Hear My Voice by Eiram_Marie

6 0 0
                                    

"Para sa lahat ng mga kababaihan na nananatiling matatag
sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok."
- Eiram_Marie


"Nene! Nene! Nasaan ka na?" aligagang saad ng isang babae na tinatayang nasa kwarenta mahigit ang edad. Hindi naman mapakali ito habang hinahagilap ng mga mata nito sa buong kapaligiran ang isang batang babae na tinataya naman nasa sampung taong gulang ang edad. Namumutla rin ang mukha nito.

"Nene! May naghahanap sa iyo," pahayag ng isang batang babae na nagngangalan Lily. Kinakausap nito ang isang batang babae na nagngangalan naman Nene. Kasalukuyan nasa loob ng isang malaking tent ang dalawang bata kung saan ginawa nila itong bahay-bahayan.

Nalaman ni Lily na hinahagilap si Nene ng isang babae noong makasalubong nito sa daan ang babae at ipinagtanong nito kung kilala niya si Nene.

Nangunot ang noo ni Nene nang mapatingin sa mga mata ni Lily. Itinaas din nito ang mga kamay upang isenyas ang mga nais nitong sabihin kay Lily.

Bata pa lang si Nene ay naging pipi na siya. Nagsimula ito noong magkaroon ng problema sa pandinig si Nene na hindi napagamot nang dahil sa kahirapan kung kaya't nauwi ito sa pagkabingi nito at habang tumatagal ay nakaapekto na rin ito sa pagsasalita ni Nene.

Para maunawaan ang mga sinasabi ni Nene, tinuruan siya ng sign language at ang mga taong posibleng nakakakilala kay Nene. Binigyan din siya ng hearing aid nang sa ganoon ay may maririnig pa rin itong mga tunog mula sa mga ingay na magmumula sa paligid at mga tao.

"Sino ang naghahanap sa akin, Lily?" sumisenyas na saad ni Nene na naunawaan naman kaagad ni Lily kung ano ang ibig sabihin nito.

"Hindi ko siya kilala. Ang sabi niya lang sa akin, tiyahin mo raw siya. Kailangan mo na rin daw umuwi kaagad sa bahay ninyo," pagpapaliwanag naman ni Lily sa kalarong si Nene.

Muling napakunot si Nene dahil sa tinuran ni Lily subalit hindi na lang siya nagtanong ulit at sa halip ay nagpaalam na siya kay Lily para umuwi sa kanilang bahay.

"Ehrr!" Bahagyang pag-ingit ni Nene bilang pagbibigay ng pahiwatig na nakauwi na siya sa bahay nila.

"Nene! Saan ka ba nagpupupunta, huh?" padaskol na saad ng isang babae sabay bahagyang pasugod na niyakap nito si Nene na ikinagulantang naman ng bata.

Pamaya-maya narinig na lang ni Nene na tila humahagulgol ang babaeng mahigpit na nakayakap sa kanya. Ang babaeng ito ay si Nenita. Tiyahin siya ni Nene. Nakatatanda rin kapatid ng ina ni Nene.

"Ehhrr!" Muling pag-ungol ni Nene upang pukawin ang atensyon ng tiyahin niya. Kumawala na rin mula sa pagkakayapos kay Nene si Nenita. Nagpahid din ito ng luha at bahagyang suminghot-singhot.

"Tiya, bakit nga po pala kayo umiiyak?" pagtatanong ni Nene sa harapan ng kanyang tiyahin gamit ang sign language.

Bago sumagot si Nenita, niyakag muna nito ang pamangkin upang umupo sila sa isang upuan na yari sa kawayan. Nang makaupo na silang dalawa, huminga muna ng malalim si Nenita bago magpasyang makipag-usap kay Nene. Mataimtim naman na nakatingin si Nene sa kanyang tiyahin. Mababanaag sa mga mata nito ang pagkalito at pagkabahala.

"Nene, kailangan natin lumuwas ng Maynila. Pupuntahan natin ang Inay mo," paglalahad ni Nenita kay Nene sa pamamagitan ng sign language. Bagamat mahinahon ang hitsura nito ngunit sa kaloob-looban nito magkakahalong emosyon ang nararamdaman nito ng mga oras na iyon lalo pa't kaharap nito si Nene. Parang nakikinita ni Nenita ang kapatid nitong si Nelia kay Nene dahil parang pinagbiyak na bunga ang mag-ina.

"Talaga po? Makikita ko na ulit si Inay? Kailan po tayo pupunta sa Maynila?" Magkakasunod ang mga tanong ni Nene sa kanyang tiyahin nang maintindihan na nito ang ginawang sign language ng Tiya Nenita nito. Ang kaninang pagkabahala ay napalitan nang pagkasabik nang mabalitaan nito mula kay Nenita ang balak nilang pagtungo sa Maynila.

Portraits in BlossomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon