The Night We Met

5 1 0
                                    

Pauwe kami ng probinsya ng maalala ko ang gabing nakilala ko si Brandon na aking asawa…

Nagtatrabaho ako sa isang café dito sa aming bayan ng pumasok ang isang grupo ng kalalakihan, sa araw-araw na pagtatrabaho ko rito sa café marami kang maeencounter na klase ng tao, pero iba siya, o sadyang iba siya sa paningin ko. Habang pumipili sila sa menu ng oorderin ay hindi ko maiwasan mapa tingin sa kanya, nagtataka na bakit siya nasa ganoong klase ng grupo, obvious naman kasi dahil mararangya ang mga kasuotan ng mga kasama niya at ang mga tabas ng bibig ay akala mo nabili ka nila.

“Sir, pwede kona poba ligpitin ang mga pinagkainan niyo?” Sabi ko nang makalapit ako sa table nila dahil nakaalis na rin naman ang mga kasama niya at siya na lamang ang natira sa lamesa.

“Oo naman, pero pwede ba akong mag stay dito kahit wala akong o-orderin kailangan ko lang tapusin ang mga assignments nila.” Sabi nito, ako nama’y ngumiti bilang tugon. Hinatidan kona rin siya ng maiinom na tubig at free chips dito sa café.

Pasado alas otso na ng gabi at magsasara na ang café, kakaalis lang din niya at napansin kong may mga naiwan siyang papers na sa tingin ko isa sa mga ginagawa nya. Dali-dali akong nag pack-up sa café para maabutan ko pa siya at maibigay ang papers nya, sakto namang paglabas ko nakita ko siya sa malapit na 7/11 nakaupo sa labas at patuloy parin sa mga ginagawa nito. Dali ko naman siyang pinuntahan at inabot ang papers niya.

“Kuya, naiwan mo po doon sa escalera café.” Sabi ko ng makalapit sakanya.

“Nako! Salamat ha, naiwan ko pala, kanina ko pa ito hinahanap at ito nga ngayon uulitin ko na sana. Salamat talaga…” Sabi nito.

“Andie.” Ani ko.

“Salamat Andie, kailangan ko talaga ito. May gusto kaba dito sa 7/11? Makabawi man lang sayo kanina ka pa nagmamagandang loob doon sa café nyo.” Sabi nito.

“Ano kaba trabaho ko yun, pero pwede na ako sa big bite hehehe.” Biro ko, dali dali naman sya tumayo at bumili sa loob. Diko na sya napigilan dahil kahit anong tawag ko sakanya hindi nya ako pinansin. Itong lalakeng to nagbibiro lang naman yung tao.

“Oh ito.” Ani nito at inabot ang big bite na binili nya. “May laman paba ang tumbler mo? Hindi na kasi kaya ng budget para sa inumin.” Sabi nito at napailing. Nalungkot naman ako at baka nakadagdag pa ako sakanya.

“Huy ano kaba nagbibiro lang naman ako sineryoso mo naman. Last money mo na ba ito?” Sabi ko, at sinagot nya lang ako ng mapait na ngiti.

“Wala yun, ano kaba, babalik at babalik ang pera.” Bilang sabi nito, pero kita mong may pait sa sinabi nya.

Minuto ang lumipas at hindi ko alam ang sasabihin sakanya o anong gagawin, nahihiya rin akong kainin ang binili nyang big bite para saakin. Sa tingin ko yun lang ang perang meron siya ngayon, at walang pagaalinlangan nya akong naibili ng pagkain. Nahihiya ako sakanya, pero at the same time naaappreciate ko ang ginawa nya na kahit yun lang ang meron sya, still hindi siya nag hesitate na bumili. Ibang impact kasi yun kesa sa taong may ilalabas talaga na pambili.

Hinati kona lang ang pagkain para saaming dalawa upang pagsaluhan namin at saktong may laman na kape ang aking tumbler galing sa café.

Lumipas ang oras at kanina pa kami dito sa 7/11 at napakaraming bagay na ang napagkwentuhan namin, ang sarap at ang gaan nyang kausap, kakakilala ko lang sakanya pero masasabi kong ang light niyang klase ng tao, ni sa mga pinaguusapan namin never akong nakarinig sakanya ng negative na parang lahat nalang ng napagusapan namin ay meron syang nakikitang positive sa mga situations. Nakwento nya din na ginagawa nya ang mga projects at assignments ng dati nyang kaklase para may pang gastos at makatulong sa Lolo niya na kasama niya sa bahay, sobra tuloy akong nakokonsenya sa binili niya saakin.

Tinanong nya ako kung hindi pa daw ako uuwe dahil tapos na din sya sa mga gawain nya, sabagay hating gabi na ngunit hindi naman ako namamadali dahil malapit lang din dito ang apartment na pinag-stayan ko at sakto day off ko din bukas. Hindi rin naman ako nangangamba na may gawin syang masama saakin, kakakilala ko lang sakanya pero ang komportable kong kasama at kausap sya. Inaya nya nga ako kung gusto kong mag stay sa bahay nila na walking distance lang din naman dito, hindi ko alam anong meron pero baka bukas na sa drum na ako or chop-chop na ang katawan ko sa ref nila pero ito ako kasama niyang naglalakad patungo sakanila.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na nandito sa sala ng bahay nila habang nagkekwentuhan, hindi din naging hadlang saamin ang kawalan ng ilaw at tanging kandila ang nagsisilbing liwanag namin.

Hindi normal saakin ang ganito, masasabi kong introvert akong klase ng tao, nguniy mula sa simple hanggang sa malaking bagay pinaguusapan namin. Tila ba kahit ano ibato namin sa isa’t-isa ay mapagpapatuloy naming ito hanggang sa mapagod nalang kami. Totoo nga ang sabi nila kung sino pa yung hindi mo kilala, sila yung makakaunawa sayo na kahit anong sabihin mo hindi ka huhusgahan. Kaya siguro magaan ang loob ko sakanya dahil napaparamdam niya saakin na tao rin ako, na normal na may maramdaman ako at normal na mag react ako. Siya yung tipo ng tao na okay lang na maging mahina at magpahinga ka.

Nakwento nya rin na tumigil na sya sa pagaaral dahil sa kakulangan sa pera at walang ibang makakasama ang Lolo nya,
kaya sumasideline sya para may pang araw-araw sila at may pang gamot ang Lolo nya. May mga pagkakataon rin naman na wala talagang mapagkunan ng pera at nagtitiis talaga ng kalam ng sikmura. Narealize ko tuloy na kahit ganito maswerte parin pala ako, maswerte parin ako na hindi ko naranasan ang nararanasan nya.

Ang saya and at the same time ang lungkot din kasi ng mga kwento nya tungkol sa buhay nya, akala ko ang hirap-hirap na ng pinagdadaanan ko sa buhay. I don’t want to compare pero deserve nyang umangat sa buhay, deserve ni Brandon ang magagandang bagay, deserve nya at naniniwala akong hindi sya hanggang dito lang. Nakikita kong maraming magagandang bagay ang paparating sakanya, deserve niya yun at winiwish ko talaga na manalo sya sa buhay, gusto ko siyang makita sa taas nabubuhay ng masaya at maging yung tao na sinasabi nya saakin na gusto niyang maging. I know that we just met, but I’ll be proud of him.

“So, bakit ka sumama sakin? Hindi kaba natatakot na may gawin akong masama sayo?” Sabi nito habang natatawa.

“Considered bang masama yung mahulog sayo?” Sagot ko.

At sa mga oras na yun ang naiisip ko ay worth it na makasama si Brandon, worth it na magcommitt sakanya, worth it siyang mamahalin.

Hindi ako makapaniwala na nahanap ko na ang taong mapagkakatiwalaan ko sa buhay ko.

At sa pagbalik sa reyalidad, nakasakay ako sa ambulansya dahil may bumangga sa sinasakyan namin na isang malaking truck. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako makapagsalita at makagalaw, at tanging mga mata ko lang ang nagagalaw ko. Isa lang ang sigurado wala dito ang mag-ama ko, mamamatay yata ako sa kakaisip kung napaano sila dahil kaming tatlo ang magkakasama sa sasakyan. Gusto kong tanungin ang mga paramedic ngunit wala talaga lumabas sa bibig ko…

Nang makarating sa hospital ginamot nila ang mga sugat ko at ginawa ang mga tests na kailangan, hindi naman sobrang
critical kaya inadvised lang nila ako na magpahinga ng ilang araw sa hospital for observation na rin.

Ilang oras ang lumipas may mga pulis na pumasok sa kwarto at kita na sa mukha nila na masamang balita ang hatid nila.

“Ma’am, kayo ho ba si Andie Rivas?” Tumango ako bilang sagot. “Ma’am naalala nyo ho ba na nadamay kayo kaninang 4:15 PM sa isang aksidente sa Mabitac, Laguna.”

“Oo, nasaan ang mag-ama ko? Kamusta sila? Andito din ba sila?”

“Ma’am ikinalulungkot po naming ipaalam sainyo na kasama po sa mga nasawi sa aksidente si Brandon at Lucas Rivas.”

---

Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng mangyari ang aksidente. Araw-araw at oras-oras kong naiisip ang mag-ama ko,
palagi kong naalala ang meron kaming pamilya, naalala ang mga bagay na mga ginawa namin at mga bagay na gusto pa
naming gawin. Alam kong tuloy lang ang buhay, pero hindi ko kaya, hindi ko kaya ng wala sila. I would give up everything and I would give anything para lang makapagsimula muli at bumalik sa gabi na nakilala kita, Brandon.

Sa huling pagkakataon ipinikit ko ang aking mata, alam kong dadalhin ko lahat ng kung anong meron kaming pamilya kahit saan pa man.

That night, Andie died in her sleep.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Night We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon