Selene POV
Hindi ko alintana ang walang tigil na pagbuhos ng ulan dahil pakiramdam ko ay dinadamayan ako ng panahon sa pagdadalamhati ko. Hindi ko napigilan ang mapaluhod at humiyaw sa sakit na aking nararamdaman. Mas masakit pa ang sugat sa aking puso kaysa ang mga sugat sa aking katawan.Hindi ko maiwasan ang matawa sa gitna ng kalsada kung may makakakita lang sa akin ay baka isiping isa akong baliw. Nabaliw sa pesteng pag-ibig, Oo.
Kaya ayokong magmahal kasi alam kong sa huli ako lang din ang masasaktan. Hindi ako makapaniwala siya itong nanggulo sa tahimik kong buhay.
Kung sana palang nuon pa lang hindi ko na tinanggap yung pag aalok niyang makipag kaibigan.
Kung sana nuon pa lang mas pinili ko na lang ang magkulong sa bahay, Hindi sana hahantong sa ganito.
Tinignan ko ang likod nag babakasakali na baka tulad ng mga nababasa at napapanuod ko ay binabalikan nila yung taong mahal nila.
Ngunit sino nga ba nag niloko ko, Hindi na siya babalik. Kung kailan nasanay na akong lagi siyang nasa tabi ko at walang tigil ang pagdikit sa akin.
Kung ganito lang pala ang gagawin niya sana hindi ko na lang siya tinanggap sa buhay ko. Siguro nga ganun talaga pag nagmahal ka ng isang tao masasaktan at masasaktan ka sa ayaw at gusto mo.
Hindi ko maisip na sa dami dami ng aming pinagsamahan ni munting paalam hindi niya nagawa. Sabi niya mahal niya ako kung ganun bat niya ako nakayanan na iwanan?
Ang sakit sakit na kahit anong hiyaw ko dito sa kalsadang ito hindi maibsan yung nararamdaman ko.Puro na lang She Fell First, He Fell Harder eh kingina mukhang sa sitwasyon ko naging baliktan na ito.
Sa kakadrama ko ay hindi ko namalayan na mayroon na pa lang paparating na sasakyan. Kasabay ng paghinto ay pagwawala ng pusong kong umaasa na baka siya na nga ito. Pero sa pag baba niya ay mistulang nawala na din lahat ng pag asa ko.
'Ano ba Selene Ilang beses ka pa ba aasang kingina ka, Iniwan ka na nga nuong tao.' Sigaw ng kabilang isipan ko.
Hindi ko maiwasan ang mapahikbi sa aking mga naiisip. Sinong mag aakala na yung Selene na palaban ay nandito sa kalsada basang basa at puno ng galos.
"Seleneee where have you been? Alam mo bang sobra na ang pagka alala nila tita sa iyo? Bigla ka na lang na naman nawala sa kwarto mo?" Agad na natuon ang atensyon ko sa aking kaibigan na si Franco dahil sa walang tigil na pag sesermon sa akin. Agad naman ako nitong binuhat papunta sa kanyang sasakyan itim na kotse.
"Ang sabi ni tita ay biglaan ka na lang nawala, Selene alam kong mahirap ang maiwanan ng taong mahal mo pero subukan mo naman labanan isang taon na ang nakakalipas. Matuto kang mag move on dahil hindi lang sa isang tao iikot ang mundo mo may sarili kang buhay." Anito
Hindi ko maiwasan na matitigan ang kanyang mga berdeng mata na nakikiusap, agad ko ding inilihis ang aking mata at tinuon na lang sa labas ng bintana.
"Isipin mo ang pamilya mo selene at kaming mga kaibigan mo. Namimiss na namin yung dating selene na walang inuurungan" sabi niya habang marahan na hinawakan ang aking kamay at pinaandar ang sasakyan.
Tama naman siya kailangan ko nang mag move on at bumalik sa dating ako. Yung selene na hindi pa siya tuluyang nakikilala at yung magiging selene na handa ng harapin lahat ng walang pag aalinlangan.
________________________________________________________________________________Started: 02 April 2024
Ended:????

BINABASA MO ANG
UNTIL HE LEFT
RomanceRoses are not just Red Violets are not Blue Coming back is a never-ending pursue.