Chapter 12

670 23 2
                                    

A/N: Sana makabawi man lang sa mga naunang chapters na puro heartbreak. Credits for the pic.

*****

Chapter 12

Last day na nila sa Baguio pero minabuti ni Julie na umalis muna. Naalala niya kasi yung nakita niya sa souvenir shop nung isang araw. Hindi niya ito nabili dahil sa pagmamadali.

Agad naman siyang nakarating sa tindahan at napangiti nang makitang naroon pa ito ngunit nag-iisa na lang. Sakto!

"I want this." Sabay nilang sabi saka sila nagkatinginan at nagulat.

Hawak nilang parehas ang G-Clef keychain.

"J-julie?"

"E-elmo?"

"Uhh. You get that and I'll look for another nalang. Sige."

Lumayo sakanya si Elmo at tumingin sa iba pang produkto ng souvenir shop na iyon. Habang si Julie naman ay binili na yung kwintas na gustung-gusto niya.

Hindi mapakali si Julie. Lalabas na sana siya nang bumalik ulit siya sa loob ng souvenir shop at lumapit kay Elmo na nagbabayad na sa cashier.

"Elmo."

Tumingin lang ang binata sa kanya na para bang naghihintay sa sasabihin niya.

"C-can we.. uhh.. Can we... talk?"

Awkward. Yan ang pinaka-akmang salita para ilarawan ang namamagitan kina Julie at Elmo. Kasalukuyan silang nasa isang mataas na bahagi ng lungsod na kita ang kabuuan nito.

Tahimik ang paligid at malamig ang simoy ng hangin na nakakagaan ng pakiramdam.

Walang gustong maunang magsalita. Hindi nila parehong alam kung paano sisimulan na kausapin ang isa't-isa. Kapwa sila natatakot. Natatakot sa maaaring maging resulta ng kanilang pag-uusap. Natatakot na mauwi lamang sila sa hindi pagkakaunawaan. At natatakot na marinig ang saloobin ng bawat isa.

Si Julie ay hindi malaman kung ano ang sasabihin. Pilit na pinapagalitan ang sarili dahil sa pag-aya niya kay Elmo na mag-usap. Hindi niya maintindihan ang sarili at bigla na lamang niya itong nasambit dahilan para mauwi sila sa isang nakakabinging katahimikan at hindi kumportableng sitwasyon.

Hindi alam ni Elmo kung bakit siya sumama kay Julie gayong ayaw niya itong makasama at makausap. Para bang may sariling isip ang kanyang mga paa at kusang sumunod ito sa dalaga. Her effect on him.

"Julie.."

"Elmo.."

Sabay nilang sambit at napatingin sa isa't-isa ngunit pagdaka'y nag-iwas rin ng tingin.

"Y-you go first." Sabi ni Elmo.

Aminado si Julie na sobra siyang kinakabahan at halos lumabas na ang puso niya sa kaba. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap kay Elmo. Ngunit alam niyang kailangan na niyang magsalita. It's now or never. She has no choice.

"Uhh.. m-musta?" Panimula ni Julie.

Seriously, Julie. Yan talaga ang naisip mong sabihin? Gagita ka talaga! Pagsaway niya sa sarili.

Tiningnan siya ni Elmo. A cold stare to be exact.

"Gusto mo ng totoong sagot o yung sagot na gusto mong marinig?"

"Elmo."

"What?"

"I-I'm... sorry." Napayuko siya.

"Para saan pa?"

"Kasi..."

Pinutol ni Elmo ang sasabihin niya.

Too Late... or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon