Chapter 22

45 0 0
                                    

Ikaw lang

Yesterday's date was so lovely. Damn it. I am so vocal about my feelings for her.

Siguradong-sigurado na ako sa kaniya. I am courting her, probably dating her tho. Kahit na hindi siya pumapayag pero para sa akin, nililigawan ko na siya.

Sinundo ko siya sa kanila. Papunta na kami sa University dahil ngayon gaganapin ang pageant.

She was beautiful right now. Palagi nga pala siyang maganda sa paningin ko.

"Ready ka na sa pageant?" Tanong ko sa kaniya.

"Kahit sabihin kong hindi pa ako handa..." napailing siya. "Wala na akong magagawa dahil baka ibagsak ako ni Mrs. Agdipa." Aniya at bumuntong hininga.

I ruffled her hair.

"Let's win this, Eliana ko. . ." I told her with confidence.

She just bit her lip and nodded her head. "I hope I can do that," she chuckled.

Hinawakan ko ang kamay niya. Isang kamay lang ang gamit ko na nagda-drive. I just want to calm her.

Maaga pa naman kaya dumaan muna kami sa malapit na simbahan para magdasal. Nagtataka siya noong tumigil ako sa harap ng simbahan.

Wala naman misa ngayon kaya malaya akong nagparada sa harap.

"Ano'ng ginagawa mo? Bawal ka magparada dito sa harap ng simbahan." Sabi niya habang nakakunot ang noo.

Hinila ko siya at pumasok kami sa loob.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" Tanong niya.

Nilingon ko siya at ngumiti lang sa kaniya.

"Magdadasal tayo para sa magiging panalo natin. . ." Malumanay na sabi ko. "Pray na tayo?"

She gulped and ignored me. She faced the altar. Tumitig lang ako sa kaniya ng ilang minuto bago harapin ang altar.

Hindi ako madasalin na tao pero ngayon, gusto ko na lang magdasal palagi.

Ipinikit ko ang aking mga mata at taimtim na nagdasal.

I prayed for her. Ayaw ko siyang kabahan ngayon. I know, she has a lot of confidence but she's maybe afraid of the crowd.

I prayed for her to do her best today. To win the crown.

Hindi lang iyon ang ipinagdasal ko at sobrang dami no'n. Lahat ng achievements namin na natatanggap ay nagpasalamat ako sa maykapal.

Hiningi ko din ang permiso ng panginoon na ibigay na sa akin ang babaeng gusto at pinakamamahal ko. Na sana siya na ang makasama ko sa hinaharap.

I opened my eyes and glance at her. She was now staring at me.

I swallowed hard.

"What did you pray for?" She asked me.

I bit my lower lip to suppress my smile and the thrill I could feel inside me.

"Ikaw," Iyon ang isinagot ko.

Bakas ang pagtataka sa kaniyang mga mata. Itinuro niya ang sarili niya.

"A-Ako?"

I nodded my head. "Ikaw po. I prayed for you..."

"Bakit ako?" Naguguluhang tanong niya.

"Para hindi ka kabahan mamaya sa laban," sambit ko. "At ipinagdasal ko din na sana ikaw na ang magiging una at huli ko. . . Ang makakasama ko sa habang-buhay."

I saw her blushed yet she looks down on her feet. She didn't say a thing. I sighed heavily and then smile for a moment.

Sobrang mahal na mahal ko ang babaeng ito, Lord. Baka puwedeng ibalato mo na siya sa akin, please. Kung siya ang para sa akin, hinding-hindi ko siya sasaktan at mas lalo kong patutunayan na mamahalin ko siya. Taimtim kong dalangin.

Playboy's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon