Chapter 2

73 7 3
                                    

3rd Person's POV

"Pass the papers!" Sigaw ng teacher na nagbabantay sa kanila. Si Ms. Jane Torres na adviser nila.

Sabay sabay na ipinasa ng nasa unahan ang test paper sa likod.

"Utang na loob sa mga sasagot sa essay ayusin nyo naman mga pakasulat ninyo. Estudyante pa lang, doktor na kung makasulat." Sabi ng teacher nila sa unahan.

Hindi ito pinansin ng 4-F sa halip ay naktitig ang mga ito sa test paper nila. Tila ba sinisiguro kung ito ba talaga ang ie-exam nila ngayon.

"Sht, tinuro ba 'to ni Mam?!" Reklamo ni Jaxon sabay kamot sa ulo nya.

"Mas mahirap 'to kesa maghanap ng boyfriend, psh." Segunda ni Kate.

Nagsimulang sumagot ang ibang nasa unahan at ang mga natira sa likod ay ang mga nag-aantay ng milagro. Para bang inaantay na bigla na lang may sumulpot na sagot sa test paper nila.

Ang iba ay napakamot na lang sa ulo at ang iba ay gumagawa ng paraan para may maisagot.

Well, normal yan sa isang estudyante. Tandaan, walang nakakagraduate ng hindi nangongopya at gumagawa ng kalokohan.

Sa tuwing exam ay nabubuo ang grupo ng SWAT.

Samahan ng mga Walang Alam sa Test

Nasa bandang likod ang mga ito at nag aantay ng milagrong mangyayari sa kanila lalo na kapag math subject.

Kaya nga may kasabihan ang 4-F na, sa likod mg mga taong matatalino ay may mga taong nangongopya. Literal na likod dahil nasa unahan lang naman ang mga honor students na pinagmumulan ng mga sagot nila.

*click*

*click*

"Hoy sosyal ka! Alisan mo ng flash, utang na labas kung ayaw mong dumeretso mamaya sa Guidance!" Pasigaw na bulong ni Candy kay Hannah.

Hindi ito pinansin ni Hannah sa halip ay kumuha pa ng litrato sa papel ni Hailey na ngayon ay kausap ng guro nila.

Dali dali itong umupo sa upuan nya sa likuran habang kinokopya ang sagot sa cellphone nya.

Kung titingnan mo ang buong classroom ay tahimik ang mga ito pero ang hindi mo alam ay may ginagawa na pa lang kalokohan ... pwera nga lang sa dalawang taong kanina pa nag uusap at nagsasapakan.

Chloe's POV

"You know what Chloe? I kinda like you," nakangisi nitong sabi sakin.

Tiningnan ko sya ng masama at saka hinampas. "Bwisit, Galawang 737! Wag kang pabebe, kaasar ka!" Sabi ko.

Biglang nagpout si Aiden. Tongue mother na 'to ang kyuut :>

"Aso ka ba?" Malumanay na sabi nito.

Ang landi mo! Gago!

Gusto ko sanang sabihin at ipamukha sa kanya pero wag na lang. Hehe.

"Bakit? -.-"

"Kasi sinaktan mo ko *pout*"

"Asan ang aso dun?"

"Aw :(" Aiden.

-_-

"Landi mo letche!" Sabi ko.

Tinalikuran ko sya at lumipat ng upuan sa gitna ni Argel at Kiara. Nakita ko pa syang nagtatawa kaya bigla ko syang inirapan. Bwisit na yun, palagi na lang akong pinagt-tripan.

Nag aantay ako ng sagot kay Kiara ng bigla akong napatingin kay Xavier na kanina pa pukpok ng pukpok ng ballpen sa upuan tapos ic-cpr. Gets nyo? Basta yun na yun. Haha.

Bubuksan nya yung takip ng ballpen tapos hihipan para magkatala.

Napailing iling ako. "May pang-chix pero walang pambili ng ballpen." Sabi ko.

Bigla syang tumigil sa pag ihip sa ballpen nya at tumingin ng masama sakin.

"Narinig ko yun," at pinasingkit nya ang mata nya.

"Tss. Whatever," sabi ko.

Tiningnan ko ang mga kaklase ko at nahagip ng mata ko si Isha na bumuntong hininga.

Pustahan, may hugot line nanaman ang isang 'to.

-_-

Hannah's POV

Habang abala ako sa pagkopya ng sagot sa maliit na papel na binigay sakin ni Jaxon kanina ay biglang nagsalita si Isha na nakakuha ng atensyon ko.

"Fcking X. Hays! X! Minsan letra, minsan MAHAL mo pa."

Automatic na napadako ang tingin ko kay Kane. Nagulat ako ng makitang nakatingin din sya sakin kaya agad akong napaiwas ng tingin.

Nagsulat ako ulit ng sagot sa papel ko pero biglang nanginig ang kamay ko kaya pinasa ko na lang ang papel kay Brayden.

Kiara's POV

Biglang lumabas sa phone ko ang pinag bluetooth sakin ni Kate na sagot kaya agad akong nagsulat sa papel.

Nung makita kong kulang ang solution sa number 5 ay tumingin ako kay Brayden para humingi ng sagot.

"Psst! Bakla!" Tawag ko.

Hindi sya sumagot sa halip ay tinakpan nya ang test paper nya lalo.

-_- gagang bakla, oo sinabi ni Mam na cover your paper pero OA makacover 'tong si Brayden sarap tusukin ng ballpen.

"Sa relasyon man o Algebra, X talaga ang laging problema! Hayst!" Isha.

Isa pa 'to, puro hugot ang alam haha.

Napailing na lang ako at pinagmasdan ang mga kaklase ko.

Tiningnan ko si Mam na nagl-laptop sa harapan at parang di kami nakikita.

Binalik ko ang tingin sa mga kaklase ko at sa mga flying answers na kanina pa lumilipad sa ere at gumugulong sa sahig.

Sabi ni Mam torres ang pag-aaral daw ang susi sa tagumpay pero ang sabi ko naman. Ang pangongopya ang susi sa pinto :D

Nag-iisang susi lang yun, walang duplicate. Hihi.

*poop*

Kukunin ko na sana ang phone ko mula sa likod ng katabi ko ng biglang sumigaw si Mam.

Kane's POV

"Hoy Ka-ne! Ang tagal mo! Slow hands!" Sabi ni Blake habang pinagmamadali ako.

Tinapat ko ang kamay ko sa direksyon nya at nag-teka lang. Madali kasi ng madali di pa nga ko tapos eh.

"Ang love parang EXAM." Narinig kong boses ni Isha.

"Pinag iisipan, pinaghahandaan. Hindi ka exempted para hindi masaktan." Sabi nya at bumalik sa pagsagot.

Hindi ko pinansin ang side comments ng mga kasama ko sa halip ay dinalian ko ang pagsusulat. Ngayon lang sakin binigay ang sagot e, yung kodigong binigay sakin ni Anika puro korean words.

Ang lupet gumawa ng kodigo, sya lang nakakaintindi. -.-

"Hoy KA-NE! ANO NA?!" Pabulong na sigaw ng nasa unahan ko.

Binato ko sa kanya ang papel ng hindi sya tinitingnan. Hindi ko alam kung bakit tumahimik ang buong classroom na parang dinaanan ng anghel.

Ah! Siguro nahead shot ko si Blake, HAHAHAHA. Buti nga, asar e.

"Pakshet, Kane! Ang tanga mo!"

Rinig kong sabi ni Anika.

Huh?

Dahan dahan akong tumingin sa unahan at nakita ko ang papel sa may mesa ni Mam torres at ang inis na mukha nito.

*gulp*

S-sana ibang papel ang
nahagis ko.

*cross fingers*

"ALL OF YOU! GO TO GUIDANCE OFFICE NOW!"


note;; comment pls :) thanks

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon