Justine Pov:
Maaga kaming pumunta sa kong saan pinaglalamayan ang mga kaibigan ni Travi, syempre mga kaibigan ko na rin yon. Sa tagal ba naman ng pagsasama naming lahat.
Kaya masakit ang makita sila sa ganoong kalagayan.
Karga karga si Baby Jimen habang magkahawak kamay naman ang mag amang sina Trevor at Travis. Lahat kami nakaputi at pareho kami ni Travis na naka sunglasses.
Dahil parehong mugto ang mga mata namin.
Unang tapak ko palang sa chapel ay mabigat na ang pakiramdam ko. Ano mang oras ay bibigay ako. Baka hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
Hinawakan ni Travis ang bewang ko, napatingin naman ako sa kanya.
"Its okay come on.." Saad ni Travis.
Habang pilit ang ngiti nito. Alam kong mabigat din ang pakiramdam ni Travis. Dahil kong nag luluksa ako. Mas nagluluksa si Travis. Kong masakit saakin ang pagkawala nila, mas masakit para kay Travis ang mawalan ng mga kaibigan na halos buong buhay niya ay ang mga kaibigan na niya ang naging pamilya niya.
Sila ang naging sandalan ng mga panahong lugmok si Travis.
Gumanti din ako ng ngiti kay Travis at tumango ako. Saka sabay kaming humakbang papasok ng chapel.
Dito na pinaglamayan ang mga bangkay ng mga tropa ni Travis. Para hindi na magkalayo-layo. Ayaw din ni Travis na sa kanya-kanyang bahay nila. Dahil gusto niya, hanggang sa huli ay magkakasama ang mga tropa niya.
Hindi naman tumanggi ang mga parents ng mga biktima. Yon din naman ang gusto nila.
Habang palapit kami kong saan nakahimlay ang mga tropa ni Travis ay napansin kong marami din pala ang nakikiramay. Halos mapuno ang chapel sa dami ng tao.
Kahit papano natuwa naman ako dahil alam kong mababait ang tropa ni Travis kaya makikita mo sa dami ng nakikiramay sa pighati.
Pumunta kami sa unahan. Naroon ang parents John. Nakipag beso ako.
"Nakikiramay po kami..." Malungkot na sabi ko.
Tumango naman sila at simpling ngumiti. Bahid sa mukha nito ang sakit sa pagkawala ng anak nila.
"Mabuti't nakarating kayo.." Saad ng Mama ni Macky.
Matapos kong makipag beso at sabihin na nakikiramay kami. Tumango naman ako.
"Opo. Pasensiya na po king hindi ako nakapunta ng unang araw.." Paghingi ko ng paunmanhin.
Ngumiti naman ang Mama ni Macky.
"Okay lang. Naiintidihan ko naman. Mabuti ngat malakas ka na.." Saad nito.
Isa-isa kong biniso ang mga parents ng kaibigan namin.
Nandito din pala sila James, Noel, Richard, Kyle at Miggy kasama ang pamilya niya.
Nakipag beso ako sa kanila saka umupo ako sa gabi ni Natasha. Habang si Travis naman ay nakipag bro hug sa mga tropa niya. Naupo naman si Travis sa tabi ng mga tropa niya. Saka nag usap-usap.
Si Trevor naman ay umupo rin sa tabi ni Neo na nagkakape at kumakain ng biscuit.
Doon ko lang napansin na may dala din pala kaming mga sandwich at inumin para sa mga nakikiramay. Nakalimutan naming sabihin sa bantay kanina na ipasok nasa loob pa yon ng kotse namin.
Nilingon ko si Travis na nakikipag usap sa mga tropa niya. Lumapit naman si Travis saakin ng senyasan ko siya na may ibubulong ako.
"Hon. Yong mga sandwich. Tawagan mo si Kuya sabihin na dalhin dito..." Utos ko sa kanya.
YOU ARE READING
MY BOSS/HUSBAND IS A GANGSTER. Book II
Historia CortaThis story is a book II of my first story entitled My Boss is a gangster and please dont be so perfectionist reader. This story is dedicated to my family, friends and to my supporters. Who support to make this story published. Thank you so much read...