Chapter 18

58 0 0
                                    

PAGOD na sumalampak ng upo si Lime sa sahig ng sala ng bahay ng kaibigang si Cloud. Natapos palang nilang ayusin ang buong bahay ni Cloud. At ang gurang na si Rayven, talagang binigay sa kanya ang unang palapag ng bahay para linisin dahil ito naman daw ang maglilinis ng buong banyo at sa labas ng bahay. Si Noah naman ay nakatoka sa second floor.

"Kakapagod," ani ni Noah na bumababa sa hagdan  habang minamasahe nito ang sariling balikat gamit ang isang kamay. "I can pay thousands of people to clean this fucking house, pero bakit ako ang naglilinis nito?" Naiiritang tanong ni Noah.

He chuckled at Noah.

Umupo ito sa tabi niya. "Teka nga muna, sino ba ang nag-suggest  na ayusin natin itong bahay ni Ulap?"

Sino nga ba?

"Ako, may angal?" Ani ni Rayven na kakapasok palang sa loob ng bahay. "Lilinisin natin ito at hindi tayo magbabayad sa ibang tao."

"Oo. Aangal ako kahit bayaw kita,"singalong no Noah kay Rayven. "Alam ko ba kung gaano linisin ang buong second floor?" Inisa-isa ni Noah ang ginawa nito na lihim niyang ikinatawa.

Itinirik lang ni Tanda ang mga mata. "Nilinis ko nag lahat ng banyo at pati ang nasa labas."Tinaasan sila nito ng dalWang kilay. "May aangal pa?

NAG-AAGAHAN si Amora at Asher ng may kumatok sa pinto ng apartment nil. Nauna nang tumakbo si Asher patungo sa pinto at excited na binuksan iyon. Siya naman ay nakasunod lang dito.

"Daddy ko!" Masayang sigaw ni Asher na ikinabilis ng tibok ng puso ni Amora.

Amora know that she was already falling for Lime. And seeing him again after a day that he was gone, hindi mapakali ang puso niya na mabilis na tumitibok para sa binata.

"Hello, kiddo!" Pumasok si Lime sa loob ng apartment at nang magtama ang mga mata nila, nginutian siya nito dahilan para lumabas ang dimple nito sa kabilang pisngi.

Damn. He looks so hot!

"Hey, Ganda,"bati nito sa kanya.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para itago ang kinikilig na ngiti sa mga labi niya. "Hi."

"I'm back," sabi nito habang matiim na nakatingin sa mga mata niya.

Yeah. He was back. Tulad ng pangako nito sa sulat na babalik ito. Maybe Lime is different from those men. I hope so.

Hindi niya napigilan ang nararamdaman, sinugod niya ng mahigpit na yakap ang binata.

"Thank you for coming back," anoya at ginawaran ito ng halik sa leeg. "I miss you," pag-amin niya kapagkuwan.

"I miss you more, ganda," ani ni Lime at hinalikan siya sa labi.

Their eyes met, and they couldn't look away. Hindi niya alam kung bakit na-miss niya talaga ito kahit isang araw niya lang itong hindi nakita.

"Daddy, are you done kissing, mommy?" Tanong ni Asher na pumutol sa pagtititigan nila ni Lime.

Napatingin siya sa anak na nakatakip ang mga palad sa mata nito. Natawa siya dahil nakakunot na ang nuo ng anak niya.

"Yes, boss."sagot ni Lime at inakbayan siya nito.

"Daddy, what is this?"tanong ni Asher sa paper bag.

Ibinaba naman niya ang tingin sa tinutukoy ni Asher.

"Buksan mo. Para yan sayo."

Excited na binuksan ng anak niya ang nasa paper bag na box. Sobrang lapad ng ngiti nito ng makita ang Sand Toy Set Bucket na gusto ng gusto niyang ipabili sa akin.

OBS 3: Our Sweet And Sour LoveWhere stories live. Discover now