KABANATA 1

27 1 0
                                    

Madiing tinali ni Lorelei ang sintas ng luma niyang sapatos. Kalahating oras na lang ay magsisimula na ang klase niya ngunit hinihintay niya pa ang perang ibibigay ng kanyang Tita Agnes. Pang-huling taon na niya sa kolehiyo sa kursong business management. Gusto niya ay siya na ang mag-manage sa maliit na restaurant na iniwan ng yumao niyang ina na hawak ng Tita niya.

Nagsalubong ang mga kilay niya at napasandal sa lumang sofa matapos marinig ang h*linghing ng Tita niya mula sa kwarto. Sigurado siyang naroon na naman ang kinakasama nitong lalaki na si Richard.

"Idiin mo, Richard!" dinig pa niyang sigaw ng Tita niya.

Naiiling siyang pumikit. Maya-maya pa matatapos ang mga ito kaya naman tumayo na siya at kumatok sa pinto ng kwarto.

"Tita, aalis na po ako."

"Oh! Ode umalis ka—Richard!" muling hiyaw pa nito.

"Iyong pera ko po," paalala niya pa rito ngunit d*ing at h*linghing ang sagot nito.

Paulit-ulit niyang kinatok ang pinto. Ang huling bigay nito ay limangdaan na pinagkasya niya ng isang linggo. Ayaw naman niyang basagin ang alkansyang baboy niya na mamiso lang ang laman.

Nabitin sa ere ang pagkatok niya noong bumukas ang pinto. Niluwa no'n si Richard na pawisin, tanging basketball short ang suot, may hawak din itong libo-libong pera sa kamay. Namumutok ang mga braso nito at halos masakop ang pinto sa laki ng katawan. Mukha pa itong aburido noong tumingin sa kanya kaya napaatras siya.

"Istorbo," parinig pa nito bago siya lagpasan.

Napamaang siya at agad na pumasok sa kwarto. Huli niya pang nagsusuot pa lang ng t-shirt ang Tita niya.

"Pera lang ang habol sa'yo ni Richard, Tita. Hiwalayan mo na iyon. Ang laki ng katawan no'n at kaya no'n ang magtrabaho—"

"Huwag kang makialam sa desisyon ko at hindi naman kita anak. Ikaw ang lumayas kung gusto mo. Bukas makalawa ay dito na titira si Richard. Mas maganda siguro kung humanap ka na ng ibang matitirahan at baka maging kaagaw pa kita sa kanya. Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo," pinal nitong sambit bago nagsuot ng underwear.

Nag-init ang sulok ng mga mata niya, "Ginagatasan ka lang ng pera ni Richard, Tita—"

"Oh ayan, dalawang libo para matikom iyang bibig mo. Huling b*on mo na iyan. Gagamitin ni Richard ang pera at magtatayo siya ng talyer."

Mas lalo siyang nanlumo, "Hindi po pwede iyon. Pera ni Mama ang mga iyan. Kita sa restaurant niya, Tita. Huwag naman po kayong magpabilog kay Richard!" hindi niya mapigilang ilakas ang boses niya.

Napalunok pa siya at natakot noong tumayo ito at lumapit sa kanya. Matalim na ang tingin nito.

"Aba! Ano'ng pera ng Mama mo? Ilagay mo sa kokote mong matagal ng patay ang Mama mo at akin na ang restaurant na iyon. Pinag-aral at pinakain na kita. Nasa tamang edad ka na at kaya mo ng magtrabaho." Ilang beses pa nitong tinulak-tulak ang noo niya.

"Hala sige, layas!" galit pa nitong sigaw bago siya itulak palabas ng pinto.

Pinigil niya ang mga luha. Bandang huli ay hindi niya nakuha ang dalawang libong bigay nito. Nanghiram pa tuloy siya ng pera kay Nica.

"Paano ang OJT mo? Titigil ka kailan huling taon na, Lei?"

Nasapo niya ang noo at napasubsob sa mesa. Simula noong maging boyfriend ng Tita niya si Richard ay naging ganoon na ang Tita niya.

"Ewan ko. Hindi ko na alam, Nica."

Bumikig ang lalamunan niya sa badyang pag-iyak. Ni hindi niya pinansin ang grupong lumapit sa kanila.

Mga Anak ng BilyonaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon