BLAIRE SAMANTHA's POV
Kinabukasan ay maaga pa lang ay gising na ako at nakabihis na. Hindi para pumasok kundi para bumyahe na papunta ng laguna. Kahapon kasi ay bigla akong nakatanggap ng mensahe galing kay scarlett na wala kaming pasok kaya napaaga ang sembreak namin. Tuwang tuwa pa nga siya dahil mas mapapaaga rin daw ang pagbo-boy hunting niya. Ewan ko sa babaeng yun!
"Are you ready?" napatingin ako kay min tsaka siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka simpleng plain black t-shirt at khaki pants lamang siya pero kahit na ganon ay angat pa rin ang kagwapuhan niya.
Sinong di mahuhulog sa lalaking to? Kahit hindi pa ako sanay na minsan ay ganito ang pakikitungo niya sakin ay masaya ako dahil minsan lamang ito kaya dapat matuwa ako.
"Ahh oo." sagot ko sa kaniya bago bumaling sa hawak kong isang maleta. Hindi naman gaanong maraming damit ang dala ko pero tama na rin naman yun hanggang sa bumalik kami.
"Alis na kami manang." aniya kay manang esther kaya napatingin rin ako kay manang. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin ni min.
"Mag-iingat kayo hah! Pakikumusta rin ako sa mama at papa mo." sagot naman sa kaniya ni manang.
"Opo!" sabay tango ni min bago naunang lumabas.
"Mauna na po kami manang. Mag-iingat rin po kayo dito okay?" ako naman ngayon ang nagsalita. Lumapit naman sakin si manang saka hinawakan ang kamay ko.
"Magpakasaya ka doon hija hah! Kalimutan mo muna ang mga problemang dinadala mo. Magpakasaya ka lamang doon." napangiti naman ako dahil sa sinabi ni manang.
"Opo manang. Maraming salamat po. Mauna na po kami." saad ko.
"Oh siya sige. Mag-iingat kayo hah!" paalala niyang muli.
"Kayo rin po mag-iingat rin po kayo." aniko saka naglakad palabas. Sumunod naman sakin si manang pero tumigil rin siya sa may hamba ng pintuan. Kaya muli akong lumingon sa kaniya at niyakap siya. Niyakap niya naman ako pabalik.
Napabitiw naman ako mula sa yakap at napatingin kay min ng kinuha niya ang maleta ko at siya na mismo ang naglagay sa may trunk ng kotse.
Kotse lamang ang gagamitin namin total hindi naman ganon kalayo ang bahay nina tita celine. Siguro mga ilang minuto lang rin ay makakarating na kami doon.
"Mauna na po kami manang." sambit ko.
"Sige hija!"
Agad naman akong naglakad palapit sa kotse tsaka pumasok. Ganon rin naman si min. Lumingon muna ako ng huling beses kay manang bago umandar ang kotse.
Mamimiss ko si manang.
Nilingon ko naman si min at nakita siyang seryosong nakatingin sa kalsada.
Ito ang unang beses na nakasakay ako sa kotse ni min. Dapat sana eh pangalawang beses ito pero hindi natuloy. Agad kong ipinilig ang ulo ko.
Ayaw ko nang balikan pa ang pangyayaring yun.
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagseselpon. Napatigil naman ako sa pagscroll sa facebook ng bigla akong nakatanggap ng message sa isang unknown number.
Unknown number:
Hi sam! This is Michael. Just wanna ask you if you have some plan tomorrow?Napakunot naman ang noo ko ng mabasa yung message. Pano nalaman ni michael ang number ko? Wait I think I know who's behind this. Damn scarlett!
Sinave ko na lang muna yung number niya bago ako nagtipa ng isasagot.
To michael:
Sorry michael pero may plano na kasi ako. Tsaka wala ako sa bahay ngayon Im on a vacation. Sorry talaga!
YOU ARE READING
WAY BACK INTO LOVE
RomanceBlaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba nang tinitibok ang puso ni Min? Magawa niya kaya itong mapaibig o susuko na lamang siya?