KABANATA 47

3 2 0
                                    


                                                                     ⚜️Keelan⚜️


Hindi pa ako tapos i interogate itong nahuli namin kasama ng mga nang ambush sa Butler ni Kendrick ng maka received ang tawag galing sa kanya.


May panibago na naman problema hindi pa nga ako tapos rito sa isang to. Kahit anong piga mo ayaw talaga magsalita kong may iba pa bang kasapi ng kilusan sa Valencia.


" Go on Captain Arellano. Ako na ang bahala sa isang to.. Kailangan ka ng mga kaibigan mo. I update nalang kita pag nagsimula ng magsalita ang isang to." utos sakin ni General Bacuiran.


Nandito kami ngayon sa interrogation room ng Head quarters.


" Pero general. Kailangan kong malaman kong sino pa ang mga kasamahan niya dito sa Valencia. Kailangan ko silang mahuli lahat. Para tuluyan ng maging ligtas ang mga kaibigan ko sa labas. "


" I know. Pero ang mga taong kagaya niya ay hindi basta basta ilalaglag ang mga kasamahan niya sa kilusan. Kailangan ka ng mga kaibigan mo Keelan. Hindi natin alam kong may susunod pang pag ataki na magaganap at wala ka roon para protektahan sila. "


Tama si general, vulnerable sila Kendrick ngayon sa hospital. Kailangan ko silang puntahan.


" Sige na umalis kana. You're dismissed Captain Arrelano."


" Thank you General." tapos sumalado sa kanya ay nagmadali na akong umalis sa HQ. Habang nasa daan ay tinext ko si Aden sa nangyari.


Susunod din sila ni Alia sa JMC. Kailangan kami ni Kendrick dun.


Nagmadali na akong magmaneho ng saksakyan papunta sa hospital. Pagdating ko roon ay agad akong nagpark at pumasok sa loob.


Kakapasok ko pa lang sa E.R ng hospital ay rinig na rinig ko na boses ni Kendrick nag sisigaw.


" Don't f*cking touch me. I WILL NOT LEAVE EVEN IF YOU DRAG ME OUTSIDE. I WILL STAY HERE UNTIL BELLA WAKES UP. YOU CAN'T MAKE ME." pilit siyang kinakaladkad ng mga lalaking naka itim.


Parang mga bodyguards na pilit siyang pinapaalis sa kinakaupuan niya. Pero hindi bumibitaw si Kendrick sa mahigpit na pagkakahawak niya sa bed frame na hinihigaan ni Bella.


" I'm sorry Young Master but we have to do this. " tapos bumunot ng baril ang isa at tinutukan si Kendrick sa ulo.


(-__-)


Agad din akong bumunot ng baril at tinutukan sila.


Hindi ko talaga gusto pag inaagrabyado mga kaibigan ko.


*Kasa ng Baril*


" Drop. that. gun. now. (-__-)" agad nabaling ang atensyon ng mga lalaki sakin.

ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon