A.N
I want to thank you in advance for the time and support you are giving to this story. Thanks for the 1k votes and 25k reads! You don't have any idea how it means a lot to me. Godbless and have a nice day! Enjoy reading!
P.s dont forget to vote this chapter! Thank you!
~*~
Tumatakbo ang oras at kagaya ng lagi kong ginagawa, linis dito, linis doon dahil naka-assigned ako sa dining area. Nakakapagod ang trabaho ko dahil laging lumalakad para maglinis sa mga kinainan ng costumers. Kami rin ang nagdadala ng take out orders ng mga tao sa drive thru tapos sa tuwing may kailangang i-assist ay kami rin ang tumutulong. Sa limang oras na kailangang kong magtrabaho rito tuwing week days, parang limang linggo na rin ang katumbas ng pagod sa katawan ko. Nakakaubos ng lakas! Pero kahit na gano'n ay hindi ko naman pinagsisisihan na magtrabaho rito dahil sa susunod na lunes, ilang araw mula ngayon ay makukuha ko na ang unang sahod ko. Pinakikinabangan ko rin naman ang pagpapakahirap dito. Tiyaga at sipag lang talaga ang puhunan.
Ang bilis lang din ng araw. Halos dalawang linggo na rin pala na hindi nagpaparamdam sa akin si kuya Damian. Kamusta na kaya siya?
Miss ko na siya...
Iniligpit ko na lang ang mga gamit ko baka kung saan na naman umabot ang isip ko. Tapos na ang oras ng duty ko kaya makakauwi na rin sa wakas! Mabuti na lang at rest day bukas, sabado, kaya makakapaglaba ako ng mga marurumi kong damit.
Kalalagay ko lang ng Jollibee hat ko sa see through plastic na bag nang biglang sumulpot si Hunter sa gilid ko. Naalala ko na naman kanina ang pag-libre niya sa akin ng C1 dahil napansin niyang hindi ako kumakain. Alam niya namang busog ako pero nilibre pa rin ako ng loko! Palibhasa gusto niyang may kasabay kumain kaya ayos lang na gumastos siya saka ayaw niya raw ako nakikitang nagpapalipas ng gutom. Noong oras na 'yon ay nagulat talaga ako sa kaniya dahil hindi naman siya bumabanat ng gano'n sa akin. Kailan pa siya natuto um-entry ng gano'n, aber?
Kagaya ng lagi niyang ginagawa ay piniga niya ang ilong ko. Marahan kong tinabig ang kamay niya dahil hindi ako nakahinga nang maayos sa ginawa niyang 'yon.
"Bwisit ka talaga!" pabiro kong bulyaw sa kaniya.
"Sus! Kinikilig ka nga kanina dahil sabay tayong kumain! Tapos ngayon yayakap ka ulit sa akin dahil uuwi na tayo! Alive na alive ka pa kasi makakasama mo na naman ako bago ka matulog. Hindi ba sulit ang araw mo ngayon? Nandito kasi ako!" patutsada niya pa sabay kindat. Halos masamid ako sa kaniya. Ka-feeling naman ng isang 'to! Kung makapagsalita siya ay parang kami lang dalawa ang nasa crew room. Wala yatang kahihiyan! Ang dami kayang nakakarinig!
"Nagkaka-develop-an na yata kayong dalawa diyan!" pang-aasar sa amin ng isa naming Team Leader.
"Yuck!" sabi ko na lang sabay aktong nasusuka.
"Bilisan mo na riyan para makauwi na tayo! Hindi ka ba inaantok? Dami mo kasing eme, e!" sabi ko kay Hunter saka nag-zipper ng jacket. Itong jacket ko na ito ay pinahiram lang din ni Hunter. Nakalimutan ko kasi magsuot ng jacket. Bawal pa naman na walang pantago sa uniform namin dahil hindi pwedeng magpalakad saan-saan nang nakabalandra ang uniform namin. Nakasulat kasi 'yon sa restaurant rules. Empleyado kami kaya kailangang sumunod.
"Bagay sayo 'yang suot mo, ah! Kanino nga ulit galing 'yan?" tud'yo niya sa akin. Siniko pa ako ng loko pagtakapos niyang masuot ang sweater niyang kulay asul.
Inirapan ko lang siya. Nagtungo na ako sa time in and out at saka nagpunch ng time card.
"Hintayin na kita sa labas." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Hunter. Nauna na akong naglakad sa kaniya sa labas. Wala nang masiyadong costumer dahil pasado alas dose na ng madaling araw. Napahikab tuloy ako habang binabaybay ang daan pabalas ng restaurant. Nagpaalam pa ako sa mga nadaanan kong katrabaho. Ang ilan sa kanila ay ka-close ko na't kasama na rin sa mga kalokohan.
BINABASA MO ANG
SEKYU 1 (BL) Completed
General FictionCOMPLETED Alam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro ng pag-ibig oras na pasukin niya ang buhay ni Damian, isang sekyu sa katabi nilang subdibisiyon. Sadiyang makulit siya at hinayaan niya pa rin ang pusong mahulog ng husto sa mg...