"Flowers para sa nililigawan kong maganda," nakangiting sabi ko at iniabot ang bulaklak na hawak ko.
Tinanggap niya ang hawak kong bulaklak. "Salamat dito. Dumadami ang palamuti sa bahay namin," aniya at inamoy ang bulaklak.
Nandito ako sa kanilang bahay. Every morning ko itong ginagawa. Oo, sinusundo ko na naman siya. Nasanay na akong sunduin siya. Paano ba naman? Ang ganda-ganda niya. Halos perpekto lahat sa kaniya. Natural talaga na sunduin ko siya dahil nililigawan ko siya.
Ayaw ko siyang mag-commute. May sasakyan naman ako at hindi ko 'yon hahayaan.
"Manonood ka ba sa game ko?" Tanong ko sa kaniya habang nakahalumbaba sa pintuan ng kanilang bahay.
Tinapunan niya ako ng tingin. "Oo. Kailangan kasi para sa attendance." Dahilan niya.
Napangisi ako.
"Alright. Mas gagalingan ko pa ngayon." Hagikgik ko.
Kinunutan niya ako ng noo.
"Bakit mo pa gagalingan?"
"Manonood ka, e. May inspirasyon ako..." Bulalas ko.
Inirapan niya lang ako. Napapailing na lang ako pero sa totoo lang, halo-halong kilig ang nararamdaman ko. Sumipol ako at hinawakan ang kamay niya.
"Tara na nga!" saad niya at nilampasan ako.
I pursed my lips. Damn, girl.
Napapadalas talaga ako sa pagpunta ng kanilang bahay at iyon ang gusto ko. I want to know her more. I want to pursue her. Beg for her.
She's wearing her tops pairing with her flare pants. Her hair is on half ponytail and there's a ribbon clip on it again. I wonder if she's fond of hairclips. I just have an idea what present I should give her.
Hinabol ko siya at pinagbuksan ng pinto sa kotse. Inalalayan ko para hindi mauntog bago ako umikot sa driver seat at nag-drive na patungo sa University. Kumain na rin kasi siya dahil maaga pa lang ay nagising na ito.
"Eliana..." I called her while driving.
Nilingon niya ako at ramdam ko 'yon. Saglit ko siyang tinapunan ng tingin.
"What?" She raised her brow at me.
I sighed and glance at her again. "Sobrang ganda mo po..." masuyong sambit ko.
She scoffed. "Playboy ka naman," turan niya.
Natawa ako sa naging reaksyon niya.
"Nagbago na po ako..." giit ko. "Ikaw na lang ang sinusuyo ko. Ikaw na lang ang babae sa buhay ko maliban sa nanay at kapatid ko."
She just hummed and look at the window. Hindi na siya nagsalita at hindi na rin niya ako pinansin. Mabilis lang ang byahe namin dahil wala namang traffic. Nakarating kami sa University pasado alas syete pero marami na agad tao doon.
"Diretso na tayo sa court?" tanong ko sa kaniya. "O gusto mong sa room muna?"
"Sa room muna ako," sagot niya. "Wala pa naman akong gagawin sa court."
I smiled at her.
"Kung ano ang gusto mo, iyon ang masusunod." Masuyong sambit ko.
Dumiretso kami sa room. Naroon na din ang iilan naming mga kaklase dahil may mga sinalihan silang kompetisyon. Maaga din ang mga kaibigan ko pero panigurado ay nasa court na sila.
Naupo kaming pareho sa dulo. Hindi siya umimik. Kinukutingting niya lang ang kaniyang cellphone. Malaya ko lang siyang tinititigan pero kinuha ko na din ang aking cellphone at palihim siyang kinuhanan ng litrato sabay post ko sa aking twitter account.
BINABASA MO ANG
Playboy's Confession
Teen FictionEntitled as the University Playboy, Silver A. Aquillo, an engineering student and a leader of the student council president sees dating like switching clothes and going over girls without a second thought not until his thoughts changes when he meets...