Matapos ang game nila ay lumapit sa amin ang iba niyang mga ka-team.
"Uy, kaya pala ganadong-ganado maglaro sa loob ng court, may inspirasyon!" tukso ng mga ito. Jap yata ang pangalan ng nagsabi.
Sumingit naman si Gerard. "Sa sobrang ganado, lahat ng atensyon nasa kaniya pero ang atensyon niya ay..." he paused and glance at me. "Kay Ms. Sy. Hulog na hulog 'yan?" tawa pa niya.
"Inggit lang kayo," bulyaw ni Silver.
Napairap na lang ako sa kanilang mga inaakto.
"Galing naman ng master namin, pumapag-ibig..." bulalas ni Gerard at tinapunan ako ng tingin. "Ikaw pala inspirasyon niyan, Ms. Eliana." Tumawa siya.
"Mga gago. Doon na nga kayo!" taboy ni Silver. "Bebe time muna ako," aniya.
Kinantyawan siya ng kaniyang mga kaibigan. Pinandilatan ko siya ng mga mata. Pinagsasabi ng gagong 'to?
"Ang tanong, bebe ka ba niya?" pang-asar ni Travis.
He glance at me. "Hindi. Hindi pa. . . Pero soon, bebe ko na siya," he replied.
Naghiyawan ang mga kaibigan niya at tinapunan ako ng tingin.
"Narinig mo 'yon, Ms. Eliana? Pahirapan mo muna siya, ah!" Payo ni Carlo sa akin.
Napailing na lang ako habang pinagmamasdan silang nag-aasaran sa gilid ko. Nagkayayaan pa silang mag-celebrate pero hindi pumayag si Silver. Ayaw talaga niyang magcelebrate kasama ng mga kaibigan niya kahit pa ilang pilit na nilang niyaya.
"Pass na ako diyan," sagot niya sa kanila. "Magce-celebrate kami ni Eliana," muling sabi niya.
Nagpaalam na ang mga kaibigan niya at noong makaalis sila ay bumaling ang tingin niya sa akin. He smiled at me gently. Aalis na sana kami pero may lumapit na mga estudyante sa kaniya. He looked at me and I was just looking at him seriously.
"Puwede po magpa-picture, Kuya?"
Hula ko ay mga lower years iyon na mga babae. Kinikilig pa sila habang tinatanong si Silver. He glance at me, trying to ask permission. I just nodded my head. Sino ba naman ako para pigilan siya 'di ba? I mean, it's alright to have some photos of him as an idol.
"Mabilis lang guys, ah? May date pa kasi kami ni Ate Eliana niyo," sabi niya sa mga lower years.
Tumango naman ang mga ito. "Sige po, Kuya..." They said in unison and glance at me. "Ate, ayos lang po ba?" hingi nila ng permiso sa akin.
"Go on," I said. "It's alright, guys."
Mabilis silang nagpa-picture. I took out my phone and glance at Silver. He was smiling on their cameras and I get some photos of him smiling and showing his dimples. Nang makuhanan ko siya ay mabilis kong itinago ang cellphone ko dahil alam ko kapag nakita niya akong kinukuhanan ko siya ng litrato ay asarin lang ako.
Nang matapos na silang mag-take ng pictures ay lumapit na siya sa akin at binuhat ang kaniyang bag. Kinuha rin niya sa kamay ko ang aking sling bag.
"I'll take a shower first, pretty..." he whispered. "Samahan mo muna ako sa locker room."
Naglakad kami papunta sa locker room. Hawak niya ang kamay ko at nagpatianod na lang ako sa kaniya kaysa magreklamo pa. Hindi ko alam pero hinayaan ko na lang siya na gawin ang gusto niya. Nang makarating kami sa locker room ay agad din siyang naligo.
Rinig ko ang bawat patak ng shower at hindi ko mapigilan hindi kagatin ang ibabang labi ko. I took my phone out and open my social media accounts. Madami agad post doon patungkol sa laban kanina. May nakita din akong nag-tag kay Silver at sa tingin ko mga lower years ito.
BINABASA MO ANG
Playboy's Confession
Roman pour AdolescentsEntitled as the University Playboy, Silver A. Aquillo, an engineering student and a leader of the student council president sees dating like switching clothes and going over girls without a second thought not until his thoughts changes when he meets...