To End It Mutually (Boys' Love One Shot)

19 2 2
                                    

To End It Mutually
[Boys' Love]
(One Shot)

* * *

"Musta? Haha, hindi kana nagreply kagabi ah," mapait akong napangiti kay Elon. Pilit ko ding pinipigilan ang mga nagbabadya kong luha.

Mula sa pagkalikot niya sa cellphone niya, bahagyang napabaling si Elon sa akin. "Can we just talk some important matters?" giit niya.

Muli akong napangiti ng mapait sa kaniya. "That damn rs, hindi ba 'yun importante sayo?" tumayo ako nung bigla kong naramdamang hindi ko na kayang pigilan pa ang luha sa mga mata ko. Pagbagsak ng mga iyon, muli ko siyang tiningnan. "Ako? Hindi na ba ako importante sayo?"

Malamig niya akong tiningnan. Napapailing siya sa patuloy na pagdaloy ng mga luha ko. Pagkatapos, dinukot niya mula sa bulsa ng kaniyang pants ang panyo niya at agad iyong iniabot sa'kin.

"Dry your tears. Somebody's watching us," aniya.

"Can that piece of cloth remove the pain of being ignore by you?"

Elon shrugged. Napatayo siya't pilit paring inaabot ang kaniyang panyo. "Anong problema mo?" he ask with a bit of annoyance on his voice.

"I-Ikaw? Anong problema mo? Alam ko okey naman tayo eh. A-Alam ko, wala naman tayong problema eh,"

Malabo ko siyang naaaninag dahil sa mga luhang lulan sa mga mata ko. Kahit pigilan ko'y hindi ko nadin kaya't napahikbi na akong tuluyan.

Mangiyak-ngiyak nadin si Elon. "Okey tayo, JM. May mga bagay lang talaga na kailangang isakripisyo para sa mahahalagang bagay," sabi niya.

"Relasyon natin ang sakripisyo, ganun ba?"

"Kung alam mo naman pala, bakit ganiyan ang reaksyo—"

"Tangina mo!" natigilan si Elon nung bigla akong mapasigaw. Humihikbi parin ako habang hinahayaang dumaloy ang mga luha ko. "All I remember is we used to be okey, JM! Hindi mo 'ko in-inform na may magbabago sa'tin dahil sa mga bagay na hindi mo masabi sa'kin!"

"Wala na akong magagawa, JM!" hiyaw niya. Sa pagkakataong iyon, bumuhos narin ang kaniyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. "Nakatakda na akong mag-aral sa pagpa-pari! Believe me, I tried everything just to change my fate! Ginawa ko ang lahat lalo na nung makilala kita! Mahal na mahal kita pero kailangan ko 'tong gawin,"

Napailing ako at mapait na natawa sa mga sinabi niya. May parte sa sarili ko na alam kong nagsasabi ng totoo si Elon. Pero bakit may parte din sa'kin na iba ang pinaniniwalaang dahilan ng pagbabago niya.

Ano ba ang mali?

"Elon, for God sake! 'Wag mo na akong paikutin!"

Muli siyang natigilan. Naiiling na muling naupo sa bench na kinauupuan namin kanina. Sa pagkakataong iyon, bigla siyang naging mahinahon.

"A-Akala ko, kilala mo na 'ko," marahan siyang napabaling sa'kin. "B-Bakit, JM?"

"Tell me, paano kita paniniwalaan ngayon kung sinabi mo na sa'kin noon na handa mong itakwil ang pamilya mo kung ipilit nila ang pagpa-pari mo?"

"Can't you believe me this time, JM?"

"Let me ask you," napahinga ako ng malalim. "Okey pa ba tayo? O hindi na, dahil okey na kayo ng ex mo?"

Natahimik bigla si Elon. Bigla din ang pag-iiwas niya ng mga tingin sa'kin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa ipinamalas ni Elon.

"May mga bagay na kailangang isakripisyo para sa mahahalagang bagay?" napalingon siya sa'kin nung inulit ko ang sinabi niya kanina. "So sa aming dalawa, ako ang sakripisyo dahil siya ang mahalaga?"

"JM, hindi,"

"Never sugar coat the fact na ginamit mo lang ako!" Using the back of my palm, I gently wipe my tears. "Let's end this mutually,"

"JM," napatayong muli si Elon at nanunuyong lumapit sa'kin.

"Bakit? Pipigilan mo 'ko?"

"I'm sorry,"

Binalingan ko ng huling pagkakataon ang kabuohan ng katawan niya at nag-alay ng mapait na ngisi dito, bago ako tumalikod. Ngunit pagkatalikod ko'y agad niyang naabot ang kamay ko dahilan upang mapahinto ako. Naramdaman ko nalang ang mga yakap ni Elon habang nakatalikod ako sa kaniya.

"I never thought na aabot ka sa pagkakataong gagamitin mong dahilan ang pagpa-pari mo dahil sa kaniya," mahinahon kong sabi.

"At hindi ko din inaasahan na matatauhan ako ngayon, JM,"

"Tama na, Elon. Ang dami ko nang nasayang dahil sa pagmamahal ko sayo,"

Rinig ko siyang humihikbi habang ramdam ko ang mainit niyang hininga sa pagitan ng ulo ko.

"Kailangan kita nung gabing umaatake anxiety ko. Pero siya ang nandiyan para pagaanin loob ko,"

Kinalas ko ang mga kamay niya na nakapulupot sa pagitan ng tiyan ko. Nung makawala'y malamig akong napatingin sa kaniya.

"Na-realize mo ba that night na sa aming dalawa, ako ang ginamit at siya talaga ang mahal mo?"

"JM," hinawakan niya ang palad ko. "Ano ba ang gusto mong gawin ko?"

"Set me free, Elon. That's all I ask now,"

"Per—"

"Wala na, Elon. Wala na,"

Matagal na panahon kong tiniis na ang akala ko'y hindi ako mapapagod na mahalin si Elon. Isang gabi niya akong binalewala pero sapat na para ma-realize ko na hindi pala ako. Hindi pala ako ang talagang kailangan niya. Masakit! Masakit para sa'kin ang i-let go ang lalaking tinurin kong mundo. Pero kailangan kong protektahan ang sarili ko, from the pain that he cause.

"JM, lalayu—"

"Paalam, Elon. Luha ko na mismo ang naging batayan ko na wala na. Said na said na yung mga luha ko,"

"I'm sorry," he cries.

"Let's end this mutually," giit ko.

Umiiyak siyang napatango sa'kin. "It was all a mistakes, JM. Alam ko din kung gaano kasakit yun para sayo kaya sige. I'm letting you go,"

"Goodbye, Elon,"

His just watching me disappear from his sight.

* * *

THE END

All Right Reserve 2024

To End It Mutually (Boys' Love One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon