Nanginginig ang buong katawan ko habang tinatanaw ang malaking bahay namin. Kakarating ko lang at kanina pa ako hindi mapakali. Kilala ko si Klaxon at alam ko paano siya magalit. Wala talaga siyang pinapalampas.
Hinawakan ko ng mahigpit ang aking bag. Pilit pinapakalma ang aking sarili ngunit ayaw nitong tumigil sa panginginig. He won't hurt me, right? Shit!
Calm down, Kelra. Dahan-dahan kong binuksan ang gate at pumasok duon. Nakabukas parin ang ilaw ng bahay. Maaga pa naman at sa tingin ko'y gising pa sina Mommy at Klaxon.
Lumapit ako sa malaking pintuan at unti-unti 'yung binuksan ng kaonti. Sinilip ko muna kung may tao ba sa salas namin. Nang makita wala ay pumasok ako na hindi nagsasanhi ng ingay pagkatapos ay sinirado ang pintuan.
Nilapag ko ang aking bag sa sofa, huminga ng malalim at akma na sanang aakyat nang biglang bumungad sa aking harapan ang malaking katawan ni Klaxon. Napaatras ako kasabay nito ang pagbugso ng aking damdamin dahil sa kanyang madilim na mukha. Nakatupi ang kanyang polo at magulo ang kanyang buhok.
"T-Tito Klaxon..." mahinang tawag ko habang lumalayo sa kanya.
"Where have you been, Kelra? Hindi ka umuwi ng bahay, hmm..."
Unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin habang ako naman ay kinakabahan baka mahuli kami ni Mommy. Shit! Wala naman akong kasalanan sa kanya, hindi ko naman siya inaano. I just want to stay away from him. Malayo sa temptasyon.
"T-Tumigil ako sa bahay ng pinsan k-ko," nanginginig kong sabi.
Nakita ko ang pagsilay ng kanyang ngisi at pagtigil nito. Ilang dangkal nalang ay tatama na ang katawan naming dalawa. He stopped and look at me. Sinuri niya ang buong katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang pagnanasa sa kanyang mga mata. Tila inaakit na naman ako nito.
Yumuko ako. Umiwas ng tingin sa kanya.
"Really? Hindi mo binista 'yung boyfriend mong namatay?"
Pumikit ako ng mariin. Nilalabanan ang kaba, takot at panginginig ng katawan. Bakit ko naman pupuntahan ang lalaking iyon? Alam kong may malaki siyang kasalanan ngunit nakokonsensya ako sa nangyari sa kanya. Because of me namatay siya. Pinatay siya ng lalaking ito! Walang awa.
Tumikhim ako. Wala talaga akong balak na puntahan si Climente. I know I did wrong, at hindi ko makakalimutan iyon. May pinagsamahan din naman kami, naging masaya rin sa mga panahon na iyon but nagbago siya. Hindi ko alam ang dahilan. Dahil du'n ay unti-unting nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Lagi ko na siyang iniiwasan, ayaw kong masaktan ulit.
Binaling ko ang tingin kay Klaxon. Nakakuyom ang kanyang dalawang kamao habang nakatingin sa akin.
"Talk, Kelra!" mariin na sambit niya sabay tawa ng mapakla.
Nararamdaman ko na ang kanyang matinding galit ngayon. Bawat tawa niya ay nag bibigay iyon ng tindig sa akin, tawang hindi mo nanaising marinig. He's really mad.
Hinawakan ko ang aking kamay. Nag-iisip kung papaano makakatakas sa kanya.
"W-Where's my Mom? Natutulog na po ba siya?" kahit kinakabahan ay pinilit ko paring umakto ng normal.
Tumaas ang kanyang kilay. "You went home because of her not me?" mapait niyang sagot.
Lumapit siya sa sofa at kinuha ang bag ko duon. Binuksan niya iyon, hinulog ang mga laman nu'n sa sahig na naging dahilan kung bakit namayani ang ingay sa loob ng bahay.
Napaatras muli ako at napalunok nang maramdaman ang pintuan. Wala na akong maaatrasan pa. I'm done.
"Tell me, Kelra. Do you still love him?"
Malamig na ang kanyang boses ngayon. May diin ang bawat salita. Is he crazy? Sa tingin niya ba ay mahal ko parin iyon pagkatapos niyang sirain ang buhay ko? Naka-move on na ako at hindi na muling babalik sa daan na iyon!
"I'm tired, Tito Klaxon. I need to rest," mahinang sabi ko at lalagpasan na sana siya kaya lang ay nahuli niya ang dalawang kamay ko.
Padarang niya akong hinila at dinala sa kanyang kuwarto sa ibaba. "Don't touch me! Bitawan mo ako, Klaxon! Bitaw!"
Binagsak niya ang aking katawan sa kanyang malambot na kama. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa kanya. Babangon na sa muli ako ngunit nahuli niya na naman ang dalawang kamay ko.
Hawak niya ito habang nakahiga ako sa kama at siya naman sa ibabaw ko. Damn this!
"Let go, Klaxon! Gusto kong magpahinga!"
"You didn't answer me, Kelra. So, you still love that stupid guy, huh?"
"Pwede ba!"
"Patay na 'yon, Kelra! Patay na! Wala na 'yong kwenta, hindi kana mamahalin non!" malakas na sigaw niya dahilan ng pagtigil ko at panghihina ng katawan.
"Gusto mo bang pati sa kabilang buhay papatayin ko iyon?"
I can't believe him. Hinding-hindi siya ito, ibang-iba na ang kanyang ugali.
Umiwas ako. Binaling ko ang tingin sa kanyang mesa habang nilalabanan ang mga luha. Ayaw ko nang manlaban baka masasaktan lang ako. May anak ako sa aking sinapupunan, ayaw kong may mangyaring hindi maganda sa kanya kayat titiisin ko muna ito.
"Nandidiri ka na ba sa akin, Kelra? Bakit hindi mo ako matingnan ng deretso!"
"Stop this, Klaxon. Mahiya ka naman sa mommy kong pakakasalan mo." Mariin na sagot ko.
"I don't want to marry her. Sa tingin mo ba'y minahal ko ang mama mo? Sinabi ko lang naman iyon dahil ikaw talaga ang nais kong pakasalan, Kelra! Ikaw lang!"
Nanlaki ang aking mga mata. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Is he insane?!
Sasagot pa sana muli ako kaya lang ay sinunggaban niya ang labi ko.
Bawat halik na iyon ay may matinding galit. Hindi ko masundan ang kanyang galaw dahil sobrang bilis niya.
Binaba niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa binti ko. Kinurot niya iyon ng mahina tsaka sinampal.
"Ano ba! Let go of me!"
"Stay still."
Anong ibig niyang sabihin? Hindi niya minahal ang mama ko? Palabas lang ba ang lahat ng 'yon? Tangina. Nakikita ko sa mga mata ni mommy na mahal na mahal niya si Klaxon ganun din siya noon. Anong nangyari ngayon? Anong pumasok sa kokote ni Klaxon? Tila umiba yata ang ihip ng hangin...
Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking dibdib kasabay nito ang luhang lumandas sa aking mga mata.
"You are a monster..." mahinang bulong ko ngunit sapat na para marinig ni Klaxon.
Napatigil siya. Tinitigan niya ako ng panandalian tsaka lumabas ng kwarto na walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Parang dumaan na hangin.
Wala akong mintindihan. Gulong-gulo ang aking isip ngayon. Nasasaktan ako para kay Mommy, hindi niya deserve ang sakit na ito, ang katotohanan.
Pinamukha niya sa akin na hindi niya talaga mahal ang mama ko. Ginagamit niya lang ito para makuha ako. Hindi naman ako tanga e para hindi maunawaan ang nais niyang ipabatid.
I don't want to stay here. Lalayas ako.
***
Medyo lutangers ako habang sinusulat ito 🤧 baka papalitan ko rin 'to kalaunan. Don't forget to vote and leave a reaction for more updates! Thank you.