╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 12
╚════════════. .✯ . ╝Pagtapos ang pag lalaban ng iba't ibang kaharian mayroong inihandang celebrasyon si ama. Ang lahat ay nasa Great Hall at nandito parin ang mga naka laban namin
Nasa iisang lamesa kami ng kasamahan ko at wala narin kaming mga sugat. Ngunit may mga peklat kami dahil sa natamo naming sugat
Pagod na din ako dahil kanina pakong lumilibot dito. Kasi pinapakilala ako ni ama sa mahahalagang bampira at sa mga reyna at hari ng iba't ibang kaharian
Matatapos na rin naman ang celebrasyon dahil anong oras na. Ngunit marami parin ang nag sasaya, samantalang hindi ko manlang magawa iyon.
Bigla naman nag bago ng tunog ng kanta at napalitan iyon ng pag romantiko. Marami naman ang tumayo at kanya kanyang aya para makipag sayaw
"Sana sayawin ako ni gurong Ghoss" Biglang sabi ni Syringe, hinampas naman siya ni Astraea dahil doon. Sa aking palagay mayroong pag tingin si Syringe kay Ghoss
"Binibiro ko lamang kayo at wala namang asawa si gurong Ghoss kaya ayos lang" Tumingin naman siya sa gilid at nandoon si Ghoss
Ngunit may kausap itong babae at nag tatawanan sila. At sino naman iyon? Ang alam ko walang nobya si Ghoss. Tinignan ko naman si Syringe at natahimik naman ito
Maya maya pa ay may kamay na nag lagay sa harap ko. Tinignan ko naman kung kanino iyon at tama nga ang hinala ko, kay France nga ito
"Can I dance with you? " Hindi naman ako makapag salita dahil sa pagka bigla. Umaangat din ang lakas ng tibok ng puso ko dahil kahit alam kong siya iyon, hindi ko parin to inaakala
"Bawal-" Hindi niya na tinapos ang sasabihin ko nang bigla niya ng hilain ang kamay ko. Hindi na rin ako makapag piglas dahil alam ko rin sa sarili ko na gusto ko ito
"I shouldn't asked you, even if you hate it, I'll still pull you"
"Desisyon ka" Sabi ko sa kanya. Hinila niya naman ako sa gitna at nilagay niya ang isa niyang kamay sa bewang ko. At magka hawak ang isa pa naming kamay
"Look at your brother" Bulong niya sa akin. Tinignan ko si kuya Xaeious at masama ang tingin nito sa amin at ganon din si ama. Umiwas naman ako ng tingin
Patawad, ngunit kahit siguro sa huling pagkakataon karapatan ko parin sumaya. Kahit sa kunting oras lamang, maka sama lang ang lalaking nagpapa tibok ng puso ko ngayon
Kahit na anong pigil at iwas na gawin ko hindi parin nawawala ang nararamdaman ko. Kahit na nasaktan ako ng lubos sa nakaraan ko ganito parin ang puso ko
Mula naman sa gilid ay nakikita ko si Hexia na naka tingin sa amin at duguan. Kahit na ganito hindi parin ako maka takas, hindi parin ako nahahayaang sumaya at makalimutan ang lahat
Hindi kaluluwa ang nakikita ko, napa luha nalang ako dahil nakumpirma kong totoong may sakit ako. Kahit na anong gawin ko hindi parin talaga ako magiging maayos
"Why you crying? " Huminto naman kami at pinunasan niya ang luha ko. Mahigpit ko ding hinawakan ang kamay niya para sa huling pagkakataon
"Goodbye France, I don't deserve to be happy"
✣✣✣
May kumatok naman sa pintuan ko at bumukas iyon, pumasok si Kaz na may dala dalang pagkain. Nilagay niya ito sa lamesa at humarap sa akin
BINABASA MO ANG
𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4)
VampireValkyrie Series #4 The 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 Elise Sy Valkyrie ┊┊┊✧ ⁺ ⁺ 𝙴𝚟𝚎𝚛𝚢𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚊𝚢𝚜 𝚜𝚑𝚎'𝚜 𝚊 𝚑𝚎𝚊𝚛𝚝𝚕𝚎𝚜𝚜 𝚙𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎𝚜𝚜. 𝙱𝚞𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚢 𝚍𝚒𝚍𝚗'𝚝 𝚔𝚗𝚘𝚠 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚛𝚎 𝚠𝚊𝚜 𝚊 𝚛𝚎𝚊𝚜𝚘𝚗 𝚋𝚎𝚑𝚒𝚗𝚍 �...