Goal: To Grow Together
Dadating tayo sa point na mapapagod kayo sa isa't-isa.
Mawawala 'yong kilig, mawawala 'yong care, mawawala lahat! But, stay still, hindi pa rin ito dahilan para bitiwan n'yo ang isa't-isa.
Kapag napagod, magpahinga. Kapag nawala ang kilig, gumawa ng paraan para maibalik ito. Kung gusto mong manatili, gumawa ng paraan, pero hindi isang tao lamang ang dapat gagawa nito. Dalawa kayo sa relasyon, kaya dapat pareho kayo ng goal, to grow together.
Kung minahal mo ang isang tao dahil sa maraming dahilan, hindi true love 'yan.
Ang totoong pagmamahal, walang dahilan, dahil kusa mo na lamang itong naramdaman. Dahil kung may dahilan, paano na lang kung nawala na ang lahat nang dahilan mo kung bakit mo s'ya minahal? Iiwanan mo na lang dahil nawala na 'yong mga dahilan na 'yon?
Maging open kayo sa isa't-isa. Huwag magpa-comfort sa iba kapag nag-away.
Huwag hayaan matulog ng may sama ng loob.
Huwag mataas ang pride.
Pareho dapat marunong magpakumbaba.
H'wag sabayan ang galit nang isa't-isa, may isa dapat ang iintindi at hindi kabawasan 'yon sa pagkatao mo dahil mahal mo 'yong tao.
Be with someone who always wants to know how your day was.
Note : The right relationship is, when both have the same intention; to grow together.
BINABASA MO ANG
Random Thoughts (The Anthology)
DiversosA collection of my random thoughts ;) READ AT YOUR OWN RISK ‼️