CHAPTER EIGHT

224 96 19
                                    

BLAIRE SAMANTHA's POV

Maaga pa lang ay bihis na bihis na ako. Plano ko kasing pumasok ng maaga ngayon. Tutal ay nandito na naman si mang mando. Ayaw ko muna kasing makausap si min. Kaya kung maaari ay ako na muna ang iiwas.

"Hija ang mabuti pa ay kumain ka muna. Masiyado pa namang maaga eh." salubong ni manang sakin nang makita niya akong pababa ng hagdan.

"Wag na po manang. Sa school na lang po ako kakain." sagot ko naman sa kaniya.

"Ganon ba hija? Eh si min hindi mo ba muna hihintayin?" tanong niya.

Pilit naman akong ngumiti sa kaniya tsaka umiling.

"Hindi na po. May sarili rin naman pong kotse si min." aniko.

"O siya sige. Basta kumain ka doon hah?! Wag kang magpapalipas ng gutom." paalala niya. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango bago siya iniwan doon at tinawag si mang mando.

"Magpapahatid ka na ba hija?" tanong ni mang mando sakin.

"Opo mang mando." tumango naman siya saka binuksan ang pintuan sa likod kaya agad akong pumasok doon.

........

Nang makarating sa paaralan ay wala pa gaanong estudyante doon kaya naisipan kong magpunta na muna sa likod ng paaralan. May malawak na garden kasi doon na talaga nga namang tinatambayan ng mga estudyante. Minsan rin ay doon nagdi-date ang mga mag couple dito sa school namin. Oh di kayo nang masaya ang lovelife! Pshhh...

Nang makarating doon ay agad akong umupo sa may Bermuda grass at kinuha sa bag ang lagi kong dala-dalang paborito kong novel. Tungkol kasi ito sa buhay mag-asawa. Ang problema nga lang ay one sided love ito. Pero sa umpisa lang rin naman dahil natutunan na rin siyang mahalin nung asawa niya. Para ngang nais sabihin ng author na 'She fell first but he fell harder'. Kahit talaga ilang beses ko pa itong basahin ay hindi talaga ako magsasawa. Siguro dahil parang nakikita ko yung sarili ko doon sa babaeng bida na palihim na lamang nagmamahal sa lalaki. Ang kaibahan lang talaga namin ay minahal rin siya nung bidang lalaki hindi katulad ko. Siguro nga ako ang kontrabida sa kwento at si min at stella ang bida.

Mapakla naman akong napatawa. Nagawa ko pa talagang ikumpara ang sarili ko doon sa bidang babae sa binabasa kong novel.

Mga ilang minuto lamang akong nanatili doon dahil dumarami na rin ang mga estudyanteng nagsisidatingan at naiilang na rin ako sa mga tingin ng mga estudyanteng nandirito sa garden. May nakita pa nga akong magkakaibigang lalaki at pabiro pa nilang tinutulak ang isa nilang kaibigan ng aksidenting mapatingin ako sa banda nila. Nakita ko pang namula yung lalaki at nahihiyang kumamot sa batok niya.

"Lapitan mo kaya bro?!"
"Ano ba kayo. Nakakahiya!"
"Tangina. Wag ka ngang totorpe-torpe bro."

Rinig kong saad nila. Napailing na lamang ako tsaka niligpit ang novel na hawak ko bago tumayo at naglakad palayo doon. Rinig ko pa ang asaran ng magkakaibigan pero pinagsawalang bahala ko na lamang.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may mga nagkakagusto rin sa akin. Minsan nga sinasabi ng iba na isa daw ako sa mga campus crush dito dahil mapasaang sulok man ng campus ay bukang bibig ang pangalan ko. Pero hindi ko na lamang iyon pinapansin.

Habang naglalakad ay naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Nga naman! Hindi pa pala ako kumakain ng agahan,pati rin pala hapunan. Hindi na ako nakakain kahapon.

Ayan kasi samantha nag-iinarte pa kasi. Oh edi gutom ka ngayon?

Mahinang kinutusan ko ang sarili ko bago naglakad patungo sa cafeteria para bumili ng pagkain. Nang makarating ay bumili lamang ako ng isang sandwich at softdrink. Hindi rin naman ako mahilig sa heavy breakfast eh. Kaya siguro sinasabi ng iba na mapayat daw ako, pero para sakin naman ay katamtaman lamang ang katawan ko.

WAY BACK INTO LOVEWhere stories live. Discover now