Part 15

9 0 0
                                    

Leo's POV:

Nakahiga na Ako at patay na ang ilaw ng kwarto ko ngunit tulala lang akong nakatingin sa kisami.Tanging mahinang liwanag lang ng  ilaw  Mula sa poste sa labas ng Bahay namin ang tumatanglaw sa kwarto ko.

Hindi maalis sa isip ko Ang sinabi ni Leigh sa akin kanina..

"Hindi ka welcome sa Buhay ko."

Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko Ang mga linya nyang iyon.

Kung ano Yung sayang naramdaman ko Mula pa kaninang madaling araw hanggang sa naghahapunan kami kanina,sya namang sakit at lungkot Ang nadama ko ng sabihin nya sa akin Yun.

Pakiramdam ko may pumisil sa puso ko matapos nyang sabihin sa akin Yun.Hindi agad Ako nakakilos.Pansamantala akong natulala.Hindi ko maipaliwanag Yung sakit na naramdaman ko.
Gusto ko syang habulin at sabihing bawiin nya Yung sinabi nya,pero Wala akong karapatang Gawin Yun.

Mariin Kong ipinikit Ang mga mata ko.Pakiramdam ko kinakapos Ako ng paghinga!

Tss..Ang hirap mo namang abutin Leigh.Paano ba Kita mapapaamo?Di pa nga Ako nagsisimula,barado na agad,haayy...

Ngayon lang Ako nakaramdam ng ganito sa isang tao.

Marami akong kaibigang babae.
Meron din naman akong mga nakarelasyon.
Pero Hindi ko naramdaman Yung sobrang kagustohang mapalapit sa isang tao.

Hindi ko masasabing in love na Ako sa kanya,Kasi kakakilala ko lang naman sa kanya.
Basta,matindi lang Yung kagustuhan Kong mapalapit sya sa akin.
Gusto ko syang maging kaibigan,pero mukang Mali Yung approach ko e.

Naiilang Ako sa kanya.
Pag malapit na sya,kinakabahan na Ako.Hindi ko alam Ang iaakto ko sa harap nya.
Para akong nauubusan NG salita pag nasa harap ko na sya.
Kaya dinadaan ko Sya sa biro Kasi para talaga akong maiihi Lalo na pag sinibat nya na Ako ng mga titig nyang akala mo may palaso ni kupido!

Shocks,OA mo Leonard!

Hindi nga,para na akong Tanga pag kaharap ko na sya!As in,Mukha na akong malaking "engot!"

Ewan ko ba,parang napaka-intimidating ng personality nung babaing Yun!
Hay,nakakainis!
Ah basta,kukulitin ko Sya,
Hanggang sa mapaamo ko Sya!

Bukas pa Ang ilaw sa kwarto ni Leigh Kaya kitang-kita ko Sya.Naka-off naman Ang ilaw ko Kaya Malaya ko syang napagmamasdan.

Ang galing nyang mag-gitara.
Ang ganda nyang pagmasdan habang tumutugtog.
Para syang isang malaking painting sa bintana.

Nangangawit na Ako kakayuko NG silip sa kanya sa bintana kaya kinuha ko Ang maliit na upuan at naupo habang nakapangalumbabang pinanunuod sya.

Ibang-iba si Leigh sa lahat ng babaing nakilala ko.
Iba pomorma,
Ibang manamit.
Iba Yung mga galawan nya.
Iba mag-isip.
Ibang magsalita.

Sa iilang Oras lang na nakasama ko sya kanina,masasabi Kong tahimik syang tao.Hindi palakibo.Hindi papansin,pero pansinin.
May sariling Mundo,na tila ba walang ibang pwedeng makapasok.

In short,Mukha syang Alien sa Mundo nating mga tao,hahah!

Sabi ni Tita Lucille at Ate Nelia,ganun daw talaga Ang ugali ni Leigh.Tahimik at akala mo talaga may sariling Mundo.
Sinabi nila ito sa akin nung bumalik Ako sa kusina matapos akong talikuran ni Leigh sa may upuan sa Puno ng mangga kanina.

Matagal na palang pabalik-balik Dito tuwing Pasko si Leigh at Ang pamilya nito,bakit Hindi ko man lang sya nakita kahit isang beses??

Nasaan ba Ako ng mga panahon na Yun at ano bang ginagawa ko at ni sulyap o anino man lang nya hindi ko nakita??

HANGGANG...(Leonard & Leigh Anne )Book 1Where stories live. Discover now