Winnie
Nakasimangot na nakatingin ako sa bawat madadaanan namin. naiinis ako sa buong sanlibutan ngayon dahil hindi sa mall ang punta namin. paglabas kasi namin kanina sa university ay may nakaabang ng tatlong van sa amin.
Muntik kopa masapak si victor kanina dahil hindi man lang niya sinabi sa akin na sa mansion pala ang punta namin. baka raw hindi ako sumama kaya hindi niya sinabi sa akin, tama naman siya. pero gusto ko talaga siyang ihulog sa van ngayon.
he betrayed me.
Langya.
Kakalbohin ko talaga si grandpa kapag hindi na niya ako paalisin ng mansion. 'wag niyang sabihing pinatikim lang niya sa akin ang buhay sa labas kasi makakatikim din siya ng mahiwagang kaltok sa panot niyang ulo.
Pasalamat nga siya nagawa kong maging mabait ng isang araw lang. kapag kasi nasa mansion ako ay walang araw na hindi ako nangtrip ng tao do'n. pero after ko naman pagtripan mga guards at maids ay pinapakain ko sila ng masasarap na pagkain para hindi sila mag resign. tsaka hindi naman sobra sobra yung pagpapahirap ko sa kanila.
Ayaw kasi nila makipag laro sa akin kaya ako na gumagawa ng paraan para may kalaro ako.
Tapos yung tutor ko naman na matanda ang boring magturo. puro lang siya discuss. hindi man lang niya tinatanong kung may naiintindihan ba ako sa discussion niya.
"Andito na tayo." Sabi ni victor at binuksan ang pintuan ng van.
"Edi bumaba ka." Inis na singhal ko sa kanya.
Buntong hininga naman siyang nauna bumaba at sinabihan akong sumunod nalang kapag wala akong sapi.
Oh diba, ang gaspang ng ugali.
Akala mo talaga hindi ako ang amo niya.
Padabog na bumaba ako ng van at sinamaan ng tingin ang mga guard na nakabantay nanaman sa paligid. hindi ba sila napapagod kakatayo? tapos puro mga halaman pa ang nakikita nila.
Nagmumukha na tuloy silang poste sa paningin ko.
"Magandang hapon po, senorita." Sunod na sunod na sambit ng mga maid.
Isa isa silang nakatayo sa malaking pintuan at sabay sabay na yumuko sa harap ko. ano nakain ng mga 'to? akala mo naman ilang taon ako nawala sa mansion at may pa ganito pa silang nalalaman.
"Ako lang ang maganda sa hapon." Sabi ko at naglakad na.
Pero hindi pa man ako nakakalayo ng makarinig ako ng bumulong.
"Dapat hindi na siya bumalik."
Dahan dahan akong bumalik at inosente na tumingin sa bumulong na katulong. napangiti ako ng makitang ito yung kinaiinisan kong maid dito sa mansion. masyado kasi itong attention seeker. akala niya siguro hindi ko alam yong mga maling sumbong niya kay grandpa.
"Kumain kana po?" Nakangiti kong tanong sa kanya. napalunok siya ng sunod sunod bago umiling.
"Umuwi kana po muna sainyo para kumain. tapos 'wag kana bumalik." nakangiti kong sambit "Kasi you're fired." Dugtog kopa at iniwan siyang gulat sa sinabi ko.
Sorry not sorry but she doesn't deserve my kindness. 'yong kabutihan ko ay para lang din sa mabait sa akin.
"Kamusta ang pag-aaral mo?" Tanong ni grandpa.
"Kung 'yan ang itatanong mo ay alam mona ang sagot ko." I said and smile like a innocent child. he just nod his head.
"Did you met her?" He ask.
"Sino? yung future asawa ko?" Sabi kona nagpailing sa kanya.
Binuksan nito ang cabinet at may inilabas na kung ano.