Wakas: The Permanent Collar

4.3K 78 19
                                    

This chapter is dedicated to all of my silent readers. Thank you for making it this far. Until the next story.

****

I saw her...

Poison ivy on the walls of my soul. The moment I saw her eyes, I knew that she would change something in my life and I didn't disappoint myself by thinking that.

"You are very lucky," Lucy said. "I can't believe that after all that you did to me and other people, you are still blessed."

After all these years, we finally got a chance to talk. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa kanya. I almost ruined her life, mabuti na lang at nagkabalikan pa sila ni Julian.

Bumaba ang tingin ko sa dalawang kamay ko na nakaposas. Minsan naiisip ko kung anong mga sinasabi ng ibang tao sa anak tuwing nalalaman nilang nakakulong ang daddy niya. Ganito pala kasakit iyon, wala man lang akong magawa.

"Look at Baby Simon Peter, you don't deserve him. You don't even deserve Yvette. But he accepted you and embraced you with your evilness. It is very hard to believe na may ganyan pang klaseng tao kaya ingatan mo sila, Simon."

Pareho kaming nakatanaw sa labas habang pinagmamasdan ang anak kong naglalaro sa bakuran ng City Jail.

"I want to forget what you did to me but part of forgetting things is forgiving. Ang hirap sa kalooban ko na patawarin ka." Bahagya siya natawa. "Pero bilang isang ina, naiintidihan ko si Yvette. Hindi ikaw ang kawawa rito, Simon. Si Baby Simon ang nahihirapan sa bawat gabi na hindi ka niya kasama. Si Yvette ang nagdudusa sa lahat ng kasalanan mo. Ayoko kitang patawarin pero para sa mag-ina mo, kakayanin ko." Tumayo siya. "Sana ay nagbago ka na nga talaga kagaya ng sabi ni Yvette."

"I'm so sorry, Lucy," bulong ko.

Bahagya siyang natigilan pero tumuloy din sa pag-alis. Kinausap niya muna si Yvette, nakita ko pang nagpasalamat siya kay Lucy bago tuluyang umalis ang huli.

"Daddy, labas tayo!" aya ng anak ko sa akin habang hinihila ang damit ko.

"Daddy can't go outside, anak. I'm sorry." I kissed his forehead.

"I forgot, daddy. Sorry din." Ngumuso siya. "Kailan ka lalabas dito?"

Mapait akong napangiti. "Matagal pa, anak. Wait for me outside, okay?"

Gusto kong maiyak tuwing ganito ang usapan namin ng anak ko. Bigla kong napagsisisihan lahat ng ginawa kong hindi mabuti noon. Sana pala naging mabuti na lang ako, nabigyan ko pa sana ng isang normal na pamilya ang mag-ina ko.

"Nakaisip na ako ng paraan kung paano tayo maikakasal," biglang sambit ni Yvette.

Kasalukuyan kaming nanananghalian sa loob ng selda. Good thing, that I still have connections here in the City Jail, nagagawa ko kung ano ang gusto ko.

"How?" Nahinto ako sa pagkain.

"Daddy, fish!" sigaw ni Baby Simon kaya naalarma ako. Kaagad ko siyang sinubuan ng isda.

"Doon sa may chapel sa baba tayo ikakasal. May nakausap na akong pari at pumayag naman siya," nakangiti niyang sabi habang pumapalakpak pa sa ligaya.

"Talagang ginawan mo ng paraan para lang maikasal tayo." Bilib talaga ako sa pinakamamahal kong ito.

"Ako pa ba? Nabuhay ko nga ang Strawberry Farm tapos mas lumawak pa iyon dahil sentimental ang lugar na iyon sa atin. Hindi ako papayag na hindi tayo maikasal." Pinagpatuloy niya ang pagkain.

Tama si Lucy, hindi ko deserve si Yvette. Kahit anong gawin ko, hindi ko mapapantayan ang kabutihang nasa puso niya. Lahat ng mga ginawa niya para sa akin ay akala ko imposible noong una. Kagaya ng pagkakaroon ng anak, Yvette sacrificed everything she has to fulfill my dreams.

"Marami na talaga akong utang sa 'yo. Hindi ko na alam kung paano ako makakabawi. Hindi ko na rin alam kung paano ka pa pasasalamatan. Mahal na mahal kita, you deserve a better man, not a man like me," usal ko at napayuko na lang sa hiya.

"I love you, Simon. I don't think I can do all of this kung sa ibang lalake ako mapupunta. You made me a strong woman, all of your ruthlessness helped me to be tough and strong amidst of pain and sufferings. Sapat na sa akin na ikaw ang lalakeng pinaglalaanan ko ng lahat. We've been together for six years kaya dapat matanggap mo na na ikaw ang lalakeng para sa akin." Tumingin siya sa anak namin na nasa kandungan ko. "Baby Simon will wait for his Daddy Simon to get out of jail and they will play together until sunset." She pinched our son's nose.

Their laughter makes all my insecurities in life go away. Sa katunayan ay natatakot talaga akong makakahanap ng ibang lalake si Yvette, iyong bang matinong lalake na kayang-kaya harapin ang mga magulang niya. Ayaw pa rin kasi sa akin ng mommy ni Yvette.

"Hijo, hindi mo naman kailangang manginig tuwing makakaharap kami. Akala tuloy ni Yvette ay inaapi ka namin," Mr. Villa Rico said while looking at my handcuffed hand.

I am literally shaking because of nervousness, ngayon na lang ulit ako dinalaw ng mga magulang ni Yvette.

"Thank you for helping Yvette raising our son. He is growing up so well," sabi ko na lang para mabasag ang katahimikan. "Sorry for getting your daughter pregnant."

Napairap si Mrs. Villa Rico. "Iyan ang hirap sa 'yo, Simon, kaya hindi kayo makausad ni Yvette sa relasyon dahil paulit-ulit mong binabalikan ang nakaraan. Napatawad ka na namin at tanggap na namin na ikaw ang gusto ni Yvette. Nandyan na si Simon Peter. Nag-iisa naming anak si Yvette kaya ang magiging anak niyo lang ang magiging apo namin." Tinapik ni Mrs. Villa Rico ang kamay ko. "Patawarin mo na ang sarili mo at maniwala ka na lang sa asawa mo na mahal na mahal."

"Maraming salamat po, Mr. and Mrs. Villa Rico, I will remember all that you said," sambit ko. Sa wakas ay naging mabait din sila sa akin.

"Mommy at daddy na lang din ang itawag mo sa amin. Malilito si Baby Simon kung paiba-iba," sabi pa ni Mister Villa-- I mean daddy.

"Salamat po, mommy and daddy."

After wishing and praying for a beautiful family, I finally got one. The dream of my 8-year-old self has finally come true. My childhood self was healing.

"Hindi engrande ang kasal natin kagaya ng gusto mo," bulong sa akin ni Yvette habang hinihintay namin ang pari sa loob ng chapel.

Nakasuot lang siya ng isang puting dress na lagpas sa tuhod ng haba. Ako naman ay puting long sleeves.

"This is my dream wedding. Ang gusto ko lang naman sa kasal ko ay ikaw ang bride ko," bulong ko sa kanya kaya nakatanggap ako ng kurot.

"Ikaw talaga, kahit kailan bolero ka. Hindi mo na ako kailangang bola-bolahin dahil pakakasalan na talaga kita," sabi niya at kinurot ang pisngi ko.

"Hindi kita binobola, sa kama kita pagugulingin kaya i-ready mo ang sarili mo!" Mahina akong natawa sa mukha niyang namula na naman na parang kamatis.

My baby is so cute.

When the priest came, the ceremony started so quickly. I married her in front of our loved ones, our son, and our Lord. She is now wearing the permanent collar that she promised to never get off her body.

Just like her, I promised to surrender my life to her from this day until beyond death. I will be her master and slave at the same time. I will be her faithful husband for the rest of my time.

RedCollar Series #1: Simon FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon