𖡎
Chapter 9
#wrewp
Hindi ko siya maunawaan. Dahil ba tinutulak ko siya kay Milca kaya siya nagkakaganito? Na nakakadagdag ako sa isipin niya dahil tinutulak na nga siya ng taong gusto niya, pinipilit ko pa sila ni Milca? Akala ko ba sang-ayon na siya sa date nilang dalawa? I really couldn't understand what he was saying. Aside from it was out of the blue, I couldn't also wrap my head around it.
Sino 'yung gusto niya na tinutulak siya sa iba? Kaklase ba namin? Nasa dance troupe? Saan niya nakakasalamuha?
Ewan. Hindi ko na alam! Ang gulo niya naman.
It lurked in my head for the next few days of our session. It constantly ran into my head on its rail, coming through like a train in my thoughts. Naiisip ko siya dahil namromroblema ako. Parang napupurnada ang plano ko sa kanila ni Milca. Ano? Mapupunta lang sa wala ang lahat? Hindi ako papayag. Kaya tuwing mag-aaral kami, lagi kong binabanggit si Milca. Sinisingit ko siya. Binabanggit ko na sasali rin ang babae sa darating na quiz bee. Ilang pagpapabango na ang ginawa ko para lang magbago ang isip niya.
And whenever we were having our study session, I noticed he was talking less unless I asked him. Parang kumakausap lang ako ng pader. Nagsimula iyon noong una naming pag-re-review. Nababanas na ako, sa totoo lang.
"Naku, yung anak ni Kuya David, si Marlon," ani Mama habang nasa hapagkainan kami. "Nakapasa sa med school! Tumawag pa talaga sa akin si Kuya para sabihin iyon sa akin!"
Tahimik lang akong kumakain. Papa was just listening while I pretended that I also did.
"Matalino ba 'yon si Marlon?" tanong ni Papa. Ang tinutukoy niya ay ang pinsan kong lalaki.
"Hindi naman matalino 'yon. Kaya ewan ko ba kung paano iyon nakapasa," sabi ni Mama. "Baka may backer. Binayaran. Tutal mayaman naman sila."
Mama was talking about his brother like it wasn't her sibling. Pinilit kong lunukin ang kanin sa lalamunan ko kahit alam ko na kung saan ito papunta.
"Tumawag pa talaga para ipagmayabang lang!"
"Ganiyan talaga 'yang mga kapatid mo. Ni hindi nga tayo mapadalhan manlang ng pera. Mga yumaman lang, akala mo mga kung sino na," giit ni Papa.
Mama glanced at me. "Kaya ikaw, Matienne, mag-aral ka nang mabuti. Dapat lagi kang nasa tuktok. Dapat lagi kang nangunguna," saad nito. "Para hindi nila tayo matapaktapakan. Gusto mo ba 'yon, anak? Pangmatahan tayo ng mga tito at mga pinsan mo?"
Umiling ako. "Hindi po, Ma."
"Halata nga sa mga mukha nila 'yung inggit nung pinakita ko 'yung grado mo noong huli. Ni hindi sila makaimik! Malamang, hindi nila maatim na matalino ang anak ko!"
Sa totoo lang, ang ilan sa mga pinsan ko ay matatalino. They were academic achiever as well. May ilan namang hindi, pero palagi akong nakukumpara sa kahit na sino. Kahit ang mga relatives namin, hindi magaganda ang ugali. Kahit nga ang pagkakaroon ng girlfriend ay pinapasok na rin nila. They were saying that maybe I didn't have a girlfriend yet because Kuya Matthew was gay, and maybe, I was also like him too.
When Kuya came out of his closet to our relatives, harsh words were thrown on my parents and more so on my brother. Tinignan nila kami na parang putik sa lupa.
But my parents were good at pretending when they were around. They bond with them like no knives were thrown. Panay din ang pag-i-imbento ni Mama ng kung anu-ano sa mga achievements ko kapag kaharap sila. Na nanalo ako sa ganito, na nanguna ako sa ganito. Even though they were lies, I couldn't correct it because I understood where my parents were coming from. Naiintindihan ko. Kaya nga pinagiigihan ko 'di ba?