Elizabeth
Nakita ng dalawang mata ko ang ex girlfriend ni Ezekiel. Ang ganda-ganda niya. Maputi, sexy. Pero niloko niya si Ezekiel. Pumupunta dito sa bahay ng magulang ni Ezekiel dahil mahal niya ang dati boyfriend. Humihingi ng second chance kaso ayaw na ni Ezekiel sa kaniya. Kahit ako sa Malagay sa sitwasyon ni Ezekiel, malaman mo ang boyfriend ko nakabuntis ng babae. Magagalit talaga ako at makikipaghiwalay ako.
Bakit ko pa ipagsiksikan ang sarili ko sa tao nanloko sakin. Masakit yun para kay Ezekiel dahil minahal niya si Anika ng buong puso niya.
Mabuti nalang naka move on na agad si Ezekiel sa babae yun. Sana huwag na siya bumalik dito, nag-alala ako baka guluhin niya ulit si Ezekiel. Naka move on na nga yun tao at nanahimik na tsaka ginugulo ulit. Kaloka.
He's deserve to be happy! Hindi deserve ni Ezekiel ang maloko at masaktan dahil napakabuti niya tao. Malinis ang puso niya. Marami siya maganda katangian na nagustuhan ko sa kaniya. Magalang sa magulang ko, mabait, marunong tumanaw ng utang na loob sa tao nakatulong sa kaniya. Honestly Hindi naman siya mahirap mahalin dahil mabuti siya tao.
Bigla may kumatok sa Pintuan kaya napalingon ako. Pumunta ako agad sa tapat ng pintuan at pinihit ko ang seradura ng pintuan.
"Nanay Sanya. Pasok po" Paunlak na sambit ko sa kaniya.
"Elizabeth mag-usap nga tayo dalawa" Hinawakan niya ang kamay ko bago pumasok sa loob ng kwarto.
Kinagat ko ang ibaba labi ko.
"Ano po ang pag-uusapan natin dalawa Nanay Sanya?" Tanong ko.
"M-Magsabi ka nga ng totoo sakin, may nangyare na ba sa inyo ng baby Zeke ko? Huwag ka mahiya dahil dalawa lang tayo dito sa kwarto at parehas tayo babae." Saad niya.
"Opo" bigla sumaya ang mukha niya.
"Talaga? So buntis ka?" Namilog ang mata niya nakatingin sakin.
"Hindi ko po alam Nanay sanya." Sagot ko.
"Kailan ka ba dinadatnan ng regla mo?" Seryoso tanong niya sakin.
"Hala ka buwanan ko na pala pero sa ngayon hindi pa ako ni regla e" sabi ko.
"Confirm buntis ka. May Pregnancy test kit kaba diyan. Tignan natin! Elizabeth magpabuntis kana kay baby Zeke ko, naiinggit ako sa kumare ko may mga apo na sila ako wala pa. Kainis kasi ito si baby Zeke ko hindi nag-asawa agad. Yun ex niya nagloko kaloka." Saad niya.
Ang ganda ng Mommy ni Ezekiel, Masayahin at palangiti. Maagan ang loob ko sa kaniya.
"Nanay huwag po ikaw mag-alala darating tayo diyan"
"Kailan naman Elizabeth. Hija huwag mo sasaktan ang baby ko ah. Huwag mo gayahin si Anika na kumakarengkeng sa iba lalaki. Mahalin mo siya at alagaan mo siya mabuti okay. Alam mo naman baby ko yan si Ezekiel ko."
"Nanay ilan po ang anak mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Apat ang anak ko, Si Fiona, si Danica at si Jaden. Si Fiona nasa Australia nurse kasi siya doon. Si Danica nag model sa magazines, sumasali sa mga beauty contest sa Buong Asia. Pati sa America sumasali siya. Si Jaden yun ang sumunod sa yapak ng Tatay niya. Architect si Jaden kaso wala siya sa Pilipinas nasa Japan siya ngayon dahil sa Trabaho niya. Si Ezekiel ang panganay ko anak." Aniya.
"Ganun po ba"
"Oo kaso wala naman ako aasahan sa tatlo anak ko. Ayaw mag-asawa at busy sa mga career nila sa buhay."
"Baka Nanay Sanya Hindi pa panahon kaya ayaw pa nila mag-asawa." Sabi ko.
"Baka nga. Taga Davao ka pala. Alam mo Elizabeth hindi naman ako namimili kung sino ang mamahalin ng anak ko. Hindi ako matapubre tao. Galing ako sa mahirap na pamilya." Saad niya
"Hah ganun ba, paano po ikaw nagustuhan ng asawa mo Nanay?"
"Inakit ko hahahah joke lang" natatawa sambit niya.
"May ganun po ba?"
Umarko ang kilay niya habang nakatingin sakin.
"Oo ako ang Nanligaw sa tatay nila. Binigyan ko noon ng love letter. Hindi ko sinukuan hanggat sa mapansin niya ako. That time nakarinig ako ng pang-iinsulto galing sa bibig ng asawa ko. Sumuko ako pero naging baliktad dahil siya ang naghahabol sakin. Diba ang haba ng hair ko Elizabeth" Saad niya.
"Talaga. Nakakatuwa naman ang love story niyo dalawa"
"Oo ganun talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit masakit at nasasaktan kana hindi ka parin magsusuko dahil alam mo sa sarili mo na mahal na mahal mo siya. Katulad sa inyo dalawa ni baby Ezekiel ko. Naging matatag ang relasyon niyo dalawa dahil mahal niyo ang isat-isa. " Aniya.
"Mahal ko po ang anak niyo Nanay Sanya" sabi ko.
"Dapat lang, bagay na bagay ka sa anak ko. Kaya mamaya gabi yayain mo siya para makabuo kayo agad." Nakangisi sabi niya.
"Mama ano po ba sinasabi niyo kay Elizabeth nakakahiya po" sabi ni Ezekiel, bigla kasi siya dumating.
"Naku baby ko. Hindi naman mabigat ang hinihingi ko diba, Please" Aniya.
"Okay mama, bibigyan kita ng apo, wait kalang" sabi ni Ezekiel. Bigla uminit ang mukha ko.
"Talaga. Baka binubudol mo lang ako. Hindi ko makakalimutan na sinabi mo yan sakin Baby ko" Aniya.
"Mama, pwede ba tigil-tigilan mo ang pagtawag sakin ng baby."
"Ayaw ko nga. Baby kita e. Alam mo ba mahal na mahal kita. Alam mo Elizabeth kaya mahal ko ang anak ko yan kasi noon bata pa yan napakabait na bata. Six years old yan marunong na yan maghugas ng pinggan. Ten years old siya natuto maglaba ng brief niya. Tinuruan ko yan sa gawain bahay habang nag-aaral ng High school yan. Hindi nagrereklamo kahit marami ako inuutos. Hindi maarte sa pagkain. Alam mo ba kumain yan ng gulay at isda. Hindi katulad ng mga kapatid niya, mga sosyal." Saad niya.
"Si mama talaga"
"Bakit hindi ba totoo. Alam mo Elizabeth Valedictorian yan ng High school. Kaya proud na proud kami dalawa ng Daddy niya. Masipag mag-aral. Varsity player pa kaya marami babae nagkakagusto sa kaniya kaso ayaw niya. Wala ako magagawa."
"Wow matalino ka pala Ezekiel" sabi ko.
"Medyo lang" sabi niya.
"Oh maiwan ko muna kayo dalawa dito may gagawin lang ako. Bye Elizabeth" sabi niya.
"Bye po"
Lumabas siya sa kwarto. Naiwan kami dalawa ni Ezekiel sa kwarto.
"Are you okay Elizabeth. May Kailangan kaba oh baka gusto mo ng meryenda?" Umiling ako.
"Okay lang ako Ezekiel. Ang bait ng mama mo nu, good vibes siya kasama." Sabi ko.
"Yeah, you're right. She's a good mother for me. Sa amin magkakapatid kaya mahal na mahal siya ni Papa." Aniya.
"Ma swerte ka dahil nagkaroon ka ng mabait at mapagmahal na ina" sabi ko.
"Yeah.Everything I've learned that's worth knowing, I learned from my mother.Moms are the most beautiful beings in the world.No one has loved you like your mom and no one ever will. Her love is the purest of all.The highest compliment I could receive is that I've turned into my mother. I can only hope! When I became a mother, it was then I knew what was in my mom's heart."
"Tama ka Ezekiel" sabi ko sa kaniya.
"Babe masaya ako dahil palagi na tayo magkasama" Saad niya.
"Babalik kapa ba sa Davao Del Sur?" Tanong ko sa kaniya.
"Maybe no" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Bakit Ezekiel sundalo ka diba? Paano ang trabaho mo sa Davao?" Nagulat ako sa Desisyon niya hindi na babalik sa Davao.
"Mag resign na ako babe. Mas gusto ko makasama ka hindi ako tinatamaan ng Bala sa katawan ko. Iiwan ko ang pagiging sundalo ko basta makasama lang kita." Saad niya.
"Hah" napaawang ang bibig ko.
"Yes, totoo ang mga narinig mo galing sa bibig ko. I love you Elizabeth ko."
"Mahal din kita Ezekiel" tugon ko.
YOU ARE READING
HMS #1 A Soldier Heart (R-18) Complete
RomanceBata palang si Ezekiel Montenegro pangarap na niya maging Isang Dakila Sundalo, Ayaw na ayaw niya Matulad sa Tatay niya Architect. Mas gusto pa niya humawak ng Machine gun at Armalite kaysa sa mag drawing. Sa kasamaan palad habang nakikipag barilan...