Chapter 8

1.6K 31 4
                                    

Elizabeth

"G-Good Morning! Ladies and Gentlemen.Welcome on board this flight to Manila.My name is John Cruz and I'm Your In-flight Service Director.Your cabin crew are here to ensure you have an enjoyable flight to Manila this morning." Narinig ko nag announce habang nakaupo kami dalawa ni Ezekiel sa loob ng Philippines Airlines.

"Babe inaantok ako" sabi ko sa kaniya.

"Maaga ka kasi gumising kanina. Isandig mo ang ulo mo sa balikat ko at matulog kana" sabi niya.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Thank you Ezekiel" sabi ko. Pinikit ko ang mata ko. Isang oras ang biyahe ng Eroplano. Isang oras ang tulog ko.

Kailangan ko makapagpahinga para may lakas ako mamaya. Excited na ako makita ang Manila sa Personal. Pangarap ko ito puntahan.

"L-Ladies and gentlemen, Philippines Airlines welcomes you to Manila. The local time is Nine o'clock am, For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate."

Nakagising ako dahil nag announce na mag arrival na kami sa Manila NAIA Terminal 2. Wow ang laki-laki ng Manila. Ang dami gusali, ang tataas ng mga Building.

Pumasok kami dalawa ni Ezekiel sa Arrival Area. Ang dami tao sa Airport. Ang dami pauwi sa Probinsiya at ang dami nagbabakasyon sa ibang bansa. Halos punuan ang Eroplano. Sakto ang bakasyon ng mga tao kasi buwan ngayon ng Mayo. Summer na summer.

Hinawakan ni Ezekiel ang kamay ko. May Van na sumundo sa amin paglabas sa Arrival Area.

"Hello sir Ezekiel" Binati siya ng Driver ng makasakay kami sa Van. Inalalayan ako ni Ezekiel umupo. Nilagay niya muna ang maleta niya sa likuran ng Van. Tumabi siya sakin. Isang oras ang biyahe mula NAIA Terminal 2 papunta sa bahay ng Parents niya.

"Hello mang Jun" Binati ni Ezekiel ang Driver.

"Kumusta ang trabaho mo Sir sa Davao?"

"Okay lang Mang Jun, Wala kami naka-ekwentro na NPA oh Rebelde" sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako. Minsan nakakatakot ako sa trabaho ni Ezekiel dahil delikado. Buhay ang nakasasalay para sa bayan.

"Dapat sir mag-iingat palagi dahil delikado sa Davao, marami NPA at Rebelde." Aniya

"Sinabi mo pa. Don't worry Mang Jun palagi ako nag-iingat." Saad niya.

Pumasok ang Van sa isang Subdivision. Huminto ang sasakyan sa isang Gate. Wow gate palang ang ganda ng Design. Maganda ang bahay. Sosyal ang dating!

"Babe" narinig ko ang isang babae habang papalapit kay Ezekiel. Sino siya?

"Anika!" Biglang kumunot ang noo ni Ezekiel."What are you doing here?" Tanong niya. Nagwawala kibo nalang ako habang nakatingin sa kanila dalawa.

"I miss you so much!" Sabi niya. Gusto niya yakapin si Ezekiel kaso umatras siya.

"Ano ba Kailangan mo Anika. Diba tapos   na tayo dalawa." Saad niya.

"No Ezekiel, mahal na mahal parin kita. Please come back to me!" Desperada sabi niya.

"Seriously? Are you kidding me again Anika. Hindi ka naman siguro inutil ano? Alam mo ang ginawa mo sakin. Habang tayo pa nagpabuntis ka sa iba lalaki. Sinaktan mo ako Anika, Minahal kita dahil akala ko perfect girlfriend kita. Akala ko hindi mo ako sasaktan. Hindi mo ako lolokohin, hindi mo ako ipagpapalit sa iba. Umalis lang ako pagbalik ko may kalaguyo kana ibang lalaki at ito pa ang malala Nagpabuntis ka pa. Niloko mo ako. Kaya hindi mo ako masisi kung bakit tinapos ko na ang satin dalawa. Matagal na tayo tapos Anika." Mariin na Saad niya.

HMS #1 A Soldier Heart (R-18) Complete Where stories live. Discover now