Herron‘s Pov
I still can‘t believe that she‘s my girlfriend now.
“Woah! Let‘s enjoy this night!” John shouted and drank his glass.
“Hindi mo ba sila sasabayan?” Nilingon ko siya, ngumiti ako at umiling.
“Hindi ko gustong nandito tayo. Hindi ko gustong napupunta ka sa ganitong lugar.”
“P-pero—”
“Ayaw kong madungisan ang pangalan mo, ayaw kong may isipin sila sa ‘yo. Kaya kitang ipagtatanggol, pero hindi ko kakayanin ang mga sasabihin nila.” I patted her head. “This is not just a bar.”
Binalik ko ang tingin kay John na sinasabayan pa ng iba. VIP room ang kinuha niya dahil sa dami namin. Tumayo ako para lapitan siya. Tumigil siya sa ginagawa niya nang nasa harap na niya ako.
“We‘ll go home,”
“What? Why?”
Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at hinila siya palapit kay Eashana.
“My girlfriend can‘t be here.”
Hinawi niya ang kamay ko sa balikat niya at tumawa dahilan para mapunta ang atesnyon nila sa ‘min. Hininto Rin nila ang music.
“Come on bro—”
“John is right Herron, why she can‘t?” Binalingan ko ang nagsabi no‘n.
Siya ‘yong babaeng lumapit sa ‘kin kanina. I really forgot her name.
Tumayo siya at tumabi kay Eashana, “Right girl?”
“Uhm...”
“I appreciate this John, but we have to spend our day together. This is my last day today.”
“Where?”
“Spain.”
“Ooohhhh.” They teased in a low tone.
“Go girl, it will be exciting.” She said and pushed my baby.
Lumapit ako sa kanila at hinila siya patayo. “We will go.”
“Enjoy the night!”
Inilingan ko na lang sila. Hawak ko siya sa beywang habang tinatahak ang daan palabas hanggang makarating sa sasakyan.
“Hindi ba nakakahiya ‘yon? Kasi para sa ‘yo ‘yon—”
“Wala lang ‘yon sa kanila. Sumama pa rin ako and that‘s enough. Ang gusto ko mag-enjoy tayong dalawa.”
Pinagbuksan ko siya ng pinto at senenyasan na pumasok na. Tumango siya at ngumiti.
Those crazy.
I rented the astro park and I decorated every corner of the park last night. I want someone to do that but it will be more Romantic if it‘s me who will decorate.
8pm.
When I looked at my wrist watch. “Sa‘n tayo pupunta?”
“You‘ll see.” She just nod.
Buti na lang din hindi traffic ngayon kaya tuloy-tuloy ang biyahe at agad na nakarating. Hindi ko pa tuluyang napapatay ang makina nang bumaba na siya.
Alam kong malayo pa lang tanaw na ang mga lights ng park. Ngumiti ako at bumaba na rin at tinabihan siya.
BINABASA MO ANG
A Compassionate A Compassionless (Book 2)
RomanceI am now in this chapter, I am happy that we survived in our darkness, the darkness that I made. But I am wholeheartedly willing to change it. I am the cause and I am also the cause to make it new. I don't know what will happen, but in this chapter...