June 24, 2014
Halos buong araw ay wala kaming ginawa kundi magpakilala sa harap ng klase. Konti palang ang mga kilala ko dito pero alam ko naman na makilala ko rin ang mga classmates ko.
Bigla ko nalang naisip si, Patricia. Yung forever nigga friend slash girl crush ko. Hay, hindi ko pa rin plano na mag-confess sa kanya dahil alam ko sa simula pa lang ayaw na niya sa mga katulad ko. So, mas kuntento nalang ako sa pagiging FNF naming dalawa.
Si Batchi at Wila lang ang may nakakaalam nito. Pero hindi lang din naman ako nagiisa, dahil si Batchi din katulad ko din siya.
One month ago...
Isang buwan kami magkasama palagi ni Patricia umuwi at pumasok sa eskwela dahil siya rin naman ang may gusto nun. Para sa akin masaya iyon dahil palagi kami magkasama. Hindi ko na din alam kung nakakapansin na ba siya dahil minsan umiiwas siya, pero pinapabayaan ko na lang dahil alam ko na hindi naman niya ako matitiis kausapin. At hanggang sa malaman ko na may mahal na siya. Na ni minsan hindi niya sinabi sa akin. Nalaman ko lang yun sa isa naming kaibigan. Nasaktan ako, nagselos ako. Pero wala naman akong karapatan. So, ginawa ko na lang ay nagpaka layo muna sa kanya. Binabad ko ang sarili ko sa mga bagong kaibigan ko. Naging masaya naman ako at malaki ang naitulong sa akin nito.
July 4, 2014
Recess Time
Nasa classroom kami ngayon. Katabi ko sina Batchi at Wila. Kumakain kami ng breakfast ngayon. Naguusap kami ng kung ano ano ng biglang may tinawag si Wila, na kaklase din namin. Si Jade.
"Uy Shobe! Ganda ganda mo!" Sabi ni Wila
At tumawa lang si Jade. At umalis na to para pumunta ng restroom.
Sabay sabi ni Batchi ng "Cute ni Siomai siopao Shobe"
Dagdag naman ni Wila "Onga eh ganda niya noh?"Napailing nalang ako sa dalawang to.
"Okay lang. Ayoko sa mapuputi eh." Sabi ko.
Isang linggong topic ng mga kaibigan ko si Jade na sobrang idol nila to dahil mabait na maganda pa.