Habang gumagawa nang presentation si Vanna sa gabing yun ay napa sulyap siya sa Three red roses na inilagay niya sa Vase at ipinatong sa ibabaw nang kanyang side table.
Bakit may pakiramdam siyang kilala niya ang nag bigay nun Although wala pa siyang natatanggap mula kay Rogue na mga bulaklak noon,
Napa iling siya, impossible ang iniisip niya nag aasume lamang siya. Minabuting tapusin ang ginagawa saka natulog na.
Kinabukasan after nang kanyang presentation ay Umugong ang malakas na bulong bulungan nang mga tao sa loob nang conference room at ang ilan ay nagustuhan ang kanyang idea.
Bilang isang business partner ni Gilbert ay nais niyang maipatupad ang Local na produkto na maibabagsak sa merkado na abot kaya nang presyo na mabibili nang mababang halaga mula sa stock market kesa sa mga original na produkto na hindi kaya nang mga mahihirap,
Isang halimbawa ang nangyari kanina sa store. Maraming hindi afford ang mamahaling laruan samantalang kaligayahan iyon nang munting bata, bakit nila ipag kakait na sa sumaya ang mga ito sa pamamagitan nang kanilang produkto.
Sinang ayunan ni Gilbert ang kanyang presentation at nang ilan pero ang iba ay umalma, mura nga daw pero hindi matibay,
Ang ilan ay okay lang dahil madaling mag sawa ang mga bata at nais nang bago,Matapos ang tatlong oras na debate ay sila parin ni Gilbert ang nasunod, ngayon ay patungo na sila sa pagawaan nang mga laruan upang baguhin ang mga materyales pero dahil napaka raming stock maaring masayang, baka sa ikatlong buwan pa ma approbahan ang kanilang plano gayuman ay ikinatuwa niya ang bagay na iyon,
"Ohh may lakad yata ang mga apo ko ahh.!"salubong ni Adriana sa Triplets mula sa kanilang silid, kasunod si Rogue na bihis na rin,
"Yes ma ipapasyal ko ang mga bata." Naka ngiti siya.
Tiningnan nang ginang ang orasan.
"Naku may lakad din kami nang dad mo so paano kayo-kayo nalang." Hinalikan ni Adriana ang tatlong apo, bago sinulyapan ang dalawang yaya nang triplets." Ohh kayong dalawa wag iwawala ang paningin sa mga apo ko ha,"
"Yes po sinyora." Tugon nang isang yaya.
Saka ito nag paalam kay Rogue na tinungo ang silid nang mag asawa,
"Are you ready boys..?" Tanong ni Rogue sa tatlong cute niyang mga anak na sina, Spike, Ryker, at Wade na ngayon ay halatang Excited.
Tumango ang tatlong naka mata sa kanya.
"Okay good Lets go.!" Sininyasan niya ang dalawang yaya para dalhin ang mga bata sa kotse, siya naman ay tinawagan si Tony para kunin ang Location ni Vanna, hindi niya na kaya nahihirapan na siyang tikisin ang sariling damdamin kaya gagamitin niya ngayon ang mga bata para makuha ang attention nang babae, alam niyang busy ito pero siguro pag dating sa mga anak nila ay mag kakaroon nang panahong mabigyan ang tatlo,
At kapag naging okay na sila saka niya aayaing mag pakasal ang babaeng ni minsan hindi nawala kahit na sigundo sa isip niya.
Matapos makausap si Tony ay nag byahe na sila. Napapa buntong hininga siya sa kaba at excited na nararamdaman habang binabaybay ang kahabaan nang edsa.
Samantala si Vanna sakay nang kotse patungong Lucena sa isang branch nang store nila, ngayon ang delivery nang Van ng mga Laruan at hindi siya umabot upang ikansela iyon,
"Baka pwedi muna natin ubusin ang mga na packages na mga laruan malulugi tayo Vanna kapag ura urada nating palitan ang mga produkto.?" Naalala niyang reklamo ni Gilbert kanina sa office,
"Okay ako na ang bahala sa lahat nang mga hindi mabebentang laruan bibilhin ko ay ipamimigay sa mga batang hindi afford bilhan nang kanilang mga magulang dahil sa mataas na presyo." Mahinahong tugon niya kay Gilbert.
Nanlaki ang mga mata nitong napa tingin sa kanya.
"Vanna alam ko kung bakit mo ginagawa to, dahil namimiss mo ang mga anak mo diba.? Pero wag mo naman sanang idamay ang business natin, pumayag ako sa plano mo pero hindi pweding madaliin naiintindihan kita at hindi ko kasalanan kung bakit ka nangungulila sa mga anak mo." Nag taas nang boses si Gilbert pero pinag sisihan din nito ang nabitiwang salita lalo na nang makita ang pamumula nang mga mata niya.
"Im sorry.. " bawi agad nito pero nasapol na ang malambot niyang puso,
Nag pahid nang luha si Vanna nang tumulo ang mga iyon matapos maalala ang sagutan nila ni Gilbert kanina, parang torture sa kanya ang araw araw na nakikitang mga laruan samantalang hindi niya mabigyan niyon ang sariling anak na ipinag kait ni Rogue sa kanya, araw araw siya nakikipag laban sa sakit na nararamdaman sa dibdib niya sa tuwing nasa trababo siya, kung sana kaya niyang iwasang wag maalala ang lahat,
"M'am okay lang ba kayo.?"
Napa tingin siya sa view mirror kung saan doon naka tingin ang kanyang driver,
"Okay kang ako kuya Bong." Nag iwas agad siya nang tingin, pasalamat nalang siya at naiwan sa office si Zenith kundi ipag tutulakan nanaman siya nitong makipag kita na sa mga anak niya at kay Rogue. Hindi niya alam kung kakayanin niya pa sa mga susunod na taon ang hindi makita ang tatlo, bago matulog wala siyang ibang dasal kundi kahit minsan mayakap ang mga ito, at hindi niya alam kung may katugunan pa ba ang mga dasal niya.
Lalong nag pumiglas ang luha niya na agad ding pinahid, pilit niyang kinalma ang sarili sa pag iyak, mabuti nalang at malapit na silang maka rating doon magiging abala siya at mawawala saglit sa isip niya ang kanyang mga anak,
Bumaba ka agad siya matapos mag park ni kuya Bong ang kotse sa harap nang malaking store.,
"WELCOME KINGDOM OF TOYS"
Iyon ang mababasa sa bukana nang pintuan sa pinaka malaking Branch nila ni Gilbert dahil nasa tatlong palapag iyon. Isang taon palang ang store na yun pero napalaki na nang kinita dahil maraming supplier ang pumupunta dito para mamimili nang milyong milyong laruan na ibinabagsak sa iba pang pamilihan, at ito din ang rason kung bakit araw araw naalala niya ang mga Anak
"Good morning Mam.." bati sa kanya nang guardia."
"Dumating na ba ang deliver.?" Matapos tanguan ay tanong niya.
"Na e cancel na po ni Sir Gilbert M'am saka temporary close muna daw po ang store na to." Magalang nitong sagot,
Ngayon niya lang napansin ang sign na inilagay sa harap, naunahan na pala siya ni Gilbert, pakiramdam niya may kung anong tinik na nabunot mula sa kanyang dibdib, pero bakit maiiyak nanaman siya sa sobrang saya dahil lang pinag bigyan siya nang kaibigan, yes kaibigan niya si Gilbert, anuman ang nasabi nito sa kanya alam niyang nabigla lang ito,
Pabalik na sana siya nang sasakyan sakto namang pag parada pa nang isa pang kotse sa kabilang bahagi, para kaseng pamilyar sa kanya ang kotse ni Rogue pero napaka impossible naman baka kamukha lang kaya sumakay na siya,
"Kuya Bong balik tayo sa office." Utos niya.
"Yes M'am.. at nag mani Obra na ito nang sasakyan,
Natanaw niya pang nilapatan nang gwardya ang bagong park na sasakyan, hindi marahil aware ang iba na temporary close ang store, marami talagang namimili sa lugar na iyon na nangagaling pa nang maynila.
"Sir close po kami." Dinig ni Rogue na sabi nang isang guard na lumapit sa kotse niya.
"Gusto ko lang sana makausap si Vanna. Nandito ba siya.? Tanong niya.
Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa at ngumisi.
"Sir hinge nalang po kayo nang Appointment kay Ma'm hindi po yun nag iintertain nang manliligaw." Tila iniinsulto siya nito, naikuyom niya ang kamao pero nag timpi siyang sabihing ina nang mga anak nila ang kanyang tinutukoy pero minabuting umalis nalang, alam niyang mahirap hagilapin si Vanna dahil busy ito kaya tinawagan niya nalang ang secretary ng babae at nag appoint nang meeting nilang dalawa tingnan niya lang kung matanggihan pa siya nito.
BINABASA MO ANG
Adopted Surrogate Triplet's
RomanceHalos sampong taong inilihim ni Vanna ang damdamin para sa anak na panganay nang pamilyang umampon sa kanya, At iyon din ang nag udyok sa kanya upang mag presintang maging surrogate ng magiging Anak ni Rogue. At hindi niya inaasahang mag bubunga iy...