Para Sa Batang Ako

130 3 0
                                    

Para sa batang AKO...


Pasensya kana kung pinangarap kong tumanda agad. Akala ko kasi masaya rito, akala ko kasi katulad mo, healthy pa rin. Akala ko kasi madali lang. Akala ko, kagaya riyan, wala akong mararamdamang sakit. Hindi makararamdam ng pagod at lungkot.

Sana pwede kitang balikan para paalalahanan na... Diyan ka na lang. Ang lungkot dito. Mapapagod ka rito kahit walang dahilan. Maiiwan ka ng mga taong kasama mo lang noon maglaro.

Diyan ka na lang... Dahil dito, walang tapos ang pakikipaglaban para lang mabuhay...

Pasensya kana, hindi ko naman akalain na ganito pala kalungkot habang tumatanda.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Random Thoughts (The Anthology) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon