C H A P T E R 12

316 15 0
                                    

“Paki-deliver nalang po ng mas maaga bukas huh?”

Sambit ko sa kabilang linya. Kausap ko ngayon farm kung saan ako kumukuha ng mga binibentang bulaklak.

“Noted po, sir. Aagahan nalang namin bukas,” sagot naman ng kausap ko.

“Okay, thank you.”

I hung up the call before turning around. Nagtagpo ang mata namin ni Vincent. Maaga ako nagsara ngayon ng Flower Shop, hindi dahil sa sinabi ni Vincent kanina. Naubos na kasi karamihan ng Flowers na binibenta ko dahil sa pagdagsa ng tao kanina. Gulat at mangha pa rin ako dahil nakabenta ng gano'n si Vincent. I suddenly felt guilty for criticizing his skills.

“Are you going somewhere?” Vincent's inquire. Naghihintay siya ngayon sa'kin.

“Wala naman na. Umuwi nalang tayo sa mansyon,” I say.

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. He seemed to disagree.

“Huwag muna tayo umuwi, masyado pang maaga. Let's hang out...” Nangeenganyo niyang sambit. “As a brother,” dugtong pa niya.

I just stared at him. He was waiting for me to speak. Wala namang malisya iyon, sa kanya na rin ng galing na magha-hang out kami bilang magkapatid. Thank God, at natauhan na rin siya na dapat niya akong ituring na nakapatid.

“Saan naman pupunta kung gano'n?” 

“Wherever you want to go. Basta huwag muna tayong umuwi. It's too boring in mansion.” 

Nagisip-isip kung saan magandang pumunta ngayon. Wala naman akong makapang na ideya. Hindi naman ako masyadong gumagala. Sa tuwing matatapos ang trabaho ay sa bahay agad ang uwi ko. I also rarely hang out. Kung nasa mood lang ako o aayain ako ni Darcy lumabas kami.

“Wala ako masyadong alam na pwede natin pang hang outan,” Ani ko.

“Alam ko na kung saan...”

I frowned. “Saan?”

Ngiti lang ang ginawad niya sa'kin bago siya naglakad papunta sa front seat at binuksan iyon.

“Sakay...” Minuwestra niya bukas na front seat.

Even though I have no idea where we are going, I just ride. He gently closed the door of the front seat before turning to his seat. Ikinabit ko ang seatbelt. Nakapasok na rin si Vincent sa driver seat.

“Saan ba tayo pupunta?” I asked again while carefully adjusting the seatbelt.

He looked at me. “Chill Ace, I got you.” Ngumisi siya sabay kumindat sa'kin.

I sighed. I just focused my attention on the front. Hindi ko na siya kinulit kung saan man kami pupunta, halata naman kasi na wala siyang balak sabihin.

He started running the engine of his Fortuner and we left immediately. Ilang minuto rin ang naging byahe bago namin marating ang aming destinasyon.

Pagak akong natawa nang mapagtanto kung saan niya ako dinala ngayon.

I folded my arms and looked at him. “Really, Vincent. Sa mall talaga?”

“Masyado ka namang excited Ace?” He shook his head with a smirk on his lips.

“Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko 'yong pupuntahan natin huh, kundi uuwi ako.”

“I'm pretty sure you'd like it,” He said confidently.

“Tsk!”

Bumaba na'ko sa kotse niya. Hindi muna ako pumasok sa mall para hintayin si Vincent. Magpapark lang siya ng kotse niya. He also came later.

Our Sinful Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon