit dahil sa mantsa na nasa suot nito. Si Myles iyong waiter na tumawag kay Draze last time.

“Bakit mukhang dinudumog tayo ngayon?” curious na tanong ko.

“Ah, mga media at production team ni Miss Felize 'yan,” sagot nito.

Napatayo ako at tuluyang nabaling ang atensyon sa kaniya. Si Felize!

“Si Felize? As in iyong artista?” tuwang-tuwa na saad ko.

Si Felize! Ang idol ko!

Tumango ito. “Una na ako, sunod ka ah?”

Mabilis akong kumilos para makalabas na. Sana maabutan ko pa!

Magpapapicture ako!

Pagdating ko ay nakipag-agawan na ako ng tray kay Myles.

“Saang table ito? Ako na!” Ganadong presinta ko.

Blessings na 'to! Si Felize na 'yan eh!

Si Felicia Venice Almonte ay isang sikat na international model at artista. Minsan lang iyon magawi dito sa Pinas kasi madalas ay nasa ibang bansa ito. Biruin mo nga naman, sa dami ng resto na puwedeng puntahan ay rito pa siya napadpad?

“Table 18,” wika ni Myles sabay abot sa akin ng tray.

Mabilis kong iginala ang mata ko. Talaga ngang punong-puno ang lahat ng table. Wala ni isang space man lang na natira. Natagpuan ng mga mata ko ang table na sinabi ni Myles.

Ngunit ganoon nalang ang dismaya ko ng hindi pala iyon ang table ng idol ko. Mukhang media ito dahil sa ayos nila. May mga dala-dala kasi itong recorder at camera. Nakaupo lang sila malapit sa puwesto ng artista pero hindi naman sila makalapit ng tuluyan. Pero ayos na rin, malapit naman sila doon.

Attentive ang mga mukha nila sa sinasabi ng artista kaya hindi nila napansin ang paglapit ko. Hindi ako makafocus ng tingin sa idol ko kasi hawak-hawak ko ang tray.

“Yes, of course. I am looking forward to working with him. I know that we will be the best showbiz couple soon, and I can't wait for it.”

Inilapag ko ito sa table at sa wakas ay namalayan na nila ang paglapit ko.

“Ang swerte naman ni Draze Frialde. Si Miss Felize? Makakapareha niya? Matik sikat na agad ang tandem nila!”

Kumunot ang noo ko sa narinig. Draze Frialde? At paano naman nasali dito si Draze?

Pabalik na ako nang sumakto ang mata ko sa table ng artista.

Hindi ko na naman inaasahan ang nakita ko.

Si Draze Frialde na tinutukoy nila ay si Draze nga. Nakaupo ito sa tabi ng babae. Kaharap nila si Sierra, ang kilalang manager ng aktres. Katabi naman ni Sierra ang hindi pamilyar na lalaki.

Hindi ko ito inaasahan!

Si Draze Frialde? Makakapareha si Miss Felize?

Ibig sabihin nito ay modelo at aktor din si Draze?

What?


MASK OF SECRET SHADOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon